CHAPTER 6

1.7M 34.1K 7.5K
                                    

CHAPTER 6

GLADZ woke up in the morning feeling sore in between her thighs. Nang bumangon siya at umupo sa gilid ng kama niya, napakagat labi siya ng maramdaman ang munting kirot sa kaselanan niya. Shit! Nakuha na ng binata nuon ang pagkababae niya pero bakit masakit pa rin?

Napabuntong-hininga siya saka tumayo at maingat na naglakad patungong banyo.

Natatawa nalang siya sa sarili. Hindi niya akalang mangyayari ito sa kaniya dahil lang sa isang gabing pakikipagtalik. Habang nasa ilalim ng shower, maingat ang pagsabon niya sa katawan at pagbanlaw. Nang makalabas ng banyo at makapagbihis, hindi na siya nag-agahan. Dumeretso kaagad siya sa opisina.

Nang makaupo siya sa swivel chair niya, saka lang siya nagpa-order ng agahan sa sekretarya niya.

Habang naghihintay, tinawagan niya ang kaibigang si Tess at kinumusta ito. Habang magkausap sila, hindi niya mapigilang matawa sa kinukuwento nito at pinagsasasabi tungkol sa dare nito.

When they bid goodbye to each other, tamang-tama naman na dumating na ang order niyang agahan.

She was about to sip her coffee when the door to her office opened. Napaigtad siya sa gulat at nang mag-angat ng tingin para tingnan kung sino 'yon, sumikdo ang puso niya ng makitang si Pierce 'yon.

Kaagad siyang pormal na ngumiti. "Good morning—"

"Bakit iniwan mo ako kagabi?" May bahid ng iritasyon sa boses nito habang naglalakad palapit sa kaniya, "and you aren't answering my call. Are you avoiding me?"

Pakunwaring sumimsim siya ng kape para makapag-isip ng ilang segundo, kapagkuwan ay sumagot siya. "Hindi ako sanay na natutulog na may katabi saka na-busy ako kaya hindi ko nasagot ang tawag mo."

He didn't buy it, of course, but it made him silent. Good. But what's not good is Pierce sitting on the visitor's chair in front of her table.

Pilit niyang pinapakalma ang puso niyang hindi niya alam kung bakit ganun nalang kabilis ang tibok.

What's with this man that he always makes her heart beat faster than normal?

Ilang segundo ring nakalimutang huminga ni Gladz ng bumaling sa kaniya ang binata at hinuli ang mga mata niya. Those eyes. Jesus! Why do they have to be tantalizing?

"Safe ka bang nakauwi kagabi?" He asked, pulling her out form her reverie. "Wala bang nagtangkang manakit sayo?"

Tumaas ang kilay niya. "Bakit naman may mananakit sakin?"

He shrugged. "The world is full of bullshits and assholes." Isinandal nito ang katawan sa likod ng upuan, ang mga mata nito ay nakatitig pa rin sa mga mata niya. "Someone might hurt you."

Umiling siya. "I'm okay. Wala namang nagtangkang gumawa ng masama sakin kagabi."

Tumango ito, nakatitig pa rin sa kaniya na para bang inaarok ang laman ng isip niya. "Sabihin mo lang sakin kapag may nagtangka ng masama sayo. My gun is ready for you."

Her lips slightly parted. "Gun? You carry a gun?"

He nodded. "Yes."

Gladz didn't know why that single information about him made her smile.

Inabot niya ang bag saka inilabas mula doon ang bagay na palagi niyang dala saka inilapag iyon sa mesa, sa harapan nito. "Don't worry about me. I can shoot too and I don't miss."

He looks stunned as he stared at her. "A girl with a gun..." Mahina nitong sambit saka bumukas ang paghanga sa mga mata nito kasabay ng isa pang emosyon na nagpa-init sa mukha niya. Pagnanasa. "God. Why do you turn me on so fast?"

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon