Chapter 1 - Good morning!

3.5K 32 51
                                    

NAG-REGISTER ako sa Wattpad ayon na rin sa sinabi ng aming teacher.

Sabi sa mga tips, kailangan daw mag add ako ng friend, magbasa at mag-komento sa mga istorya na narito. Ginawa ko naman at nakita ko ang isang user na nag-publish ng kaniyang bagong kwento. Sa tingin ko, bago pa rin siya kasi same date ang kaniyang joined date. Isa pa rin ang kaniyang novel at wala pa ring cover gaya nung sa akin.

Ayon sa kaniyang profile picture, maganda siya. Hindi naman ito anime, hindi rin ito artistahin. Simple lang pero may dating. Yun siguro marahil ang dahilan kaya tinamaan kaagad ako sa kaniya.

"Hard to get pero kalog. Once you know me, you will want to know more about me" ayon sa kaniyang profile information.

Napangiti na lamang ako sa aking sarili bago ko naibulong, "Ayos din ang babaeng ito ah. Kalog daw, ano yun, motorsiklong kalawangin?"

Pinindot ko ang 'Become a Fan' button para masundan ang mga ginagawa niya. As usual, pinagpatuloy ko rin ang pag-su-surf sa Facebook at Twitter. Inaantok na rin ako kaya mabilis akong bumulusok sa aking kama at wala pang isang minuto, tulog na kaagad ako.

WALANG pasok ngayon kaya hindi na rin ako maaga gumising.

Minsan, hassle talaga gumising ng maaga kapag puyat ka sa kinagabihan. Gaya ng lagi kong ginagawa, binuksan ko muna ang aking Facebook account. Kakaunti lamang ang mga nasa friend's list ko. In fact, hindi ako pala-add ng friends dahil di ko naman sila kaano-ano. Di naman ako katulad ng ibang ka-tropa ko na kung sinu-sino ang ina-add. May makita lang na magandang chicks, pinipindot kaagad ang Add a Friend button na yan.

You have a friend request from Natalie.

"Huh? Sino itong Natalie na ito?" tanong ko sa aking sarili. Sinubukan kong tingnan ang profile niya at naka-private lahat ng information. Tanging picture lang ng cute na bunny ang nanduon.

"Siguro pangit kaya cute bunny na lang ang inilagay." bulong ko sa aking sarili bago ko pinindot ang Not Now button.

Maya-maya pa ay binuksan ko ang Wattpad at nakita ang isang update duon, Helena became your fan.

"Shit! Siya ba to? Nako, baka isipin nito para akong sirang plaka kasi in-ignore ko ang FB request niya! Kasi naman! Sa Wattpad, totoong tao siya. Pagdating sa FB, cute bunny. Ano kaya yun?" mabilis akong nag-PM sa kaniya sa Wattpad!

"Napaka-careless mo talaga Trace" sisi ko sa aking sarili bago ko muling tinipa ang aking keyboard.

Hi Natalie, ikaw ba yung nag-add sa akin sa Facebook? Pasensiya ka na, ni-reject ko siya kasi akala ko buhay yung cute bunny na nag-add sa akin. Kung ikaw yun, add mo na lang ulit ako. Text mo na rin ako kasi baka di ako maka-reply kaagad. Don't worry, di kita kukulitin, medyo di lang ako komportable kasi ang tanga ko by pushing that Ignore button. Punta lang ako sa MOA sandali, may bibilhin lang kasi ako sa National Bookstore. Just text me at 09224930897. -Trace from Wattpad

Love Story In WattpadWhere stories live. Discover now