Chapter 5 - Poof Treat

1.6K 20 23
                                    

"SBARRO tayo, my treat." agad kong sabi pagkatapos niya akong papiliin.

Ang akala niya siguro, makaka-isa siya sa akin. Buti na lang nakapag-withdraw ako ng allowance ko kahit papaano. This time, susubukan kong gumastos kahit tinagurian akong "froggy locky" ng aking mga ka-tropa. Froggy locky kasi para daw akong palaka kung mag-ipit ng pera. Take note, hindi malaki ang mata ko. Ibang klase lang talaga mag-trip ang mga yun.

"Sure ka ha? Medyo mahal dun. Ok na ako sa Mcdo." muli niyang sabi habang tinitingnan niya ako sa mata. Siguro, ginagamit niya ang kaniyang killer puppy eyes attack para pumayag ako sa gusto niya pero hindi, ako ang masusunod dahil ako ang lalake dito.

"No, kaya ko to. Tara, tsibog na tayo."

"Ok Trace, whatever you say." aniya bago niya hinigpitan ang pagkaka-hawak sa aking braso.

Paglabas namin sa National Bookstore ay may babae na bumunggo sa akin. Halos mahalikan ko ulit si Natalie dahil mas matangkad ako sa kaniya. Buti na lang at nakuha ko pa rin ang aking balanse. Hinabol ko ng tingin ang babae na naka-sumbrero pero hindi man lang ito lumingon pabalik upang mag-sorry.

"Hoy miss! Mag-sorry ka sa boyfriend ko! Suplada nito!" sigaw ni Natalie na akmang hahabulin ang babae. Agad ko tuloy siyang pinigilan dahil ayokong magsimula ng malaking iskandalo sa mall. Buti na lang at hindi rin siya narinig ng babae at mabilis itong nakalabas ng mall.

"Ssh! Don't start a fuss around here. Ok lang ako. Tara na, nandiyan lang ang Sbarro oh."

"Hindi eh, nakaka-asar kaya ang mga ganung babae. Pag nakita ko yun, sasabunutan ko talaga yun!"

"At nga pala, ano yung sinabi mo na boyfriend?"

"Ah yun?" ngumisi siya. "Oo nga noh! Wah!"

"Ang kulet neto."

"Ok lang ba?"

"Ang alin?"

"Na... na maging boyfriend kita."

"What!?"

"Kitams. Just kidding. Baka nag-ha-halucinate ka na sa gutom. Tara na nga at ililibre ako ni Trace sa Sbarro! Yehey!"

Siya pa mismo ang nauna sa store at mabilis na pumila sa counter. Take note, mabilis din siyang naka-order sa aming dalawa. Ewan ko ba pero parang panaginip lang ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko, isa akong biktima. Oo, biktima dahil parang ninakaw ni Natalie ang puso ko. Hindi pa ako totally na-i-in love pero sa tingin ko malapit na dahil sa kagagawan niya. Ewan!

"Sir, that's 345 pesos po." sabi ng babae sa counter area bago tumingin sa akin si Natalie.

"Ok, teka, kukuha lang ako ng pera sa wallet ko." sabi ko bago ko kinapa ang aking wallet.

Wallet? Te-- teka, bakit parang wala akong makapang wallet? Sh-- shit! Nawawala ang wallet ko! Don't tell me nadukutan ako? Oh hindi! Hindi ito pwedeng mangyari!

Love Story In WattpadKde žijí příběhy. Začni objevovat