Tagpuan

28 7 0
                                    


Hindi na ako magtataka kung isang araw ipabugbog na lang ako dahil sa pagiging suplado at masungit ko.

Sa bahay, sa kaklase, sa mga nakakasalubong.

Sa lahat.

May mga bagay lang talaga na nakakatamad pakitunguhan ng maayos, siguro dahil nakakatamad din silang kausapin.

"Anong iniisip mo diyan?"

Si Crisyle.

Maiden ang pangalawang pangalan niya. Kaya hindi ko alam kung kaano-ano niya si Crystal Maiden ng DotA. Kung magkaibigan sila hindi ako maniniwala, kung magkapatid sila hindi pa din ako maniniwala.

Pero one things for sure. Hindi ko to trip kausap. Di ko siya kaklase, di rin kami magkaibigan, di rin kami close. Nagkakilala kami nung event nung nakaraan pero di ko alam kung 'magkaibigan' na ba ang tawag sa amin.

Hindi ko rin kasi alam kung paano dinedefine sa panahon ngayon ang salitang 'kaibigan'.

"Wala naman"

I'm not going to say anything just because I have something to say, It's just that I think I'm required to answer.

"Eh mukhang malalim yung iniisip mo"

Tumabi siya sa akin nilagay yung bag sa gitna namin saka nagalok ng pagkain.

"Cream-o gusto mo?"

Hindi ko alam kung alam niya ba talaga ang paborito kong kinakain kapag ganitong mag-isa ako o sadyang paborito niya lang din yun.

Pero kung ano man ang dahilan. Hindi ko pa din kukunin yung inalok niya kahit nagugutom ako.

"Ayoko"

"Sige na kumuha ka na"

Tumingin lang ako sa kanya.

Natetempt na akong kunin yung pagkain pero nakakahiya pa din. Siya pa nagalok.

Hindi ko pa din kukunin.

"Hindi ako gutom eh tsaka di ko gusto yung cream-o"

"Anong gusto mo?"

Syempre hindi Ikaw. Wag kang umasang sasagot ako sa mga ganyang tanong, been there, done that. Alam ko na gustong sagot ng mga taong nagtatanong kung 'Ano bang gusto mo'.

"Mas gusto ko kasi yung sky flakes"

Binuksan niya yung bag niya.

"Oh sky flakes"

What the hell. May sky flakes siya sa bag. Pinakaayaw ko yun eh.

"Ahmm ano kasi. Busog pa talaga ako. Tsaka kumakain lang ako ng sky flakes kapag nilalagyan ko ng krim stix yung loob. Alam mo na"

Binuksan niya yung bag niya.

"Oh krim stix"

Chocolate yung flavor ng nilabas niya. Paborito kong flavor.

"Ay chocolate...ano kasi"

"Kumpleto ako ng flavor ng krim stix sa bag. Pili ka"

Ngumiti siya habang nilatag sa harapan ko yung ibat-ibang flavor ng krim stix.

Si Dora ba'to? O yung bag niya anjan si Doraemon. Bakit lahat ng sabihin ko meron siya?

Pero di ko pa din kukunin. Tumanggi na ako nung una. Nakakahiya naman na sa huli ko pa kukunin.

"Pasensya ka na talaga ha di talaga ako gutom kasi"

Tumingin lang siya.

"Okay si na nga sa susunod na lang"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon