CHAPTER 1

2.1M 38.6K 13.5K
                                    

CHAPTER 1

"REALLY, GLADZ?" Hindi makapaniwalang sabi ni Tess habang nakataas ang kamay nito at hawak ang condom na nasa pouch niya. Lipstick lang ang hihiramin nito pero ang condom na naman na dala niya palagi ang pinagdiskitahan. "Bakit ba palagi kang may condom sa pouch mo, ha? You're not even using it."

Nagkibit-balikat lang siya. "Malay mo, mahanap ko ang 'the one' na makakadala sa akin sa kaluwalhatian."

Umikot ang mga mata ni Ruth. "You keep on saying that, pero wala namang nangyayari."

Nagkibit-balikat ulit siya. "Ano namang masama kung palagi akong may dalang condom, huh?" Tumaas ang kilay niya. "Every woman should be aware of healthy sex."

"Gaga. Healthy sex para sa mga active ang sex life." Inirapan siya ni Tess. "E ikaw, ni wala ka ngang boyfriend. And a virgin at that."

Natahimik siya ng mabanggit ni Tess ang salitang virgin. She told herself that she would never tell a soul, and up until now, it's her dirty little secret that even her long time friends don’t know about. Ayaw niyang may makaalam sa kagagahang ginawa niya noon dahil sa epekto ng alak. 

Bumuntong-hininga si Ruthy na pumukaw sa pag-iisip siya. "Itapon mo nalang yang condom, Tess."

"No!" Mabilis niyang inagaw ang condom na hawak ni Tess kasabay ng pag-agaw niya sa pouch niya. "I'm promoting condom for healthy sex. Hindi niyo ba alam na parami na ng parami ang bilang ng may AIDS dito sa Pilipinas?" Pangaral niya sa dalawang kaibigan na napapantastikuhang nakatitig sa kaniya. "My God... Some of them didn’t even know that they have AIDS, thanks to their partners!"

Tinaasan siya ng kilay ni Tess. "Oh, e anong pinaglalaban mo?"

"Ang pinaglalaban ko ay ang karapatan nating mga kababaehan na maging safe sa sexual department at para mapangalagaan natin ang mga sarili natin habang ginagawa ang gusto natin." Gumagalaw-galaw pa ang kamay niya sa ere habang nagpapaliwanag. "I know most people would say that to avoid AIDS, then do not enter into pre-marital sex. Pero hindi naman yon apply sa lahat. Let’s accept it that our society is changing. Hindi man aminin ng lahat, alam natin na medyo liberated na ang ibang mga Filipino at gusto ko lang i-promote ang safe sex sa mga taong active ang sex life, unlike me na walang karanasan sa bagay na 'yon." Okay, the last part is a lie.

Tumango-tango si Ruthy, mukhang sumasang-ayon ito sa kaniya. "Agree. Our society is really changing."

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Tess. "Wala na akong sinabi."

Matagumpay siyang ngumiti saka ibinalik ang condom sa pouch.

She always carries it with her... Just in case. Yon kasi ang naging dilemma niya ng mahimasmasan siya sa kagagahang ginawa dahil sa epekto ng alak dalawang taon na ang nakakaraan. Natakot siyang baka may sakit ang estrangherong 'yon kaya naman pagkalipas ng anim na buwan, nagpa-check up siya.

Salamat sa diyos, negatibo ang resulta. That's when she became aware of safe sex. Kaya naman palagi niya iyong ipino-promote sa mga kakilala niyang aktibo sa sex.

"Siya nga pala," aniya sabay lapag ng folder na dala niya sa harap ni Tess. "Hayan ang 'credentials' mo para sa pagpapanggap mo bilang katulong." Napangisi siya. "Good luck sayo."

Inirapan siya ni Tess. "Hindi ako patatalo sa pustahan no."

Mahiwaga siyang ngumiti. "Huwas masyadong sigurado." Ang ngiti niya ay nauwi sa mahinang tawa. "Good luck. I'm sure its just a piece of cake."

"Heh!" Inirapan na naman siya ni Tess. "Huwag kang ngumiti diyan. Baka nakakalimutan mo, inis pa ako sayo. Iniwan mo ako sa bar kaya nakagawa ako ng isang kagagahan."

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon