Chapter 23 - Trace' Answer

1K 8 13
                                    

"HINDI, huwag ka ng mag-kwento. Ayaw kong mawala ka sa akin." sagot ko sa kaniya bago ako humakbang papalayo sa kaniya.

Ngunit hindi pa ako nakaka-dalawang hakbang ay agad siyang yumakap sa aking likuran saka siya nagsalita. "Hindi ako mawawala sayo Trace..."

"Sinasabi mo lang ba yan para hindi ako mag-alala o sinasabi mo yan dahil kabaliktaran yan ng mangyayari?"

Naramdaman kong umiling siya bago niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Neither."

"I..."

"I lo--"

"I love you Natalie, mahal kita. That's what I'm feeling right now."

Hinintay ko kung ano ang kaniyang sasabihin pero narinig kong humihibik lamang siya. Umiiyak siya at kung ano man ang rason, sigurado ako, umiiyak siya dahil alam kong mahal din niya ako at nakuha niya ang gusto niya-- ang mahalin ko rin siya.

"Trace... I'm sorry ha. Hindi talaga kita kayang mahalin bilang little brother ko. What I feel for you is more than that. I feel like a trashed everything na sinasabi kong brotherly love ang nararamdaman ko sayo dahil parang ginamit ko pa ang kapatid ko para lang mapalapit sayo but everytime na mapapalapit ako sayo, nawawala ako sa sarili ko."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang mga kamay na nakayakap pa rin sa akin. "I'm sorry too. Sobra akong naging childish at selfish. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin."

"Paulet-ulet? Sabing hindi nga ako mawawala sayo, kulet."

"Ok, fine. Hindi na mawawala kung hindi mawawala."

"Hindi ka ata naniniwala sa akin eh!"

"Ahm..." inialis ko ang kaniyang mga kamay na nakayakap sa akin saka humarap sa kaniya bago ko siya tinitigan na tila nang-aasar. "Na-ni-ni-wa-la naman po."

Tinitigan din niya akong pabalik pero may kakaibang kislap ang kaniyang mga mata. Mga mata na tila... nang-aakit na hindi ko maintindihan. "Hindi ka talaga naniniwala, Trace..."

Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kanang kamay saka ito inilapat sa kaniyang dibdib. Napalunok ako. Hindi ito magandang biro! Tinitigasan, este, na-a-ano ako kahit hindi ganun kalaki ang dibdib niya na parang pandesal. Ang daming naglalaro sa isip ko! Napalunok ulit ako.

"Alam mo bang... tayong dalawa na lang ang nasa resort na ito?" sabi niya sa akin pagkatapos niyang inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. Kinagat pa niya ito ng mahina saka ito dinampian ng halik.

Grr! Unti-unti na akong mababaliw sa ginagawa niya! Sobrang pang-aakit na ito! Ku-- kunsensiya! Help! (Pero siyempre, hindi siya darating kasi nga dinala siya ni Flying Simsimi sa Ospital kasi nga basag ang nguso niya sa last chapter, remember?)

Hindi pa siya nasiyahan sa paglapat ng aking kamay sa kaniyang dibdib dahil dahan-dahan niyang inalalayan ang aking kamay na mahipo ang mismong balat ng kaniyang dibdib. Habang hinaplos ko ito ay may naramdaman akong malambot na bukol sa ibabaw nito. Para tuloy akong bulkan na sasabog sa ginawa niyang iyon!

Oo, aaminin kong pinagyayabang ko na marami akong naging girlfriends pero hindi ako dumating sa puntong ganito. Sa puntong, alam mo nyo na, highest level!

"Uhm... Trace... I-- I'm yours, I promise." mahinang ungal niya sa akin bago niya ako mapusok na hinalikan sa labi. At hindi ko na rin napigilan ang aking sarili, sinagot ko iyon at alam ko na ang dapat kong gawin sa gabing iyon. Ang angkinin si Natalie at maniwala na hindi siya mawawala sa akin.

-

A/N - Eto po ang last poll result

A - 4 votes

B - 6 votes 

C - 4 votes

D - NOT COUNTED! Wala namang D eh, toink.

Hanggang dito na muna at baka masita ako ng MTRCB, haha! Siguro hanggang Chapter 25 na lang ito at tatapusin ko na ang kwento. Sana, samahan ninyo ako hanggang... sa.. waa.. kaasss... ahhh.. ayannn na... uuhhh... ohhh... yeeessssssss!!! 

Love Story In WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon