Flames

6 4 0
                                    

Playlist: Torete

Posible bang 7 years mo nang gusto ang isang tao? Posible rin bang 7 years ka ng nagmamahal ng patago?

2011

"May Loraine Madrid...Rain Sebastian Torres"

Bakit kasi kapag nagfeflames ako 23 ang magkaparehong letters sa pangalan namin. Sa enemies tuloy napupunta. May mali ba ako? Di ba ako marunong? May iba pa bang love calculator?

"Huy vea may alam ka pa bang mga love calculator?"

"Ano yun? Yung parang flames?"

"Oo mga ganun"

"Wala na eh. Bakit? Sinong fineflames mo patingin nga"

Bigla niyang hinablot yung notebook ko na agad ko namang nakuha.

"Ano ka ba. Wag ka ngang ano diyan?"

"Sino yan? Si Basti? Si Baste? Si Sebastian? Hala"

Tinakpan ko kaagad yung bibig niya kasi napakaingay.

"Ang ingay mo!" Pabulong kong sabi.

"Crush mo siya?"

"Hindi ano ka ba?"

"Bakit mo fineflames?"

"Wala tinatry ko lang. Tinatry ko naman sa lahat. Hinahanap ko kung sino soul mate ko"

"Ahh ano lumabas sa inyo ni Baste?"

"Ano... Marriage" Anong kagagahan ba'to. Kahit enemies naman talaga.

"Ay weh hala baka sya soulmate mo"

"Sus hindi yun. Di ko nga sya type eh" Baliw na talaga ako.

"Ay bakit? Gwapo naman yun ah"

"Kahit hindi nga" Ano ba'to Lord pakisampal nga ako.

"Tsaka okay na din yun.Di ka yata magugustuhan nun."

Parang biglang bumagsak yung leaning tower of pisa sa kinauupuan ko.

3rd year highschool. Crush na crush ko talaga si Baste pero sino ba naman ako para mapansin niya. Napaka plain ko. Di ako fashionista. Di rin ako nagmemake up. Yung tipong ako yung pang row 4 sa tabi ng basurahan. Tas siya yung pang row 1 lagi.

"Ms Madrid hindi to oras ng chikahan"

Nagulat ako ng may tumawag sa akin. Si Ms Montero.

"Sorry po. "

"Siguro naman nakikinig ka."

"Ay ano po yun?"

"Sino ang pamangkin ni Donya Victorina na karibal ni Ibarra kay Maria Clara?"

Hala sino ba?

Nanginginig yung kamay ko na binubuksan ang Noli Me Tangere sa harapan ko. Si Vea naman ay nagbabasa din at alam kong di niya din alam yung sagot.

Hindi ko alam kung ilang segundo na ang nakalipas. Nagulat na lang ako ng may papel na inabot sa akin si Vea. Sabay bulong.

"May nagpapaabot"

Binuksan ko yung papel.

Linares.

"Maam si Linares po"

Tumingin lang sya sa akin at bumalik naman agad sa pagtuturo.

Pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko sa kaba.

Natapos ang klase ng kinakabahan pa rin ako. At dahil last subject na yun nagpasya akong tumambay muna sa court bago umuwi.

Nakalimutan ko ring itanong kay Vea kung sino yung nagbigay ng papel. Pero kung sino man yun. Salamat ng marami.

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now