Chapter 7

0 0 0
                                    

Nikko’s pov:
.
Halos apat na oras akong nakaupo dito sa field habang pinapanood silang naglalaro. Tumayo na ko at pumuntang kantin dahil lunch break na rin. Bago maglakad paalis lumingon muna ulit ako sa knya na umiinom ng tubig.
.
Pumasok ako sa kantin at nakita ko sila Macky maingay silang nagkukwentuhan kasama si Jacky kaya lumapit ako sa kanila.
.
“Ay bakla anong drama mo kanina at hindi ka pumasok?”, bungad sakin ni Carlo.
.
“Ah sumama kasi pakiramdam ko eh”, sabi ko
.
“Kaya pala sa field ka tumambay at hindi sa clinic”, sarkastikong sabi ni Marga kaya napatingin ako sa kanya.
.
“a-ah e-hh ang sarap kasi ng hangin dun kaya-“, hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw si Jacky.
.
“Bespren ditoooo!”, aniya. Kaya napatingin kami sa pinto ng kantin at nakita ko dun si Leerah nakasuot pa siya ng uniporme nila sa baseball. Napapalibutan na naman siya ng mga bituin. Ang ganda ganda niya hehehehe
Siniko ako ni Macky kaya napatingin ako sa kanya.
.
“bwahahahahaha!”, malakas na tawa niya kaya kumunoot ang noo ko.
.
“nyaaaaay! mukha kang nauulol na aso bro! Pangingiti kapa jan! Type mo si Leerah no!?”, bulong niya. Kinabahan naman ako, masyado ba kong obvious?
.
“sssshhhh”, sita ko sa kanya.
.
“Nikkopie, anong meron?”, sabay kaming napatingin ni Macky nung magsalita si Marga.
.
“Ah wala may tinanong lang siya”, sabi ko. Nagulat ako ng mapatingin ako kay Leerah na kakaupo lang sa mismong harapan ko. Diretso siyang nakatingin sakin habang nakakrus arms. Napayuko ako at natatarantang tumayo.
.
“a-ano Leerah ako n-na oorder ng p-pagkain m-o o-order n-na rin n-naman ako”, ani ko sabay lakad papuntang pila. Napahinto ako ng maalala kong hindi ko pala natanong sa kanya kung anong gusto niya kaya bumalik ako sa table namin para tanungin siya. Nagulat ako ng biglang may pumatid sakin. Napaluhod ako sahig at hinimas ang tuhod kong tumama sa semento. Tiningnan ko yung paang pumatid sakin at nakita ko ang babaeng nakangising nakatingin sakin.
.
“Hey!! Apologize to him!”, sigaw ni Marga sa babae sabay turo sakin. Nagtawanan naman yung mga babae tsaka tumayo.
.
“Oh! I’m sorry. My bad!”, nakangising sabi ng babae sabay irap pa tsaka naglakad palabas. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama nya. Hinawakan ni Marga ang braso ko at tinulungan akong tumayo. Pinagpag niya yung uniporme ko at hinimas ang tuhod ko.
.
“saan masakit?”, nag aalalang tanong niya. Umiling ako tsaka ngumiti.
.
“ayos lang ako”, ani ko tsaka tumungo sa table namin pero hindi pa man kami nakakarating dun may humila na sakin pero dahil hawak ni Marga ang isang braso ko natigilan siya. Tiningnan ko siya. Walang emosyon ang mukha niya at diretsong nakatingin sa braso kong hawak ni Marga.
.
“Bitaw”, malumanay niyang sabi. Nagulat si Marga kaya napabitaw ito sa braso ko at tumungo nalang sa table namin. Tiningnan niya ko na para bang sinusuri ang buo kong mukha. Dumako ang tingin niya sa tuhod ko at napakunoot ang noo. Hinila niya ko papuntang pila. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko dahil sa nakatalikod siya sakin hindi niya makikita ang mukha ko kaya ngingiti ngiti ako.
.
‘Nauulol na naman ako hehe’
.
“Does it hurt?’, maya maya’y tanong niya. Umiling ako kahit alam kong hindi niya nakikita. Tsaka ngumiti ng napakalapad, pakiramdam ko may kung ano sa tiyan kong nagwawala, para kong naiihi at para ring kinukuryente ang buong katawan ko. Ayan na naman ang mga bituin sa tabi niya.
.
‘Leerah…..ito ba yung tinatawag nilang kilig kapag naiinlove?’
.
“hindi na”, sabi ko habang nakapila pa rin kami.
.
“a-ano nga palang gusto mong kainin?”, tanong ko. Nagshrug lang siya at tumalikod paharap sa table namin.
.
“Anything”, sabi niya. Kaya umorder ako ng dalawang adobo at kanin. Para pareho kami hehe
.
Nauna na siyang naglakad papuntang table namin. Kaya sumunod nalang ako.
.
‘Psh! Di man lang ako tinulungan’
.
Pagkatapos kumain nagpaalam na sila Jacky samin since 3rd year palang sila at 4th year na kami magkakahiwalay ang building namin. Nginitian ko siya at muling bumaling kay Leerah.
.
“Aral mabuti”, malapad ang ngiting sabi ko sa kanya. Nagtsk lang siya at naglakad paalis.
.
Ganito pala ang feeling ng mainlove? CLOUD 9 hehehehe’
.
Pagdating naming sa room sakto namang pagdating ni teacher. Habang nagdidiscuss napansin kong parang balisa at malungkot si Marga.
.
‘ano kayang problema nito’
.
Tiningnan ko si Macky at nginuso si Marga. Nagshrug lang siya. After ng klase dumiretso kaming gym dahil may meeting daw at may iaannounce si Principal. Pagdating sa gym nilibot ko agad ang paningin ko para hanapin si Leerah. Hindi naman ako nito binigo hehehe nakaupo siya sa unahan katabi si Jacky. Pupunta sana ko sa pwesto nila ng may lalaking umupo sa tabi niya.
.
‘Keith…’
.
Nawala ang ngiti sa labi ko at parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko. Ayoko ng pakiramdan na to.
.
“Nikkopie may problema ba?”, nag aalalang tanong ni Marga. Umiling ako at umupo sa tabi niya.
.
Tungkol sa interhigh next week ang sinabi ni Principal. Pinalalahanan niya ang mga kasali dito. Dahil dalawang lingo ang interhigh dito gaganapin sa school namin ang unang 4 na araw. Pinaghanda rin kaming mga kasali sa theater dahil nakasanayan ng magperform ang theater club every interhigh. Pagkatapos ng meeting dumiretso na agad ako sa parking lot at umuwi.

The Man behind the MaskOnde histórias criam vida. Descubra agora