Fastpace

29 10 0
                                    

(an excerpt from 14 Gentlemen)

Napakadaming nangyari sa buhay ko sa loob lang ng dalawang araw. Hindi ko na maintindihan.

Gusto ko ng magtransfer ng school.

Okay malelate na ako. Mag llrt na lang siguro ako para mabilis.

Mabuti naman at alasonse na ng tanghali wala ng gaanong sumasakay. Isa pa sabado ngayon at wala naman gaanong estudyante.

Nakakuha ako ng upuan. Kaunti lang kasi sumasakay ng Santolan pag ganitong tanghali. So ayun. Ang alam ko magrereview ako ngayon dahil may group report kami. Pero inaantok talaga ako.

Maya maya may lalaking tumabi sa akin. Familiar yung uniform.

Uniform yun ng Engineering sa school namin. Schoolmate ko pala si kuya. Nasa katipunan na kami ng bigla kong naramdaman na may humiga sa balikat ko.

Di naman ako makalingon sa lalaki dahil nakahiga nga sya. So ang ending di ako makagalaw.

Alam kong nakatingin yung dalawang estudyanteng babae na nasa harapan ko. Na para bang sinasabing "Ang swerte ko".

Pero di ko makita yung mukha nung lalaki kaya di ko talaga alam. Gagalaw sana ako ng gumalaw din ung lalaki. At talagang humiga pa ng mas komportable. Shocks.

May matanda nang nakatingin sa amin. Na para bang sinasabing "Ang mga kabataan talaga ngayon".

At gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ngayon.

Yung dalawang kamay ko ipinatong ko lang sa lap ko para magmukha naman akong prim and proper. Pero kung bastos lang talaga akong tao malamang sa malamang sinigawan ko na'to.

Nasa Legarda na kami. At mas lumuwag na lalo yung space sa loob. Pero si kuya tulog pa din. Hindi naman siguro tutulo ang laway niya sa balikat ko.

Napansin ko maputi naman si kuya, clean cut naman ang buhok. Mukha namang mayaman, tsaka mabango. Tsaka matangkad ng mga tatlong pulgada siguro sa akin. Feeling ko lang.

Arriving at Recto Station, paparating na sa Recto Station.

Gumalaw ako pero si kuya di natinag.

Nagbukas na yung tren at si kuya di pa din gumagalaw.

"Ineng gisingin mo na yang boyfriend mo"

"Po?"

"Eto na yung huling istasyon"

Syempre alam ko na Recto ang last station. I mean hindi ko siya boyfriend. Hindi ko sya kilala.

"Ano ba kasing ginawa niyo kagabi at puyat yang si pogi" Sabi pa nung matanda saka lumabas.

Inosente po ako.

"Ehem."

Di pa din gumagalaw yung lalaki.

Hinawakan ko na yung magkabila niyang pisngi at isinandal ko na lang sa gilid ng tren.

Gwapo nga.

Nagdilat sya ng mata habang hawak ko yung magkabilang pisngi niya.

Kumunot yung noo niya na parang ako pa ang manyakis sa aming dalawa.

"Kanina ka pa nakahiga sa balikat ko mula Katipunan, di ako makababa dahil ayaw mong gumising, kaya kung matutulog ka wag kang sasandal sa balikat ng taong di mo naman kilala"

Inunahan ko na alam ko naman na baka siya pa ang may ganang magalit.

"Ahh. I'm sorry, Pagod kasi ako tsaka inaantok kaya nakatulog ako sorry talaga"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon