Nakita ko naman si Baste na papalapit sa kinauupuan ko. Nagpapractice sila ng basketball para sa laban bukas.

"Uy" Sabi niya. Umupo lang siya at uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng lupa kapag nagtagal pa ako dito.

"Uy ka rin" Sabay tawa ko ng parang baliw.

"Ba't di ka pa umuuwi?"

"Ah wala lang. Mainit pa kasi"

"Wala ka bang payong?"

"Wala eh"

"Ah saglit lang"

Tumayo siya at pumunta sa kabilang dako para may kunin sa bag niya. Nakita kong naglabas siya ng payong saka bumalik sa akin.

"Oh hiramin mo muna" Sabay abot niya. Di siya nakangit, di rin siya masungit. Normal lang. Pero hinihingal siya.

"Naku wag na. Mag tatricycle naman ako eh"

"Sige na hiramin mo na. Balik mo sa akin bukas"

Inabot ko na para di naman nakakahiya. Umupo ulit siya. Pero di na siya nagsasalita. Ayoko pang umuwi pero di ko yata matatagalan ang presensiya niya dito.

"May"

Nagulat ako kasi bigla niya akong tinawag.

"A-ano yun? Bakit?"

Tumingin lang siya. Saka ngumiti.

"Wala lang."

"Torres balik na!!"

"Sige balik na ako"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nag 500beats yata ako per minute. Parang di ako makatayo na hindi ko maintindihan.

Umuwi ako nun na kinikilig ng sobra.

Dumaan ang mga araw. Sobrang casual pa din namin sa room. Kapag nagiging magkagrupo lang kami naguusap. Napakasimple niya lang namang tao malinis tingnan, mukhang goodboy, mukhang walang problema.

Inabot ng 4th year. Nakatatlong diary na ako na puro siya lang ang laman. Naka isang box na din ako ng letters na para sa kanya. Nakailang tissue na din ako sa kaiiyak kapag nag dedecember at di ko siya nakikita. Nakailang basura na din ako ng papel para sa FLAMES at enemies pa din ang lumalabas. Nakailang wrapper na din ako ng chocolate na hindi ko alam kung sinong naglalagay sa bag ko.

March na. Gagraduate na kami. Di ko pa din nasasabi na gusto ko siya. At pakiramdam ko sasabog ako kapag di ko sinabi yung nararamdaman ko.

Graduation Day

Habang nagsasalita siya as Valedictorian. Di ko mapigilang maiyak. Hindi dahil nakakaiyak yung speech niya pero kasi di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para sabihing gusto ko siya. At alam kung ngayon ko na kang siya huling makikita.

Natapos yung graduation. Nagyakapan kami ng mga kaklase ko at nagiyakan. Tinitingnan ko lang siya sa malayo habang niyayakap din siya ng mga kaklase ko. Sana kaya ko ring gawin yun.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiyak.

"Huy bakit ka umiiyak?"

"Ha wala. Haha" Tumawa ako ng pagak. "Graduate na kasi tayo ang bilis ng panahon"

"Oo nga eh. Ang bilis nga"

Malungkot yung boses niya kaya napayuko ako.

"Chocolate gusto mo?"

Nagtaka ako kasi kapareho yun ng chocolate na laging nakalagay sa bag ko.

"Ah... ano yan.. binigay lang din sa akin. Baka lang kako gusto mo"

Umasa ako ng saglit na hindi ko dapat ginawa.

"Sabihan mo naman ako ng ingat haha"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Aalis na ako mamaya eh. Sa Probinsya ako mag kacollege"

Parang naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Gusto ko siyang yakapin.

"Pwede bang yumakap? Nayakap ko na silang lahat. Ikaw na lang hindi pa"

Di na ako nakaimik kasi niyakap niya ako. Niyakap niya rin naman yung lahat.

Bumitaw siya sa pagkakayakap. Saka niya inabot yung pentelpen. Tinanggal niya yung toga.

"Sulatan mo ko ng last message sa likod" Tas ngumiti lang siya. "Magpapasulat din ako sa iba pagkatapos"

Nanginginig yung kamay ko. Hindi ko alam kung anong isusulat ko.

"Tapos na?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya minadali ko. At sa sobrang pagmamadali. Good Luck lang naisulat ko. Kahit pirma di ko nagawa.

"Sulatan din kita"

Tinanggal ko naman yung toga ko at nagsulat din siya.

Nanginginig yung buong katawan ko. Hindi ko na din namalayan na tapos na siyang magsulat. Pinasuot niya ulit yung toga sa akin na sinunod ko naman.

"See you after many years. Goodluck sa tatahakin mong landas. Bye"

Nagwave siya ng bye saka unalis papalayo.

Tumulo na yung luha ko kasi hindi ko man lang nasabi sa kanya yung gusto kong sabihin. At alam kong pagsisisihan ko yun ng ilang taon na hindi ko ginawa. Parang di ako makahinga nung nawala na siya sa paningin ko.

"Ano ba May. Nakakainis ka naman eh." Hinahampas ko yung hita ko sa inis. Nagaalisan na din yung mga kaklase ko. Nilapitan ako ni Mama at sinabing uuwi na kami.

"Tara na. Umuwi na tayo. Nagluto si Daddy mo sa bahay. Wag ka ng umiyak diyan magkikita kita pa naman kayo."

Tinanggal ko yung toga ko at umalis na sa lugar na yun. Baon ang panghihinayang na hindi ko nasabi kung gaano ko kagusto si Baste. Ang tanging alaala niya lang na naiwan sa akin ay yung sulat kamay niya sa uniform ko at yung pentel pen na hawak ko.

Umuwi ako na para ako pinagsakluban ng langit at lupa.
Nagpalit ako ng damit. Tsaka humiga sa kama.

Tiningnan ko kaagad yung letter niya sa likod ng uniform ko. Napakahaba nun.

Goodluck sa'yo Ms. Madrid
I hope to see you 4 years from now.
Pag may courage na akong sabihing gusto kita.

Naramdaman ko na lang na tumulo yung luha ko sa uniform ko.

Seven years na din yung lumipas.

Hindi na ako umaasa na magkikita pa kami.

Baka succesful na din siya sa buhay.

Ako na lang yung naghohold on sa promise niya na magkikita kami after 4 years. Pero 7 years na. Wala na din akong balita sa kanya. Di na dapat ako naghihintay.

Naglalakad ako sa isang bookstore ng mapukaw ng isang libro yung attention ko.

7 Years
by: Rain Sebastian Torez
Para akong natumba sa nakita ko. Pero iba yung spelling ng apelyedo nito.

Nagmanual Flames ako sa utak.

22

Marriage

Hindi ko alam kung natutuwa ba ako na hindi ko maintindihan. Pero naiyak ako bigla bigla na para akong bata.

Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"May autograph signing ako. Gusto mo ba?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nanlalabo yung paningin ko dahil na rin sa luha.

Saka ako umiyak ng umiyak.

Natigil ako sa pagiyak ng bigla niya akong niyakap at di ko maintindihan yung nararamdaman ko ng mga sandaling yun.

"It's been 7 years"

-----

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now