Chapter 6 - Heart or Guns?

1.6K 15 29
                                    

KITANG-KITA ko ang mga ngiti sa labi ni Natalie habang nasa counter area kami.

At base sa hagikhik ng babaeng ito, parang natuwa pa siya na nawalan ako ng gamit! Aba! Kakaiba rin no? Ikaw na nga itong nawalan, siya pa itong nagsasaya. Pakiramdam ko tuloy, kasabwat niya ang mandurukot na yun! Pakiramdam ko tuloy may kasama akong malaking pigsa sa tabi ko ngayon. Ang malas ko naman!

"Sabi ko naman sayo Trace eh, dapat sa Mcdo na lang tayo kumain. Yan tuloy, nadukutan ka." sabi niya sa akin bago siya kumuha ng pera upang bayaran ang inorder namin.

Agad ko naman siyang pinigilan bago ko rin tinitigan ang cashier upang makulong ito sa aking Chrono's Sphere eye attack, isang uri ng atake na kayang pigilin ang oras kahit na ilang segundo! (pero siyempre, imagination ko lang yun, as if naman totoo, weh!)

"Hindi Natalie!"

"Hindi? Anong ibig mong sabihin."

"Hindi mo babayaran ang inorder ko. Miss pa-cancel na lang."

"Ha?"

"Ang sabi ko, hindi na tayo kakain. Huwag na lang tayo kumain. Busog pa kasi tayo diba?" palusot ko sa cashier na kanina pa naghihintay sa aming dalawa. Nagsisimula na rin na humaba ang pila sa aming likuran at ilang sandali na lang at magsisimula na kami ng malaking iskandalo sa Sbarro!

Ngumiti lamang si Natalie bago niya tinapik ng mahina ang aking pisngi. "Stop being a kid Trace. Let me pay for this at may utang ka sa akin, is that good enough?"

Awtomatiko naman akong sumagot. Pakiramdam ko talaga, kasama ko ang isang tao na pinaghalong nanay, kapatid, katulong, etc sa katauhan ni Natalie.

"Eh yung pagiging girlfriend, hindi kasama master?" sabat ng aking kunsensiya na kanina pa naglalaway.

As usual, tinadyakan ko siya ulit para mawala siya sa aking landas! "Obviously, hindi. Duh!"

"Sige, that's good enough for me. But I will surely pay you later." sabi ko sa kaniya bago ko kinuha ang aming order at nagsimulang maglakad papunta sa bakanteng table malapit sa amin.

Mabilis naman siyang umakbay sa aking likuran bago niya ako binulungan ng malapitan sa tenga na halos ikakiliti ko naman! Buti na lang at hindi ko naitapon ang bitbit kong pagkain!

"Dapat lang Trace. Because I need that payment 'later' with an added interest, ok?"

Ewan ko ba pero parang kinalibutan ako sa sinabi niya. Ano ako, alkansya? banko? coin bank? (teka pareho lang yun ha?) Parang nakakalimutan ata niya na nadukutan lang ako ngayong araw! Ni hindi ko pa nabili ang libro na kailangan ko dahil bigla siyang sumulpot! Worst, may klase pa ako maya-maya at napadaan lang ako dito sa MOA para mag-research pero ibang bagay ang nangyari sa akin! Kamalasan!

"Mamaya? Well you see, may klase pa ako at di ko pa nabibili yung kailangan ko. Basta babayaran kita, ok?" sabi ko sa kaniya habang tinitingnan ko ang kaniyang mga mata.

Pero imbis na simulan ang pagkain, tinititigan niya lang ako na parang ice cream! Parang naging uneasy ako habang kaharap ko siya. Worst, nahihirapan ako sa pag-upo dahil parang sumisikip ang aking kinauupuan. And later, I realized, it was not the chair that has a problem. It was something 'inside' my pants that is increasing in size! Shit!

"Hay naku Trace, later na nga natin pag-usapan yan. Let's just enjoy this lunch together. Later, share ko sayo yung about sa story na sinusulat ko. Malay mo, may makuha ka ring idea sa akin. And regarding the history books..."

May kinuha siyang dalawang libro sa kaniyang bag saka niya ito ipinakita sa akin.

Base pa lang sa cover at title ng dalawang libro, siguradong magkakasundo kami ng mga librong ito. Pinapahiram niya ba sa akin ito? Kung oo, mas mainam! At least di na ako bibili! Pero... kapag kinuha ko ito at hiniram, siguradong hindi lang ito ang una at huli naming pagkikita.

At siyempre, pag nagkita kami, it only spell one thing. Disaster!

"I have two history books here that I can lend to you, please choose only one dahil gagamitin ko rin ang isa sa mga ito later. Ang tanong, anong book ang pipiliin mo para hiramin?"

"Itong In the Heart of the Sea: The Tragedy of the Whaleship Essex na isinulat ni Nathaniel Philbrick or The Guns of August na akda ni Barbara W. Tuchman?"

Hinawakan pa muna ni Natalie ang aking kamay bago siya nagpa-alam sandali upang pumunta sa comfort room. But before that, may ibinulong siya sa akin...

"Basta yung payment at interest, 'later' Trace ha?"

- - -

NOTE: Pili po kayo ng book na hihiramin ni Trace. Depending on your choice, it will affect the plot of the story. Thank you sa mga sumusuporta!

Love Story In WattpadWhere stories live. Discover now