Chapter 17 - New Intruder

1.2K 16 44
                                    

HABANG nagpapalitan kami ng halik ay kusa ko siyang naitulak papalayo sa akin.

Hindi tama ito. Ang usapan namin ay magkapatid lang, hindi na pwedeng humigit dun. Isa pa, hindi niya pa ako lubusang kilala, hindi ko rin siya lubusang kilala. Mahirap na masaktan ko siya sa bandang huli baka kung sakaling mangyari iyon ay hindi ko mapatawad ang aking sarili.

Pagkalayo niya sa akin ay agad niyang tinakpan ng kumot ang kaniyang katawan. Nakatitig lamang siya sa akin.

"I-- I'm sorry. Mali ito. Magbihis ka na... A-- Ate."

Pagkasabi ko nun ay parang nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkabigla. Ang akala ko ay sisipain niya ako pero nginitian lamang niya ako na parang walang nangyari! Sabi ko na nga ba! This girl is playing games with me. Kaasar!

"Ikaw talaga Trace, you are so mahinhin. Kunsabagay, virgin ka pa eh." aniya bago ngumisi na parang laughing hyena. Naisahan niya ako sa pag-iinarte niyang yun!

"Ewan! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin! For your information, marami na akong naging girlfriend!"

"Ows? Marami na? Naka-iskor ka ba sa kanila?"

Ouch! That hits the critical spot! Tama nga ang sinabi ko na marami akong naging girlfriend pero in reality, hindi naman talaga ako naka-iskor sa kanila. Siguro, pa-tweetum kiss lang or akbay. Pero yung katulad ng ginawa namin ngayon, that's my first time!

"O-- oo naman! A-- ako pa!" depensa ko.

"Liar."

"Say what you want, I'm leaving before you. Kumain ka na lang mag-isa! And don't forget to lock my room before you leave, ok?"

MABILIS akong nakapag-bihis at gaya nga ng sinabi ko, umalis ako ng hindi siya kasama.

Pagkababa ko sa apartment ay nakita ko si File na parang kanina pa ako hinihintay! At base sa pag-sparkle ng kaniyang mga mata ay parang nahulaan ko na kung ano ang masamang plano nito sa akin! Siyempre, tatanungin niya ako kung ano ang nangyari sa amin ni Natalie!

"High five pare! Astig ka! Ikaw na!" bati niya sa akin bago niya ako inakbayan.

Siniko ko siya sa tagiliran bago ko siya hinila papalayo sa lugar kung saan siya nakatayo. "File, please, don't say another word. Tara, kain tayo, my treat."

"Ha? Eh si Natalie, paano? Hindi mo ba isasama?"

"Huwag na pare. Pababa na rin siya at uuwi na rin yun sa kanila. At isa pang please pare, sa atin-atin na lang ang nakita mo kanina. Ok?"

Tumango ito na parang bata. Magsasalita pa ito pero agad ko siyang hinila upang tuluyang makalayo sa apartment ko. Pupunta na lang kami sa mall at magpapalamig.

INABOT na kami ng gabi ni File sa mall bago kami naghiwalay.

Halos nanlulumo ako habang umaakyat ako sa hagdanan papunta sa aking apartment. Ewan ko ba pero parang nalungkot talaga ako ngayong gabi. Kahit nasabi ko na kay File ang nararamdaman ko para kay Natalie ay hindi pa rin ako mapalagay. Parang may mahalagang bagay na nawala sa aking buhay.

Kamusta na kaya si Natalie? Tanong ko sa aking sarili. Inaasahan ko na magsasalita ang aking kunsensiya pero parang nagtampo ata sa akin ang mokong na yun. Kung kailan ko kailangan ng isang makulit na kausap, saka naman wala.

Paglapit ko sa pintuan ay napansin kong hindi pala ito naka-lock.

Sabi ko na nga ba! Iniwang bukas ng babaeng iyon ang apartment niya! Pag may nawala sa mga gamit niya, lagot talaga ang babaeng iyon!

"Master! Baka nakalimutan niyang i-lock yung door!" singit naman ng aking kunsensiya habang nag-iisip ako.

Sa asar ko, sinipa ko siya para makabalik ako sa aking pag-ku-kwento. Ayun, lumipad ulit siya sa outer space!

Ngunit hindi ko pa naman tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may narinig na akong mga boses na nagtatawanan sa loob. Pilit kong inalam kung sino ang mga ito pero isa lang ang sigurado, boses ito ng dalawang babae.

At--

"Oh, nandiyan ka na pala si Trace. Tara, kumain ka na. Sabayan mo na kami ng girlfriend mo." masayang bati sa akin ng aking inang mother na umalis sa kaniyang kaharian habang kumakaway-kaway pa ito sa akin.

Bumagsak ang aking dalawang balikat. Nakikita kong nag-ku-kwentuhan ang dalawang bruha habang kumakain ng hapunan. Siyempre pa, kilala ko ang kausap ng aking ina. At iyon ay walang iba kung hindi si Natalie na nakasuot pa ng apron at medyo haggard ng kaunti ang buhok, malamang dahil sa pagluluto.

"Hi honey ko, welcome home! Tara, sabayan mo na kaming kumain ni Mama." dagdag pa nito na parang nang-aasar na ewan.

Love Story In WattpadWhere stories live. Discover now