CHAPTER 11

1.5M 31.2K 6K
                                    

CHAPTER 11

PAGKATAPOS SIYANG ihatid ni Pierce sa bahay niya, kaagad na pumasok si Gladz sa kuwarto at nagpahinga. Pero hindi kaagad siya nakatulog tulad ng gusto niya, nanatili siyang nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama at nagri-replay sa isip niya ang mga ginawa nila ni Pierce habang magkasama sila.

They acted as if they are couple... A happy couple. Pierce was sweet, caring, thoughtful and wonderful. He's fun to be with and she doesn't want to be apart of him. Kahit ngayon, ramdam kaagad niya ang pangungulila sa binata.

This is what she's avoiding...to get attached to a man. At masaklap pa, wala naman silang relasyon para makaramdam siya ng pangungulila rito.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka bumangon at lumabas sa kuwarto niya. Balak niyang pumunta sa paborito niyang Cafe. Pero ng buksan niya ang pinto, bumulaga sa kaniya si Pierce na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng pinto.

Nag-isang linya ang kilay niya. "Anong ginagawa mo?"

Gladz actually saw Pierce jump a little when he heard her voice. Kapagkuwan ay kaagad itong humarap sa kaniya. "Ha?"

Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "Tinatanung kita kung anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay ko."

"Oh." Napakamot ito sa batok, "ahm, I, ahm, I...d-don't know?"

Tumaas ang kilay niya ng marinig ang patanung nitong sagot sa tanung niya. "Kanina ka pa ba diyan?"

He was fumbling on his phone as he looks anywhere but her. "Ahm," tumikhim ito at nakagat ang pang-ibabang labi, "I, ahm, yeah, kinda."

Dalawang kilay na niya ang nakataas. "Bakit ka bumalik?"

Sa pagkakataong iyon, tumingin na ito sa mga mata niya at ibinulsa nito ang cellphone na hawak. "I, ah, I want to see you."

She was taken aback by his answer. "B-bakit?" Nag-uumpisa na namang tumibok ng mabilis ang puso niya. "Naghihiwalay palang tayo, diba?"

Tumango ito saka napasabunot sa sariling buhok na para bang hindi nito alam ang isasagot sa kaniya. "Ahm, kasi, may kaibigan akong nangangailangan ng tulong. Aalis ako ngayon pabalik sa Sicily ulit. I have to be there and I want to see you before i leave. I just receive the call so I went back here and ahm... And ahm... And, ah..." He stops mid-sentence, took a step closer to her, place his firm hand on the back of her head before leaning in to her and kissing her lips.

Napakurap-kurap siya sa gulat pero pagkalipas ng ilang sandali, ipinikit niya ang mga mata at masuyong tinugon ang halik ng binata.

Pierce softly pressed her back against the open door before deepening the kiss. Nagpaubaya naman ang dalaga at buong pusong tinugon ang halik ng binata hanggang kapusin silang dalawa ng hininga at naghiwalay ang mga labi nila.

Pero kahit pa tapos na silang maghalikan, nakadikit pa rin ang katawan ni Pierce sa katawan niya at magkalapit na magkalapit pa rin ang mga labi nilang dalawa.

Parang ayaw nitong lumayo sa kaniya.

"Pierce—"

Tinangay ng hangin ang sasabihin sana niya ng maramdaman niyang masuyo siyang niyakap ng binata sa beywang saka hinalikan siya sa nuo.

His soft embrace makes her heart pound like crazy. Hindi na siya magtataka kung naririnig at nararamdaman ngayon ng binata ang mabilis at malakas na pintig ng puso niya.

"Gusto kong sabihin sayong ayokong umalis, pero aalis pa rin naman ako kaya hindi ko sasabihin sayo 'yon." Pabulong nitong sabi, "pero babalik din naman ako kaagad kapag nagawa ko na lahat ng kailangan kong gawin do'n. You will still see me after I get back, right?"

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon