Chapter 2 - Lira

4 0 0
                                    

CHAPTER 2

3rd person's pov:

Kung kaninang takot at kaba ang narramdaman ni Nico ngayon naman ay makikita sa mukha niya ang pagkamangha at excitement.

"Hoy! Totoy naliligaw kaba? Naka nganga kapa ah hahahaha", malakas na tawa ni Kirk kilala bilang bully sa paaralang papasukan niya.

"A-ah! A-ano? aah hindi! a-ah a-ano alam mo b-ba ang b-building na t-to?", kinakabahang tanong ni Nikko.

"Bwahahahaha! Dre tinatanong ka bwahahaha! Sagot!!", malakas namang tawa ni Leo na kasama ni Kirk. Inambahan naman ni Kirk ang kaibigan.

"Alam mo totoy", sabay akbay kay Nico.

"Alam mo ba kung sino ako?", dagdag niya pa. Napakamot naman ng ulo si Nico.

"a-Ah ano kasi b-bago lang ako d-dito kaya h-hindi pa kita k-kilala", ani Nikko. Napakonoot naman ng noo si Kirk sabay tulak kay Nico.

"Aba't loko ka pala eh!! Kung papasok ka sa paaralang ito! Siguraduhin mo muna ang mga mababangga mo!!", sabay amba ng suntok kay Nico. Bigla namang nanghina ang tuhod ni Nikko sa di malamang dahilan para mapaupo ito sa sahig.

"wala talaga sa bokabularyo mo ang magbago eh no?", natatawang tanong ni Jacky kay Kirk. Agad namang napatingin ang tatlo sa kanya. Ngisi lang naging sagot ni Kirk kay Jacky at napatingin ito sa kanyang likuran.

"Ba't di nyo muna baguhin ang mga sarili nyo bago kayo mangialam?! Pakilamera!!", dagdag ni Kirk sabay bangga sa balikat ni Jacky at umalis.

"Tsk! Don't mind him", ani Leerah ang babaeng nasa likuran ni Jacky sabay baling nito kay Nico at abot ng kamay niya upang tulungan itong makatayo.

"Naku naman kasi ikaw totoy! Ke payat payat mo pero naghahamon ka ng gulo sa bakulaw na yun", natatawang pahayag ni Jacky. 

"Teka Lira san ka pupunta? Nakikipagchikahan pa ko kay totoy eh", habol ni Jacky kay Lira na napapakamot pa sa ulo. Muli itong bumaling kay Nico.

"Sige totoy see you around", ani pa niya at umalis na ito. Naiwan naman si Nicong nakanganga at hindi malaman ang gagawin.

------

Nico's pov:

"Nico Ace Ponce. 16 years old. Masaya akong makilala kayong lahat", nakangiting bati ko sa kanilang lahat. Tumingin ako sa mga kaklase ko pero puro irap lang ang natanggap ko. Tumingin naman ako kay Ms. Santos. Nakangiti itong nakatingin sakin.

"You may now sit Mr. Ponce". aniya kaya nginitian ko nalang sya at pumunta na sa upuan ko malapit sa bintana.

"Kahit sa upuan lang ako maswerte, ayos na ko", mahinang bulong ko at tumingin sa labas ng bintana.

Habang nagdidiscuss si Ms. Santos naalala ko ang nangyari kanina.

'hay unang araw ko palang pero yun agad ang nangyari sakin'

napabunting hininga nalang ako sa isiping iyon. Napatingin naman ako sa kamay ko. Nararamdaman ko pa din ang lambot ng kamay niya kaya napangiti ako.

'Lira.... sana makita ulit kita'

The Man behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon