CHAPTER 9

2M 35K 15.8K
                                    

A/N: Just want to say hi to Chari the UBE and her sister Mherz Trocho. And hello to Saira Mae De Guzman and Yukishiro14.

CHAPTER 9

MAGAAN ANG pakiramdam ni Gladz ng magising siya ng umagang 'yon. Kahit wala na sa tabi niya si Pierce, hindi niya pa rin mapigilan ang ngiti na gumuhit sa mga labi niya. At habang nasa ilalim siya ng shower, mahina ang boses na kumakanta siya.
Hindi niya alam kung bakit siya masama, basta masaya lang siya.

Pagkatapos maligo ay kinuha niya ang nakasampay na damit sa banyo. Nilabahan niya iyon kagabi at inilagay sa dryer kaya madaling natuyo.

Nang makapagbihis, nakangiting naglakad siya patungo sa sliding door sa tabi ng kama at binuksan iyon.

Gladz inhaled the cold wind that embraces her skin. As she steps out to the small balcony and appreciate the view, her smile remains.

"So pretty..." Mahina niyang sambit habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan niya.

Then her eyes settled on a very familiar lake. Habang hinahalungkat niya sa isipan kung saan niya nakita ang lawa, unti-unti namang namimilog ang mga mata niya.

"T-Taal lake?" Umawang ang labi niya sa gulat. "N-nasa Tagaytay kami?"

Nasapo niya ang nakaawang na bibig saka mas tinitigan ang magandang lawa na kitang-kita niya mula sa balkonaheng kinatatayuan.

"He brought me to Tagaytay?" Hindi makapaniwalang tanung niya sa sarili.

Here she thought they're still near the Big City. Ganun katagal at kahimbing siyang nakatulog kagabi na hindi manlang niya namalayan na dinala siya nito sa Tagaytay?

But he said his vacation house... She should have known that they'll be outside the Big City!

Masyadong naka-focus ang atensiyon niya sa dinner at sa ginawa nila ni Pierce pagkatapos ng dinner kaya hindi niya nabigyang pansin kung nasaan sila.

Lalabas na sana si Gladz sa balkonahe ng pumasok doon si Pierce, may dala itong tray na puno ng pagkain.

"Morning." Bati sa kaniya ni Pierce saka inilapag ang tray sa pandalawahang mesa na nasa gilid ng balkonahe at bumaling sa kaniya, "come here...mag-agahan na tayo. Pambawi sa fast food kagabi."

Bumaba ang tingin niya sa agahang nasa mesa.

Garlic Rice. Hotdog. Corn beef. Pancakes. And Omelette.

Lihim siyang napalunok. Masarap lahat ng nasa harapan niya, natatakam tuloy siyang mag-agahan.

But her mind is full of questions.

"Ahm," naglakad siya palapit sa binata. "Nasa Tagaytay tayo?"

Pierce nodded. "Yeah."

"Why?"

Pierce looked at her, confused. "Anong bakit? Diba sinabi ko sayo kagabi, nasa bahay-bakasyunan ko tayo?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka napabaling ulit sa Taal lake. "Paano ako papasok sa opisina nito?" Mahina niyang tanung na narinig ng binata.

"It's Saturday."

Natigilan siya at napakurap-kurap. "Oh."

"Yeah." Hinawakan siya sa kamay ni Pierce saka hinila palapit sa mesa at pinaghugot siya ng upuan. "Come on...sit."

Umupo siya sa upuang hinugot nito saka tiningala ang binata. "Kailan tayo babalik?"

Umupo sa kaharap niyang upuan si Pierce saka nilagyan siya ng pagkain sa pinggan. "Tomorrow."

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon