"Kilala mo ba sila?" Bigla kong tinanong at tinuro sila. Tumingin siya sa direksyon nila.

"Yung naka eye glasses ay si Zack Sanchez, ang pinaka matalino sa buong school. Yung isa ay si Josh Mendez, pinaka makulit sa kanila. Yung naka headphones ay si Matt Lopez, ang pinaka mabait sa kanila pero ang tahimik. The Three of them are also known as the Prince. At si Leigh Evans also known as King, siya ang leader nila, at ang pinaka masama sa kanila. Sila ang Heartthrob ng buong school." So si Asungot 1, 2, 3 and 4 ang heartthrob ng school? No wonder when Leigh and I fought outside yesterday the girls stared at me badly.

"Mga gangsters sila kaya walang tumatangkang awayin sila pag naagaw yung mga girlfriends nila" dagdag niya pa.

Gangsters? Napangisi nalang ako.

"Sa pagkaka alam ko, rank 2 ata sila?"

Pagtapos naming kumain ay dumeretso na kami sa room. Tinignan namin ni Angel ang upuan ko at may nakita kaming red paint sa upuan. What a nice prank! Ang galing naman nilang gumawa ng prank na hindi ko napapansin.

I'm so dumb! Bakit di ko ito nakita kanina?!

"May nag lagay ng red paint sa upuan ko" sabi ko sa kanya.

"May clue ka ba kung sino ang gumawa neto sa'yo?" gulat niyang tanong.

"I have... It's Leigh and his gang" I smiled at her.

"Pero bakit naman nila gagawin ito sa'yo?" - Angel

"Baka dahil sa nangyari kahapon? Ang babaw naman ng dahilan" - Elizabeth

"I heard the news... Mabilis kumalat ang balita lalo na kapag ang mga heartthrob ang pinag uusapan" - Angel

"Hindi naman pwede na ako lang ang ginawang kawawa diba?" I smirked. I have this perfect prank for them. I looked at Angel at laking gulat ang naka ukit sa mukha niya. Baka kasi naiisip niya ang iniisip ko.

"Kung ano man yan, don't do that. Second day palang ng school wag kang mag pa suspend agad" I just raised my eye brow. Suspend agad? Pwede bang pagalitan muna?

"Ano ka ba. Kung fake mens ang ginawa nila sa kin para mapahiya ako. Dapat may gawin ako para mapahiya din sila, and I got this perfect plan" I smirked.












Uwian na ngayon, excited na ako!!

I got everything set... Ready na po yung video recorder ko lol.

Nandito kami ngayon sa locker room, ang daming tao dito and it's amazing! Mas madaming makakakita ng kahihiyan nila.

Nag tago ako para hindi nila ako makita pag nag video ako.

Andyan na sila!!

"Master... Tara alak tayo mamaya" - Josh

"Sige, mamaya" - Zack

"Ikaw ba si Master?" Tanong ni Josh kay Zack sabay batok sa kaniya.

"Sinasagot ko lang naman tanong mo ah! Grabe ka naman maka batok!" Akmang susuntukin na ni Zack si Josh nang pinigilan sila ni Matt "Tama na, wag kayo mag away dito sa maraming tao"

"Lul-_-!" Sabi naman ni Josh. Ang kukulit pala nila eh noh? Mabuti pa si Karl hindi joke...

Binuksan na nila isa isa ang mga locker nila at may kinuha silang madaming love letters. Eeww, yuck! May nag bibigay ng love letters sa kanila? Kadiri!

Tinapon lang nila ang mga love letters. Kawawa naman ang bumigay niyan sa kanila, may effort pa naman HAHAHA.

Naglagay sila ng gamit sa locker. Tsk! Ang tagal naman nila! Slow-mo ang potek!

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now