Bahay-bahayan

103 11 0
                                    

3 days ang retreat at gusto ko ng umuwi. Nakakaburyong na.

"Oy Kamusta naman ang buhay buhay?" Nagulat ako bigla ng may nagsalita sa likod ko.

"Loko loko ka. Wag kang nangugulat"

"Sus alam ko naman. Alam ko namang takot ka sa multo"

"Hindi noh."

"Mond talaga?"

"Hindi nga!"

"Weh?"

"Makulit ka. Osige na takot na kung takot"

"Haha. Binibiro lang kita. Anong ginagawa mo dito magisa?"

"Wala ang boring sa baba eh. Tsaka nagpapahangin lang. Mag lalights off naman na maya maya."

"Alas dyis pa yun. 9:11 pa lang"

"Bumaba ka na dun. Baka hinahanap ka ng boyfriend mo"

"Magkaaway kami. Haha. Yaan mo na."

"Lagi kayong nagaaway alam mo ba yun?"

"Normal naman yun sa relasyon. Bat kayo ni Niña hindi ba?"

"Hindi. Di kasi kami masyadong naguusap. So walang pagaawayan. Tsaka laging busy yun"

"Ganun talaga ang buhay dapat ikaw na ang lumalapit at nagbibigay ng oras"

"Wag mo ko turuan"

"Di kita tinuturuan. Sinasabi ko lang. Malay mo kasi inaantay ka lang niyang magtxt or kausapin siya."

"Cess, siya nga nagsabi sa akin na wag ko muna sya itxt dahil busy siya"

"Ay weh grabe naman"

Napatingin ako sa kanya na nakapwesto na dun sa tabi ko. Nakapatong kamay ko sa may semento ng terrace at siya din.

Napansin ko lang yung bracelet na suot niya.

"Ang tagal na niyan ahh. Buti kasya pa sayo yan"

"Haha. Oo nga eh actually nasira na to nung grade 6 tayo. Inayos ko lang tas dinugtungan ko na din kasi masikip na sa akin. Oh hulaan mo kelan mo sa akin to binigay?" Nakangiti siya bigla.

"May 3, 2003. Grade 3 tayo."

"Galing mo best. Haha"

"Baliw ka ba birthday mo yun eh. Binuhusan mo pa nga ko ng juice dba. Umuwi pa ko pagbalik ko wala ng cake. Walang utang na loob"

"Grabe ka. Di ko yun sinasadya. Wag kang ano"

"Joke lang, alam ko naman. Lagi namang di mo sinasadya"

"Hoy wag ka nga. Di ko talaga sinasadya yung sa relo mo dati ang careless mo kasi magabot kaya nahulog. Tsaka yung psp mo dati di ako nakasira nun si Joy yun"

"Oo na. Defensive to"

Tumingin lang ako sa kanya pero di siya nakatingin sa akin. Sa mga puno sya sa tapat ng retreat house nakatingin.

"San ka magka college?" tanong ko.

"Di ko pa alam. Ikaw ba. Oy magnunursing ka diba? I can still remember naglalaro tayong doktor-doktoran dati tas pasimple ka pang kunwari sa tyan ako sinaksak. Manyak to"

"Hoy wag ka nga. Inosente pa ko nun"

"Inosente."

"Oh bakit. Grade 1 pa lang tayo nun ah"

"Uy Mond may naalala ako. Haha. Nakakatawa"

"Tungkol san?"

"Tungkol sayo"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon