Chapter 9

0 0 0
                                    

Nikko's pov
.
"whahahahaha", malakas kong tawa paglabas ko ng pinto ng kwarto ko.
.
"abaaaa! Mukhang maganda ang gising natin ah", bungad sakin ni Manang habang nag aayos ng plato.
.
" ahhh hehehe pupunta po kasi dito yung mga kaibigan ko", ani ko habang pababa ng hagdan.

"its good to hear that you finally got friends", napatigil ako at napatingin sa nagsalita. Napanganga ako. Nanginginig ang kamay kong tinuro siya.

"a-anong g-inagawa n-iyan dito?", aniko tsaka tumingin kay Manang. Pero tinawanan niya lang ako.

"aren't you happy to see me? After all kambal pa din tayo at hindi yun magbabago", nakangising sabi niya. Tumalikod ako at akmang babalik na sana sa taas ng hawakan niya ang damit ko. Kaya hinarap ko siya.

"bat kaba nandito? Maayos naman na ko eh!", aniko. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Kaya tumalikod uli ako at hinakbang ang paa ko para maglakad. Hinawakan niya ko ulit sa damit at narinig kong ngumisi siya na para bang nang aasar.

"mukhang maayos ka na nga talaga..........Nicholai", nang aasar niyang tugon. Hinarap ko siya tsaka hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa damit ko tsaka malakas na binato ito.

"pwede ba Nikka!!! Kung wala kang magandang magawa sa buhay mo! Umakyat kang building tsaka tumalon!!",sigaw ko.

"Nikko anak bat ganyan ka makipag usap sa kapatid mo?",sita sakin ni Manang kaya tiningnan ko siya. Humurap ulit ako kay Nikka tsaka hinakbang ang paa ko.Binangga ko siya sa balikat at naglakad palabas.

"Nikko san ka pupunta!?", rinig kong pahabol ni Manang. Pero di ko na siya nilingon at diretsong naglakad palabas. Lakad lang ako ng lakad ng matagpuan ko ang sarili kong nasa tapat ng gate ng SIS (Shin International School).

(now playing: If i say by Howie Day)

Tiningnan ko ang paligid at may mangilan ngilang tao. Pumasok ako at diretsong naglakad hanggang sa makarating ako sa field. Nakaramdam ako ng tuwa ng makita kong may nagpapractice ng baseball. Nawala lahat ng inis ko nung makita ko siya. Nakasuot siya ng uniform nila kaya napangiti ako.

Tiningnan ko si Leerah na todo sa pagpapractice. Napakaseryoso niya na akala mo may laro sila mamaya. Kaya natawa ako ng bahagya.

'Sana dumating yung araw na seryosohin mo rin ako higit pa sa baseball at mas lalong higit pa kay Keith'

Yumuko ako at ngumiti ng mapakla. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko.

'Gusto kong sabihin sayo kung gano kita ka gustong alagaan, pero natatakot akong tanggihan mo ko. Gusto ko sabihin sayo kung gano kita ka gustong pahalagahan, pero natatakot akong hindi mo ko pansinin. Pano kong sabihin ko sayong mahal kita ano kayang mararamdaman mo?'

Halos mapatalon ako sa gulat nung pag angat ko ng tingin ay nakatayo na siya sa harap ko at seryosong nakatingin sakin. Nag iwas ako ng tingin dahil parang hinihigop ako ng paningin niya. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako. Lumipas ang ilang minuto ng nakabibinging katahimikan. Diretso lang akong nakatingin sa field.

"malungkot ka", maya maya'y sabi niya kaya nilingon ko siya.

Leerah's pov

Seryoso kaming nagpapractice dahil gusto ni coach na magchampion kami ngayong interhigh, so am I. Hinabol ko yung bola hanggang sa mapunta ang tingin ko lalaking nakaupo sa damuhan at nakayuko. Alam kong si totoy yun. Kaya nilapitan ko.

"Leerah! San ka pupunta!?", sigaw ni Aila kateam mates ko.

"Having my break!", sigaw ko tsaka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

'Tsk! Another drama'

Huminto ako sa harap niya at seryosong tinitigan siya pero nakayuko pa din siya.

'I don't know what the hell is happening to me but i have this feeling na kailangan ko siya protektahan. Na para siyang isang babasagin na bagay na kailangang ingatan. Ano bang papel mo sa buhay ko? ha? Totoy?'

Nag angat siya ng tingin at halos mapatalon sa gulat ng makita ako. Weirdo! Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya pero nag iwas siya ng tingin.

'anong problema mo totoy?'

Makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin siya nagsasalita. Diretso lang siyang nakatingin sa field.Kaya naisip kong kausapin na siya.

"malungkot ka", mahinang sambit ko at napatingin naman siya sakin. Ngumiti siya tsaka tumayo kaya tiningala ko siya. Nakikita ko ang lungkot sa mata niya.

'what the hell happened?'

"you can lean on my shoulder", dagdag ko pa. Pero tiningnan niya lang ako at ngumiti ng mapakatamis.

"hehehe thanks", aniya tsaka naglakad paalis. Napailing akong tumayo at bumalik sa mga kasama ko pero nilingon ko ulit siya nakatingin siya sakin at biglang ngumiti ng malapad.

"bye-bye. Goodluck sa laro nyo bukas papanuorin kitaaaaa!!", sigaw niya tsaka kumaway. Tinaas ko ang kamay ko at kumaway rin. Malapad pa din ang ngiti niya. Natigilan ako at tumingin sa nakataas kong kamay. Kaya bigla ko itong binaba.

'what the hell!'

Nikko's pov

"whahaahahahahahah", malakas kong tawa pagkapasok ko ng bahay.

"anak pasensiya kana sa nangyari kanina hindi naman yun sinasadya ng kapatid mo eh", nag aalalang sabi ni Manang

"ayos lang po yun! Nga pala nasan si Nikka? Kumain naba siya?", masayang sabi ko.

"ahh umalis din agad nung umalis ka. Iho ayos kalang ba talaga", tanong niya ulit.

"oo naman po! Yes!", malapad kong ngiti tsaka pumuntang mesa at kumain. Tinxt ko na lang sina Macky na may importante akong gagawin ngayon. Naalala ko si Leerah!

Sa sobrang saya ko pakiramdam ko pati puso ko sinisigaw pangalan niya.

'Lee-rah.....Lee-rah.....Lee-rah'

The Man behind the MaskNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ