[ 46 ] Key

45.5K 626 50
                                    

Chapter 46: Key

Nakabalik na sina Steffi at ZAC sa hotel na tinutuluyan nila at nagpapahinga na sila. Mabuti na lang at naabutan nila ang doktor sa clinic doon dahil nang makarating sila doon ay paalis na ito. Binigyan lang si ZAC ng first aid at sinabihan sila ng doktor na kung maaari ay makapunta sila sa ospital para matingnan si ZAC ng maayos. Kinontra naman iyon ni ZAC at mas pinili nito na magpahinga na lang dahil simpleng sugat lang naman daw ang nangyari sa kanya.

Hindi maiwasan ni Steffi ang mag-alala kay ZAC. Oo, naghihiganti nga siya dito at may masama siyang balak laban dito pero hindi naman siya ganoon kasama para matuwa pa na nasaktan ito lalo na at nasaktan ito dahil pinrotektahan lang naman siya nito mula sa mga tao na gustong manakit sa kanya.

Nagising na lang si Steffi na nasa kama na siya. Natulog siya noong nakaraang gabi sa sofa dahil hinayaan niya na lang si ZAC na makapagpahinga doon. Hindi niya alam na maagang nagising si ZAC at inilipat siya doon. Si ZAC na rin naman ang natulog sa sofa dahil iniisip nito na maaaring ayaw siyang tabihan ni Steffi kaya hindi niya na lang din ito tinabihan.

Nang bumangon si Steffi, agad niyang nakita na natutulog si ZAC sa sofa. Hindi niya na lang muna ito pinansin at naligo na muna saka siya umupo sa harap ng hapag-kainan at kinain ang pagkain para sa isang tao na nakahanda doon. Pinatay niya na rin ang TV na bukas pa din hanggang ngayon at halatang nakatulugan lang ni ZAC. Naisip niya na rin na gisingin na ito.

"Gising ka na pala," agad na sinabi ni ZAC nang imulat nito ang mga mata niya kahit na halata naman ang sinabi nito.

Umupo ito at umupo rin sa tabi niya si Steffi.

"May hihilingin sana ako sa 'yo, ZAC."

"Ano 'yon?"

"Bumalik na tayo ng Manila. Kailangan mo na din mapatingnan sa ospital at wala na rin naman tayong gagawin dito."

"Hindi na kailangan, okay lang ako. Simpleng sugat lang naman 'to."

"Pero ZAC--"

Nginitian siya ni ZAC. Base sa ngiti nito, hindi lang iyon simpleng ngiti kung hindi ngiti na may halong kalokohan.

"Geneere, kung nag-aalala ka sa 'kin, sabihin mo lang. Kung masyado kang worried, pagbibigyan naman kita, eh."

"Ewan ko sa 'yo! 'Wag ka ngang feeler dyan! Kaya lang ako concerned kasi kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan."

Na-disappoint si ZAC sa sagot nito kaya hindi na lang siya nagsalita. Hindi na lang nito sinakyan ang sinabi niya at kinontra pa iyon.

"Mag-ayos ka na, magpatingin ka ulit sa doktor sa clinic dito."

Hindi na nagsalita pa si ZAC at nagbihis na lang. Pumunta rin sila kaagad sa clinic at nandoon na ang lalaking doktor na gumamot sa sugat ni ZAC noong nakaraang gabi at may kasama na rin ito na babaeng nurse na hindi naman nila nakita kagabi.

"Hello, Steffi. You're back. How are you? May masakit ba sa 'yo?" tanong ni doctor Lim.

Si Dr. Lim ang tumingin kay ZAC noong nakaraang gabi kahit na sana ay uuwi na ito. Nagtagal pa ito ng halos isang oras doon para lang matingnan si ZAC.

Tiningnan ni ZAC ang lalaki at hindi niya nagustuhan ang mga tingin nito kay Steffi. He faked a cough para agawin ang atensyon ng doktor saka lang siya nito tiningnan.

"I'm okay, doc. Wala namang masakit sa 'kin. Bumalik lang ako dito dahil sa kaibigan ko," sagot ni Steffi.

"Abby, linisan mo ang sugat niya at palitan ang benda sa ulo niya. Alam mo naman na ang kailangang gawin," sabi ng doktor sa nurse.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon