Chapter 15

0 0 0
                                    

Macky's pov
-

Nandito kami ngayon sa playground sa building ng elementary. Nakatingin ako kay Marga na nakaupo sa swing habang todo ang iyak. Gusto kong batukan siya para mamulat niya ang mata niya sa panaginip at magising sa realidad na may taong handang alagaan at mahalin siya. Sobrang dami ng gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot akong lumayo siya.
-

"Nikko",rinig kong aniya ya. Naiyukom ko ang kamay ko.
-

"Marga", sa wakas ay nasabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tiningnan ako ng masama puno ng luha ang mukha niya. Parang pinipiga ang puso ko.
-

"Sabi mo ibabalik mo sakin si Nikko!! Sabi mo magiging masaya kami!! Sabi mo kami lang!! Sabi mo akin lang si Nikko?! Sabi mo..sabi mo..", Patuloy parin ang pag iyak ni Marga na ngayoy nakaupo na sa damuhan. Oo ito yung rason kung bakit ko pinuntahan si Nikko sa bahay nila dahil hindi ko kayang makita si Marga na nagkakaganito. Napapikit ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
-

"Bakit si Nikko? Nung nakaraan lang naman kayo nagkakilala ah", aniko at umupo rin sa damuhan para magpantay kami. Tiningnan ko siya sa mata.
-

"Nandito naman ako ha! Simula pre school magkakilala na tayo. Lagi akong nandiyan pagmay umaaway sayo, pag umiiyak ka lagi akong nandiyan para patahanin ka, lagi ako nakikinig pagmay problema ka", tumayo ako at tumalikod dahil nagbabadya ng tumulo ang luha ko.
-

"Bakit di mo subukang lumingon naman para makita mong may tangang tao na sumusunod at handa kang sundan kahit saan!", pagkatapos kong sabihin yun tumakbo na ko palayo, malayo sa babaeng nagpapasaya at nanakit sakin. Nang biglang..
-

BOOOGGGGSSSSSHH!!
-

"Tang ina", rining kong mura nung babaeng nabunggo ko. Kita kong natumba siya pero wala kong ganang tulungan siya kaya yumuko lang ako.
-

"Puta bro wala kabang balak tulungan ako o sige magsorry ka nalang", aniya pero nilagpasan ko lang siya. Not now please!
-

"Aba!", rinig kong aniya. Nagulat ako ng hablutin niya ko't suntukin dahilan para mapaupo ako.
-

"Ano ba!!", sigaw ko't tiningnan siya ng masama. Pero ng maalala kong namumula yung mata ko. Dahan dahan akong tumayo at yumuko. Rinig kong tumawa siya. Ramdam kong lumapit siya at hinawakan ako sa braso.
-

"Hahahaha umiiyak kaba? Ui bakla di porket binasted ka ng lalaki mo eh mangbubunggo ka nalang. Magsorry ka naman. Hahaha", nagpantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi niya. Kaya hinawi ko ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya ng mag angat ako ng mukha hindi dahil sa namumula ang mata ko dahil siguro sa sobrang lapit ng mukha namin. Tinitigan ko siyang mabuti sabay hawak sa braso niya. Tingnan ko siya ng masama at tinulak! Nakita kong ngumisi siya. What the!
-

"Nikkaaaaaaa", rinig kong sigaw ng isa pang babae. Nag iba ang mukha niya sabay tingin sa likuran ko at kumaway ng nakangiti. Napatingin rin ako sa likod.
-

'Teka diba siya yung kasama ni Nikko kanina?'
-

"That jerk Nikko! He left me for some random chick!", aniya sabay nagpapadyak. Tumawa tong Nikka kono kaya tiningnan ko siya nag iwas ako ng tingin ng makasalubong ko ang tingin niya.
-

"Hahaha nagbibinata na talaga-", hindi ko na tinapos ang pag uusap nila ng magsimula akong maglakad. Para kong tangang wala sa sariling naglalakad habang iniisip si Marga. Dapat pala hindi ko siya iniwan. Napabuntong hininga nalang ako.
-

Nikko's Pov
-

Natapos ang klase namin ng hindi ako pinapansin ni Macky wala rin si Marga at panay ang irap sakin ni Carlo at iniwan ko pa si Violet kanina haayys!
-

Papunta kong parking lot ng makasalubong ko sina Leerah at Jacky. Namula ko ng makita ang suot ni Leerah.
_

"T-teka s-saan punta n-nyo?", aniko sabay tingin kay Leerah pero walang emosyon niya kong tinitigan.
-

"Bakit totoy babakuran mo ulit si Leerah ha? Ha Totoy? Naku ikaw ha may lihim ka palang pagtingin sa bespren. Sinasabo ko sayo masakit yan manuntok pati sipa niya nako parang kabayo lang", tuloy lang sa pang aasar sakin si Jacky may pakurot kutot at batok pa siya sakin ng biglang hawakan ni Leerah ang damit ko at nilayo kay Jacky. Natawa ko dahil ngumuso lang siya.
-

"Carlitooooo", rinig kong sigaw ni Jacky. Nilapitan niya si Carlo pero inirapan lang siya nito. Hinila hila niya si Carlo na parang niyaya niyang sumama samin.
-

Gabi na ng magsi uwian kami. Nandito pa din ako sa school palinga linga dahil wala si Mang Kanor dito. Hindi pa naman ako marunong magcommute. Nagsimula na kong maglakad ng may mapansin akong mga aninong papunta sakin. Mabilis akong naglakad pero nakasunod parin sila nilamon na ko ng kaba kaya tumakbo ako ng sobrang bilis. Napatigil ako ng may mabunggo akong dalawang lalaki na may hawak na pamalo.
-

"Diba sabi ko wagka maglalakad ng mag isa lalo na paggabi? Tibay mo rin payat ah", rinig kong sabi ng lalaki sa likod ko kaya nilingon ko siya. Siya yung lalaking nabunggo ko nung interhigh. Nakangisi ito napang demonyo. Nakakatakot
-

"Ano kasi napadaan lang ako", pilit kong wag mautal para itago ang kabang kanina pa kumakawala sa dibdib ko.
-
"HAHAHAHAHAHAHAHA", sabay sabay nilang tawa hanggang sa suntukin ako ng isa nilang kasama.
-

"Ano Goda? Simulan naba?" Rinig kong sabi ng isa at sinipa ako sa sikmura. Tawa lang ng tawa si Goda daw na parang sinasaniban. Patuloy lang ang pagsipa nito sakin. Naramdaman ko ang likidong tumulo mula sa bibig ko. Ang sakit na ng katawan ko.
-

Napamulat ako ng maramdamang wala ng sumisipa sakin. Laking gulat ko ng makitang hawak sa kwelyo ni Leerah ang lalaking sumisipa sakin kanina. Kung kaninang kaba ang nararamdaman ko ngayo'y takot na.

'Leerah...'

The Man behind the MaskWhere stories live. Discover now