🏵Chapter 9🏵

Start from the beginning
                                    

"We need to prepare. We will be leaving by midnight." Malamig na saad ni Yuan.

Agad na napabaling naman ako kay Yuan.

"Excuse me? By midnight? Hindi ka ba makahintay ng umaga?" I asked incredulously. Umaandar na naman ang sakit nito na umalis kami ng wala sa timing yung oras. Diyos ko, alas dose, tulog na tulog pa ang kaluluwa ko niyan.

"Oh, sleeping beauty is mad." Kantiyaw naman ni Hera.

Gusto ko naman taasan ito ng kilay. FYI hindi siya nakakatawa at hindi ako natutuwa sa kanya. Calling me sleeping beauty makes me even mad.

"Yuan, hindi ba pwedeng kahit ala sais na lang tayo umalis. Please naman maawa ka sa eyebags ko." Pagmamakaawa ko naman rito. Grabe naman kasi ito eh, noong Knighthood anong oras din yun ng umalis kami pati ba naman ngayon?

"We can't do anything. There is a time difference from here to Tierra." Sagot naman ni Yuan.

Aaaahhhhh! Ang daming dahilan! Gusto ko matulog! Kotang kota na ako sa letcheng eyebags na ito!

"Okay, then I'll go ahead ng makatulog naman ako kahit papano." Saad ko na lang rito.

"It is still too early. It's 4 pm." Puna ni Yuan.

"Do you want me to die with sleep deprivation?" Sarkastikong tanong ko rito.

"It's just for one night." Sagot naman rito.

"I still can't bear it. I'll take my leave." Tumayo na ako at lumabas sa living room. Pumanhik naman ako sa hagdanan pero naabutan naman ako doon ni Yuan at nahawakan nito ang aking siko na nagpapigil sa akin sa paglalakad. Felt like the electricity current flowed to my veins.

"We need to talk." Diin na saad nito.

"For what?" Mahinang tanong ko rito.

"Follow me." Saad nito at nauna na itong unakyat at tinungo ang kuwarto nito.

Napabuntong hininga naman ako at sumunod rito. Hindi ko alam kung ano na naman ang sasabihin nito. Baka naman mga paala-ala dahil sa darating na mission.

Pumasok ako sa kuwarto ni Yuan at tsaka naabutan ko itong umupo sa malaking kama nito. Lumapit naman ako rito.

"Please take care of yourself." Saad kaagad ni Yuan.

Nagulat naman ako rito. Pinapunta lang ba ako dito just to tell me to take care of myself?

"Uhm, I always take care of myself." Awkward na sagot ko rito. Kahit papaano ay may mumunting kilig na gumagapang sa kaibuturan ng aking puso.

"It worries me thinking you will be not with me in this mission. You have the tendency being a clutch and stupid." Sagot nito.

Nagtagis naman ang mga bagang ko. Ang ganda ng sinabi eh tapos bigla You have the tendency being a clutch and stupid naghahamon ba ang impaktong ito ng away?

"You jerk. I am not a clutch and stupid. It is part of my learning as a newbie!" Diin ko naman rito. "And besides, its not that we are separating, we are still traveling together with the team."

"I know, but I have to look for Hera, she can't be harmed." Saad nito.

"Then look at her to your hearts content." Mabigat ba saad ko rito.

"Wha-"

"What are you doing here?!" Biglang naaalarmang tanong mula sa aming likuran.

Napalingon naman ako at nakita ko si Hera na nakakunot ang noo at may nabanaag akong selos sa mga mata nito. Crap, nakalimutan kong isarado ang pinto kaya nakapasok ang impaktang ito.

"We are talking with some important things." Malamig naman na sagot ni Yuan na nag-iba ang itsura.

"Can't you just say it there in the living room?" Tanog ulit nito.

Teka lang bakit ba galit ang babaeng ito? Halatang galit ito at hindi nito gusto ang nakita at naabutan pero ano naman ang karapatan niyang magalit? As far as I remember, wala pang nakakaclaim kay Yuan at ngayon kung makaasta itong si Hera ay parang girlfriend na pinagtaksilan ng boyfriend.

"This talk is just between me and Snow. No need for everyone to hear it." Sagot naman ni Yuan.

Pinipigilan ko ng mapataas ang aking kilay. Sasamain na talaga ang babaeng ito sa akin. Ni hindi pa nga sila, ang taas na ng bakud. Ano ka, construction worker kasi magaling mambakud?

"I think I better leave. See you later." Saad ko pero wala akong tiningnan at dire-direcho ako sa paglabas. Hindi ko na inaba pa ang aking sarili na lumingon dahil nabubwiset lang ako.

Paakyat na ako sa hagdanan ng biglang may pumigil naman sa aking kaliwang braso. Shit ano na naman? Paglingon ko ay si Hera ang nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nito sa akin para pigilan ako sa aking paglalakad.

"What?" Tanong ko rito. Wala ako sa tamang katinuan ngayon kaya dapat lubayan ako ng babaeng ito.

"You shouldn't go in his room." Diin na saad nito sa akin.

Gusto ko naman matawa. "And why is that?" Napapantastikuhang tanong ko naman rito. Nakashabu ba ang babaeng ito?

"Because you have no right. Don't you see me and Yuan are getting along?" Sagot naman nito.

Nagpanting naman ang mga tenga ko. Ano daw? Bawal ako pumasok dahil close sila? Nagpapataw ba ang babaeng ito.

"You know, you also don't have the right to tell me that. Yuan is my friend, longer than you." Nagtitimping sagot ko naman rito.

"But I am planning to marry him. Don't you see he loves me?" Agad na saad nito.

Doon na talaga naputol ang pisi ng aking pasensya. Wala na akong pakialam kung anak ito ng mga diyos.

"Who gave you the claim Hera? Are you so full of yourself because you are the child in the prophecy? Then let me tell you this, HE WILL NEVER BE YOURS." Diin ko sa kanya at tsaka nag walk out na ako.

Naiwan naman si Hera na nakatayo at nagulat dahil sa pagsagot ko rito. Kauna-unahan na sumagot ako rito. Now that she is stripping off her mask, I won't stand in silence, I think it is time to break my silence.
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Salamat po sa lahat ng mga bumubuto at nabibigay sa akin ng mga inspirational messages, PM or Comment.

Masaya akong nababasa mga comment niyo dahil nakakamotivate ito sa pagsusulat. Knowing na maraming nasisiyahan sa mga isinusulat ko ay talagang napakasaya ko rin.

Vote and Comment.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now