Chapter 18 - Faint Light

1K 11 8
                                    

"MA! Anong ginagawa mo dito?" halos sumigaw ako sa sobrang pagkabigla. Nagpukol naman ako ng matalim na titig kay Natalie pero parang balewala sa kaniya ang ginawa ko.

 "Siyempre, ano pa, eh di para makita ka. Ikaw namang bata ka, may girlfriend ka na pala, hindi mo pa sinasabi sa akin." pang-aasar ni Mama sa akin bago niya hinawakan ang kamay ni Natalie. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko ha. Ganyan lang talaga yan. Feeling independent pero halatang hirap na hirap naman."

Hinigpitan nito ang hawak sa kamay ng aking Mama. "Ok lang po mommy. Basta promise ko po sa inyo, aalagaan ko ng mabuti ang honey ko."

"Master! Iba ka na talaga! Ikaw na ang big winner! Ika-- ww naa--" sinakal kong muli ang aking kunsensiya para hindi na ito makapagsalita sabay tadyak para lumipad ulit ito papalayo sa akin. Pasaway talaga!

"Pero Ma, hindi ko siya girlfriend!"

Bigla ay tinitigan nila ako ng masama na may kasamang katahimikan. Ewan ko ba pero pakiramdam ko, wala akong kakampi sa puntong iyon. Teka, may kunsensiya pala ako! At least, kahit papaano, nakakatulong sa akin ang mokong yun para makapag-isip ako. Pero wala siya ngayon, sinipa ko na eh.

Nagsalita agad si Mama. "Eh ano mo siya?" sabay turo kay Natalie.

Tinuro naman ni Natalie ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang hintuturo. "Eh ano mo ko?"

"E-- ewan! Papasok muna ako sa kwarto para magbihis. Diyan na nga kayo."

"Honey, sama ako!"

"No way!" agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at ini-lock ko ito. Humabol pa si Natalie pero hindi rin siya naka-abot dahil mas mabilis ako sa kaniya. Buti nga!

Agad akong bumulagta sa akin kama sa sobrang pagod at asar sa babaeng iyon. Bakit ba naman kasi pinapalandakan niya na girlfriend ko siya samantalang hindi naman talaga! Ang usapan ay little brother niya lang ako pero pakiramdam ko higit pa talaga duon ang gusto niya. Nang gusto ko ng maniwala, bigla naman siyang aakto na hindi naman! Nakaka-asar!

Nagtakip ako ng unan upang hindi ko na marinig ang kanilang hagikhikan. Pero nang ginawa ko iyon, parang naiwan ang amoy ni Natalie sa aking kama. Para ako tuloy akong mababaliw sa kai-isip ng kung anu-anong bagay.

Naman! Bakit ba kasi ako nagkaka-ganito! Normal lang ang buhay ko dati! Pero nang dumating ang babaeng iyon, parang... parang nagbago na ang lahat. Tama, nagbago na nga ang lahat.

Kusa akong napangiti habang naiisip ko iyon. Kasunod nito ay ang unti-unting pagdilim ng aking paningin. Tuluyan na akong hinila ng antok...

Love Story In WattpadWhere stories live. Discover now