Damn... Ngayon pa tumalab sa akin ang pagod ah. Hmmm...

Mula sa pagkakadapa ay bigla akong napatihaya  at napatitig sa kisame nang maisip ko ang mga sinabi ng Onix na iyon. Ano ba kasing ibig sabihin nila roon? Napabuntong hininga na lang ako saka muling ipinikit ang mga mata pero bago iyon, I casted a spell para makalikha ng isa pang kama para sa magiging ka-roommate ko. Then, in an instant, I drifted into a deep slumber.


Vionna's POV:

Wala na akong nagawa nang tumuloy na ng akyat sa taas si Diancie. I wonder where she've been...

"Did I heard it right? Nandito na si Diancie?"

Mula sa hagdanan ay napabaling ako kay Misty nang lumabas siya mula sa kusina. "Yeah." maiksi kong sagot sa kanya.

"Nasaan siya?"

"In her room?"

"Hindi siya kakain?" tanong pa niya.

"Hindi."

"Ay..."

"Halina kayo..." baling ko kina Hartley at inaya sila sa kusina. Nang makita ang sabay nilang pagtango ay nauna na akong bumalik sa kusina at nag-umpisa nang kumain.

Lahat kami ay sabay-sabay na kumain kasama na ang mga baguhan maliban na lang kay Diancie na parang may sariling mundo. Ni minsan yata ay hindi pa talaga namin siya nakakasama sa isang salo-salo maliban na lang kung may event na may kinalaman sa Academy. I mentally sighed at itinuon na lamang ang buong atensyon ko sa pagkain sa harap ko.

Palihim kong pinasadahan ng tingin ang mga kasama ko sa hapag. They just silently eating there at tanging mga kalansin lamang ng kutsara't tinidor ang naririnig. I sighed again. This is really awkward.

Pagkatapos kumain ay kanya-kanya na kami nang ginagawa. Ang iba ay nagsipasukan na sa kani-kanilang silid para magpahinga.

Pagkalipas ng ilang sandaling pagbabasa ko ng libro at mapansin ang pagdaan ng oras ay hindi ko napigilang mapabaling sa isa ko pang kasama rito sa sala.

"Hindi ka pa ba magpapahinga? It's getting late..." pagbabasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin.

"Ahh... Kuan kasi--"

"Are you afraid of Diancie?" putol ko sa kanya dahilan para mapatingin siya ng deritso sa akin.

"Hindi naman sa ganun. Baka lang kasi kako, kuan--"

"'Wag mong pangunahan ang mga bagay-bagay... Malay mo, napa-paranoid ka lang pala." putol ko ulit sa kanya nang makuha ko ang ibig niyang sabihin.

Diancie maybe aloof but she can definitely understand some kind of situation. I'm sure of that.

"Are you sure?" she asked.

"Yeah. Now, go up and find out. At isa pa, maaga pa tayo bukas. Tiyak na madugong training ang ipapagawa sa atin ni Sensei Riolo." turan ko sa kanya.

"Sige..." may bakas nang pag-aalinlangan niyang anas na tinanguan ko lang.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay tiniklop ko na rin ang librong binabasa ko saka tumungo na rin ako sa kwarto namin ni Misty.



Hartley's POV:

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Diancie na magiging silid ko na rin kung hindi nito mamasamain.

Pagkapasok ko ay tanging ang hindi gaanong maliwanag na ilaw sa lamp shade ang sumalubong sa akin. Kaagad na napadako ang mga mata ko kung saan may isang bulto na nakahiga at payapang natutulog. Mula rito ay napabaling ako sa isang bakanteng kama na ilang dipa lang ang layo mula sa kamang hinihigaan ni Diancie.

Napakunot ang noo ko. Alam kung wala pa iyan kanina nang pumasok ako rito. Paanong nagkaroon na niyan ngayon nang hindi namin napansing iniakyat?

Muli akong napatingin kay Diancie. Could it be? Siya ang may gawa niyan? Pero, paano? Napabuntong hininga na lang ako saka lumapit sa bakanteng kama na iyon.

Hindi naman siguro masamang mag-assume na para sa akin ang kamang ito.

Pagkaupo ko ay kaagad akong nakaramdam ng ginhawa. Wala sa sariling napahiga ako at napapikit na lang ako nang dumampi sa balat ko ang malambot nitong kutson. What a cozy damn thing...

Moments later of feeling the softness of the matress, hindi ko napigilan ang sarili ko nang tangayin ito patungo sa mundo ng kawalan.

******

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now