Chapter 8

0 0 0
                                    

Nikko's pov
.
Dahil sabado ngayon niyaya ako ni Margang samahan siya magshopping. Kanina pa ko naiilang sa kanya samantalang siya naman ay tuwang tuwa. Nasa loob kami ng isang boutique kong saan namimili siya ng mga damit habang nakaupo naman ako sa sofa at inaantay siya. Madami siyang kinuhang damit at pinagsusukat.
.
"Nikkopie what d'you think?", tanong niya tsaka umikot pa.
.
"bagay sayo", ngiting tugon ko at nagthumbs up pa. Ngumuso naman siya.
.
Matapos ang ilang minuto lumabas na kami.
.
"nagugutom na ko", tumingin siya sa kin at ngumuso. Kumapit siya sa braso ko at kinaladkad ako papasok sa mamahaling restaurant.
.
"this way maam/sir", sabi nung waiter. Umupo kami sa pang dalawahang table. Dumating yung waitress at umorder si Marga ng kung ano ano. Bago umalis yung waitress tumingin muna siya sakin.
.
"swerte nyo po sa girlfriend nyo", sabi niya. Napakunoot naman ang noo ko.
.
"Ah miss nagka-", hindi ko natapos ang sasabihin ko nung magsalita si Marga.
.
"sa totoo lang ako ang maswerte sa kanya. So if you don't mind makakaalis kana!", aniya. Kaya napapahiya namang umalis ang waitress. Tiningnan ko siya pero nag iwas siya ng tingin. Ang weird niya ngayon.
.
Dumating ang pagkain at tahimik kaming kumain.
.
"Nikkopie tara sa dun oh", malapad na ngiting tugon niya kaya nagnod na lang ako sa kanya.
.
Tumakbo si Marga papasok kaya tumingala ako para tingnan ang pangalan.
.
'ToyLand'
.
Puro stuffed toys, stickers, pins at kung ano ano pangbata ang nakadisplay. Tiningnan ko si Marga at tuwang tuwa siyang pinagmamasdan ang paligid. Napatingin ako sa gilid ko kung saan puro keychain ang nakasabit. Naagaw ang atensyon ko ng isang keychain kaya hinawakan ko ito. Isang malaking star na crystal ang nakasabit dito at may maliliit na star na nakakalat sa loob nito. Napangiti ako. Kinuha ko iyon at binayaraan.
.
"Nikkopie bili mo ko ng stuffed toy", pagmakaawa niya.

"a-ah e-hh", aniko.
.
"pleeeeeease", dagdag niya pa kaya wala kong nagawa. Kumuha siya ng isang stuffed toy at binigay sakin kaya binayaran ko nalang. Lumabas kami ng yakap yakap niya ang stuffed toy na binili ko kono.
.
"A-ah Marga hindi pa ba tayo uuwi?", tanong ko pero hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakatayo't nakatingin siiya sa isang stall. Tumakbo siya sakin at hinila ako papasok. Nilibot ko ang paningin ko puro salamin sa mata ang nakadisplay.
.
"Yes maam", nakangiting tugon niya kay Marga. Hinawakan ko naman ang salamin ko.

"maayos pa naman salamin ko eh", ani ko pero hindi siya tumingin sakin.
.
"Contact lense nga para sa kanya yung transparent para kita pa din ang mata niya.", aniya tsaka tumingin sakin.

"yes maam, sir this way po", tugon nong saleslady. Tinulak ako ni Marga para sumunod sa saleslady.
.
"Dito lang ako antayin kita, bilisan mo ha?", aniya kaya nagnod ako at sumunod sa saleslady. Pinakita niya sakin ang ibat ibang kulay ng lense pinili ko yung tim na transparent. Nung una nahihirapan siyang ilagay sa mata ko dahil panay ang kurap ko pero kalaunan naiayos naman. Di ko na tinanggal at pumunta sa cashier para bayaran. Kinuha ko yung salamin ko at bumalik kay Marga.

"OMO! OMO!! Nikkopie ampoooogi mo! Eeehh!! Ang cute cute mo pa!", masayang sabi niya sabay pisil ng pisngi ko. Ngumiti lang ako.

" Tara muna sa bahay Nikkopie may nalimutan ako eh", nagnod nalang ako dahil ayoko naman papilit pa. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa bahay niya. Tulad ng inaasahan malaki ang bahay nila at may malawak na hardin.Hinila niya ko papasok hanggang makarating kami sa kwarto niya. Pinaupo niya ko sa kama niya tsaka siya nagsimulang maghanap.

"Marga baka magalit ang mommy mo na nandito ako sa loob. Mag aantay nalang ako sa labas", akmang tatayo na sana ko ng hinawakan niya ang dalawang balikat ko para paupuin uli.

"Wait muna Nikkopie", aniya. Wala na kong nagawa kaya nilibot ko nalang ang paningin ko. May mga halaman sa tabi ng kama niya. Hmmm kakaiba.

"Found ya!!", malakas niyang sigaw. Hawak niya ang isang camera. Uri ng camera na nadedevelop agad ang picture. Tinuon niya sakin ang camera.

"Nikkopie smmmmiileee", aniya na malapad ang ngiti. Naiilang naman akong ngumiti. Kinuha niya yung lumabas na picture at hinipin.

"OMO! Ang cuuute cuuute mo talaga Nikkopieeee! Wag muna ulit isuot yung salamin mo ha!", masayang tugon niya tsaka binigay sakin ang picture. Nagnod nalang ako at tiningnan yung picture.

Alas otso na ng makauwi ako sa bahay. Hindi na ko naghapunan at dumiretso na ko sa kwarto. Tiningnan ko ang cellphone ko at may text si Marga.

From: Margarette
Nikkopie nag enjoy ako ng soooobrang sobra sa uulitin :-*

Hindi ko na siya nireplyan at nahiga nalang sa kama. Kinuha ko sa bulsa ko yung keychain at tinitigan.

'Sana magustuhan mo'

The Man behind the MaskNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ