CHAPTER 27

1.5M 33.1K 14.5K
                                    

CHAPTER 27

GLADZ WOKE up in a very hectic morning. Late siyang nagising kaya naman nagmamadali ang bawat galaw niya. Itong mga kaibigan naman niya, hindi man lang siya ginising. Kaya naman pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya, kaagad siyang naligo, nagsuot ng komportableng damit at nag-agahan. And then she's off to Pierce's resort where the wedding will be held.

Nang makababa siya sa chopper na sinakyan, naroon na ang organizer ng kasal nila na si Fiona. Tess recommended her that's why she trusted the woman. And Tess was right, she's really the best organizer. Wala siyang naging problema dahil dito.

Kaagad siyang iginiya ni Fiona kasama ang mga kaibigan niya sa pribadong cabin ni Pierce kung saan naroon ang lahat ng gagamitin niya para maging maganda sa kasal niya.

Ruth laid her wedding gown on the bed, her shoes, her veil and her bouquet of flower.

Pagkatapos titigan ang wedding gown niya, pinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng cabin na nagbagong-anyo ang loob.

It was transformed into a semi-salon! People are everywhere! Her make up artist. Her hair stylist and her wedding organizer who's now instructing her Bridesmaids and Maid of Honor to go to the Hotel for their make-up and stuff. Mukhang iba ang mag-aasikaso sa mga ito sa mga-aasikaso sa kaniya.

Kaagad namang sumunod ang mga kaibigan niya. Nagpaalam ang mga ito sa kaniya at babalik na lang daw kapag nakapag-ayos na ang mga ito.

But what really caught her attention is the camera man.

"What's that?" Tanung niya sa wedding organizer niya.

"Oh." Ngumiti ito sa kaniya, "Mr. Muller wants your wedding to be recorded. He said that he wants to see you marrying him again and again."

That made her smile. Her groom is really the sweetest.

"Thanks." Aniya sa organizer.

"Welcome." Fiona replied. "Anyways, everything is ready. Except the food. Nagluluto pa kasi. But you don't have to worry anything. Everything is under control. All you have to do is stay here and let my people make you the prettiest bride ever."

Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Thank you, Fiona. You're the best."

Fiona smiled back. "You're very much welcome, madam." Pagkasabi no'n ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng kaharap na ang mga tao nito. "Move faster!"

Napaigtad siya sa lakas ng boses nito at napangiwi ng ngumiti na naman ito ng siya na ang kaharap.

"Ma'am?"

Nilingon niya ang babaeng kumuha sa atensiyon niya. "Yes?"

"I'm Ellen," nginitian siya nito, "nakahanda na po ang bath tub niyo."

Tumaas ang kilay niya. "Ha?"

"Para po mas lumambot ang balat niyo."

"Ah." Napatango-tango siya saka naglakad papasok sa banyo.

"Tawagin niyo nalang po ako kapag magpapa-body scrub na po kayo." Ani Ellen.

Body scrub? "Ahm," tumikhim siya, "ako nalang ang mag-i-scrub sa katawan ko."

"No, ma'am." Kaagad na sabi ni Ellen. "Trabaho ko po 'yon."

Balak pa niyang magmatigas pero natagpuan nalang niya ang sarili na nagpapa-body scrub kay Ellen matapos niyang magbabad sa bath tub. At nang matapos niyang makapagbanlaw, pinakain muna siya dahil lampas na sa oras ng tanghalian bago siya pina-upo sa upuan na pang-salon at sabay-sabay na inasikaso ang foot spa with pedicure at manicure.

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon