CHAPTER 24

1.4M 32.4K 21.4K
                                    

Hi to Jariel Jane Verra and to her boyfriend, Marco.

And happy birthday to Yukishiro14. 


CHAPTER 24

"I DON'T WANT to do a roll call, buds." Wika ni Tyron na siyang nakatayo sa platform habang may hawak na microphone. "So who's not present?" Tanung nito habang pinapalibot ang tingin sa mga nakaupo sa plastic na upuan.

Itinaas ni Iuhence ang kamay. "Si Baltazar at 'yong mga in-denial na naghahanap ng ka-forever nila kasi naiinggit sila satin." Kapagkuwan ay nagsalubong ang kilay nito. "Pero, anong ginagawa mo diyan sa podium, ha? Si Pierce ang nagpatawag ng meeting na 'to bakit ikaw ang emcee?"

"Oo nga. May bayad ba yan?" Sabad ni Calyx. "Umalis ka nga diyan sa podium. Hindi porke't ikaw ang unang nag-asawa satin ay ganiyan ka na."

"Presidente yan si Zapanta ng Understanding Club." Wika ni Ymar.

Tumawa si Lander. "Leader ng mga under."

Nagtawanan ang may mga asawa na nasa loob ng hall at kaniya-kaniyang sang-ayon ang mga ito.

"Could you remind us again why are we meeting in the village's Big Hall?" Nagtatakang tanung ni Valerian na kunot na kunot ang nuo, "oo nga't marami tayo pero hindi naman natin kayang punuin 'to."

Knight snickered beside Valerian. "Kasi hindi rin tayo kasya do'n sa barn ni Lysander."

"Hey! Don't insult my barn." Reklamo ni Lysander, "mini-bar natin yan dito sa Village, lalo na sa may mga asawa na."

Nagsitawanan ang naka-relate sa sinabi ni Lysander. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Pumapayag lang ang mga asawa nitong mag-inuman kapag sa loob ng VB nag-iinuman ang mga ito.

Itinaas ni Dark ang kamay. "May snack ba tayo mamaya?"

"Oo nga." Sabad ni Lath. "I cancel my appointment for this."

"Mayroon." Sabad ni Thorn na may kausap si cellphone. "Pierce ordered beer and chicken wings and legs. It's on the way."

"Yes!" Masayang sabi ni Calyx. "Masarap 'yon kasi libre."

Khairro interject, "sinong may gusto ng goto?"

Tumaas ang kamay ni Terron. "Me!"

"Sige, bumili ka na don." Nakangising wika ni Khairro, "ilibre mo na rin ako. Kanina pa ako hindi kumakain e."

"Pero nasaan na yong snack natin?" Pangungulit ni Calyx.

As if on cue, the snacks arrived. Kaniya-kaniyang kuha ng in can beer at prinitong manok ang mga kaibigan niya. Nakalimutan na ng mga ito ang dahilan kung bakit narito sila ngayon sa hall.

Napabuntong-hininga nalang si Pierce sa ingay ng mga kaibigan niya habang umiinom at kumakain. Kaya naman kinuha niya ang microphone na hawak ni Tyron at nagsalita. "I need your help." Nakikiusap ang boses niya. "Just give me a minute or two of your attention."

Kaagad na natahimik ang lahat saka tumuon ang buong atensiyon sa kaniya.

Tumaas ang kamay ni Yilmaz. "Topic?"

"My divorce." He answered then explained why his divorce papers are still in process. "That's my problem."

"Hindi kita matutulungan diyan kasi nasa ibang bansa. I only know the laws in our country." Wika ni Evren, "but I have a friend in Sicily. He's a good lawyer. Matutulungan ka niya."

Tumango siya. "Thank you. But I need more than a good lawyer." Hinilot niya ang sentido saka napabuntong-hininga. "I need to be divorce before this week ends."

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon