Chapter 4

0 0 0
                                    

3rd Person’s pov
-
Kinabukasan maagang nagising si Nikko dahil ayaw niyang paghintayin si Marga ng matagal. Nag ayos na siya’t bumaba upang mag agahan.
-
“Good Morning. Aga mo ata Nicholai ah” nakangiting sabi ni Manang. Tiningnan siya ng masama ni Nikko. Nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Mukhang nakuha naman niya ang pinapahiwatig ng alaga.
-
“a-ah kamusta ang unang araw mo? B-balita ko meron kang mga k-kaibigan. p-pwede mo s-silang imbitahan d-dito para m-makilala ko naman s-sila”, napapahiyang pahayag ng matanda.

“sige po Manang sasabihin ko sa kanila”, tumayo si Nikko at nag punas ng labi.

“una na po ko”, dagdag niya pa. Nalungkot naman ang matanda sa inasal ni Nikko.

SHIN International School

Makalipas ang ilang minutong pag antay ni Nikko dumating si Marga na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya.

“Nikkopiiiiieeee!!!”, sigaw ni Marga sabay kapit sa braso ni Nikko. Inayos niya ang salamin at napatingin sa likuran ni Marga nakita niya si Mackyng nakasunod dito habang dala dala ang bag nito. Ngumiti si Macky sabay bato ng bag ni Marga sa kanya.

“Oh! Alagaan mo yan ha, yari ka sakin pag may nagyari jan”, bulong ni Macky sa kanya at mabilis na umalis.

Nikko’s pov:

Kanina ko pa tinatanggal ang kamay ni Marga sa braso ko pero binabalik niya pa din. Sa sobrang kulit niya hinayaan ko nalang siyang kumapit sakin habang nililibot naming ang buong school.

“Nikkopie dito naman ang library dito kami lagi lalo na pagmalapit na ang exam”, malapad na ngiti niyang sabi. Nagnod naman ako sa kanya.

“tapos yun naman building ng mga juniors, tapos yun botanic garden, yun naman mini forest tambay tayo minsan dun ha”, sabay wink sakin. Natawa naman ako. Ang dami niyang sinabi tungkol sa paaralang ito. Ang kulit niya kasama. Kaya nung napagod kami niyaya niya kong tumambay sa field. Good thing dahil nagdala ko ng baon.

Habang nakatambay kami sa field di ko maiwasang hindi mamangha sobrang laki ng field nila at may mga naglalaro pa ng baseball. Hmmm p.e siguro nila. Tiningnan ko si Marga na napakalapad ang ngiting kumakain habang nakatingin sa field. Napangiti rin ako.
Nung pagtingin ko ulit sa field nahagip ng mata ko ang bolang papunta mismo sa pwesto namin. Kaya tinulak ko si Marga at sinalo ang bola ng baseball. Napatingin ako kay Marga. Kita ko ang gulat sa mukha niya.

“Oi, ayos ka lang ba?”, nag aalalang tanong ko. Kaya napatingin siya sakin.

“Nikkopie panong?”, papalit palit ang tingin niya sakin at sa bola.

“Hey! Throw the ball here”, sigaw ng babae sakin. Kaya inis ko siyang nilingon.

Pagharap ko sa kanya parang nag slow mo ang paligid at natigil sa pagkurap ang mata ko. Dahan dahan siyang naglalakad papunta samin. Rinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Para siyang pinapalibutan ng bituin sa sobrang kinang niya. Nakakatulala ang ganda niya.

‘Leerah…..anong nangyayare?’

“Tsk! You look stupid!”, sabi niya pagkatapos niyang pitikin ang noo ko. Napabalik naman ako sa reyalidad. Nilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako dun. Papalit palit ang tingin ko sa kamay niya at sa mukha niya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot talaga. Napangiti ako ng sobrang tamis.

‘yayayain niya ba kong magdate?’

Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya.

“hahahaha I mean hand me the ball noob”, natatawang sabi niya. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya at binigay sa kanya ang bola. Kinuha naman niya ang bola at tumalikod. Para akong binagsakan ng langit sa sinabi niya.

“You’d better stop watching fairytales”, natatawang dagdag niya pa tsaka tinaas ang kamay upang kumaway ng nakatalikod. Tinanaw ko siyang naglalakad papunta sa mga kasama niya tsaka tumingin kay Marga pero wala na siya sa tabi ko at nakita ko siya sa gilid na may kausap na estudyante.

Tumalikod ako sa field at sinipa ang maliit na bato. Shet! Oh lupa kainin mo na ko ngayon na.

The Man behind the MaskWhere stories live. Discover now