Pass

63 11 0
                                    

Hindi ko talaga gusto kapag hindi ako naiinform na walang klase. Anong gagawin ko dito sa school?

"Oy Red" may tumawag sa kin mula sa kung saan.

"O baket? Wala daw klase"

"Onga eh di ako nainform"

"Nabasa ko nasa byahe na ko kaya pumasok na lang ako"

Di na ko nagsalita kasi wala naman akong masabi. Di naman kami close kasi. So moment of silence sa pagitan namin. Kahit nakaupo kami sa corridor ng medyo magkatabi para paring di kami magkakilala dahil di naman kami gaanong naguusap. Wala ding tinginan sa mata.

Mga ilang minuto na pero wala pa ring nagsasalita. Maglalagay na sana ako ng headset nung bigla nya kong kinalabit.

"Laro tayo"

"Ha?"

Medyo napatanga ako ng ilang segundo.

"Sabi ko laro tayo. Tutal wala naman tayo magawa"

"May dala ka bang board game? Uno cards? Or anything"

"Hindi yun. Iba 'to. Pauso ko lang 'to" Bigla syang ngumiti.

"O--kay" nakatingin lang ako sa kanya na nagtataka pa rin.

"Okay game. Ganito yung rule. Magpapalitan tayo ng tanungan. Lahat dapat sagutin. Sa lahat ng tanong isang beses ka lang pwedeng mag pass. Kaya isave mo yan. Kapag may nagpass na end of the game na"

"Ang weird."

"Bilis na!!"

Nakangiti siya na parang bata at di ko alam bat bigla akong natawa.

"Bat ka tumatawa?"

"Wala sige game"

"Mauna ako. Bakit hindi tayo close?"

Ang weird ng tanong.

"Una, Kasi magkaiba tayo ng circle of friends. Wala nga akong circle of friends to be exact. Kasi kung meron. May magiinform sa akin na walang klase. Pangalawa, wala lang pagkakataon para magkausap tayong dalawa at maging close. Pangatlo, ayokong may sobrang close na babae"

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Ako na magtatanong. Wag kang gahaman"

"Ay okay sige Go"

"Bakit niyaya mo kong maglaro?"

"Kasi walang magawa. Saka gusto kita makilala"

Tas tumahimik siya.

"Yun na yung sagot mo?"

"Oo yun na yun. Ako na"

"Valedictorian ka pala nung highschool, bakit dito ka nag-aral?"

"Mura. Mura. Mura. Ayun lang ang dahilan. Teka pano mo nalamang Valedictorian ako nung highschool?"

"May nagsabi lang sa akin. Ako na"

"Bakit ikaw ulit?"

"Kakatanong mo lang dba? Sinagot ko naman. So ako na"

"Andaya Pambihira"

"Okay Go. Anong sikreto mo at ang tangkad mo at makinis mukha mo, di ka siguro nagpupuyat?"

"Ang weird mo Jen."

"Sagot agad"

"8pm tulog na ko. 5am gising na ko. Pag may pagkakataon natutulog ako sa hapon. Tamang kain. At matangkad talaga tatay ko so baka dahil sa genes na rin. Sa mukha. Di ko din alam. Nagtataka din ako. Makinis din naman mukha mo ahh hindi ba?"

"Oo alam ko makinis yan. Ako na ulit?"

"Bat ikaw na naman??"

Medyo dinadaya ako ng babaeng to.

"Nagtanong ka diba. Counted yun."

"Okay"

Napasimangot ako kaya bigla na naman siyang tumawa.

"Eto tanong ko. Alam mo bang sa isang taon at anim na buwan nating magkaklase ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko?"

"Hindi ko alam. Haha. Talaga ba?"

"Yeah ikaw na"

"Diba last year niligawan ka ni Justine? Bat di naging kayo?"

"Haha. Eh kasi di ko sinagot kaya di naging kami. Ganun ka simple. Tsaka masyado syang mahangin (Sabay bulong) Mayaman kasi yun. Tsaka sa txt lang ako nun niligawan. Pag magkasama kami feeling boyfriend na agad. Ayoko ng ganun"

"Aahhh. Malay mo iregalo sayo nun iPhone"

"Kahit tatlo pa ibigay niya. Ayoko sa kanya. Ako na magtatanong"

"Tingin mo bakit ka crush nila Meg at Hanah?"

"Ha? Ako? Haha. Loko. May mga boyfriend yun ah."

"Oo nga crush ka nila. Maniwala ka sa akin"

"Di ko alam yung sagot syempre. Dapat sila ang tinatanong mo"

"Tinatanong nga kita bakit sa tingin mo crush ka nila ibg sabihin anong meron ka na tingin mo nagustuhan nila at naging crush ka nila"

"Di ko talaga alam. Wala akong idea"

"Pahumble. Ikaw na"

"Grabe to. Ibabalik ko yung tanong. Bakit sa tingin mo crush nila ako"

"Hmmm. Base to sa mga sinabi nila ha. Maganda built mo, Aprubado. Magaling kang magreport, Aprubado. Masyado kang tahimik, aprubado. Tsaka mukhang masarap kang kausap at kasama"

Tumingin lang ako sa kanya habang nakatingin din sya sa akin.

"Ako na" bigla niyang basag sa katahimikan.

"Bakit wala kang nililigawan? Wala ka bang nagugustuhan"

"Wala."

"Bakit wala?"

"Mamaya mo na itanong. My turn. Words of Affirmation o Quality Time?"

"Quality time. O bakit nga wala pa"

"Kasi ayokong magmadali. Alam mo yun. Baka kasi yung nagugustuhan mo. Pang ngayon lang. Or pang hanggang bukas lang. Di mo masasabi. Paano kung biglang isang araw di ko na pala sya gusto. Pwede ba kong umatras at sabihing 'Di na pala kita liligawan'? Di naman pwede. Paano kung nafall na pala sya? Edi kasalanan ko pa"

"May point ka naman. May bago akong rule magdadagdag ako ng isa pang tanong at ikaw din. So ako na ulit. Pano pag nagustuhan mo yung tao pero ayaw niyang umamin na gusto ka niya? "

"Patawa ka. Haha. Di naman niya kailangang umamin. Di ko naman siya pipilitin na 'Huy gusto mo ba ko?' Walang ganun. Di niya kailangang magsalita. Pero kung gusto ko talaga sya. Syempre may gagawin ako. Hanggat maari ayokong sabihin nia na gusto nia din ako kasi baka matuwa ako bigla haha"

"Ganun? Haha. Cute mo din eh noh"

"My turn. Pano mo nasabi base on your past experiences na may gusto sayo yung isang tao"

"Kapag sobrang interesado sya sayo. Tipong lahat ng paraan gagawin niya may malaman lang tungkol sayo. Or makausap ka lang. Tipong txt at chat gagawin makapagreply ka lang. Mga simpleng bagay na ganun. Pero actually mararamdaman mo din kasi talaga yan eh kapag may gusto sayo yung isang tao. Or might as well para malaman mo tanungin mo na lang"

"Second question...."

Tumunog yung cellphone ko. May nagtxt.

"Huy KaTM malapit ng mag ------"

Bwiset.

"Okay game. Bwiset tong TM"

"Nagaantay ako. Take your time. Haha"

"May gusto ka ba sa akin?"

Nakatingin lang sya sa akin na takang taka sa sinabi ko. Di ko din alam bakit ko nasabi. Nakakahiya. Baka sabihin kapal ng mukha ko. Pwede ko bang bawiin? Nakakahiya talaga pambihira....

"Pass. Uy una na ko ahh. Punta pa kong SM. Gegeh bye"

---

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon