Picture

39 10 0
                                    

Sobrang traffic naman grabe. Alas otso na di pa ko nakakauwi.

"Anong ineexpect mo eh EDSA to. Dagdag mo pang malakas yung ulan. Wala talaga tayong magagawa diyan"

Si Zarinah nga pala. Kaklase ko since 1st year College. Mabait pero parang amazona sa tapang. Tipo bang may tumingin lang ng masama sa kanya eh susuntukin niya na. President ng klase namin. Oo kahit college may officers pa din.

"Ang inaalala ko lang kasi inaantok na ko kaya gusto ko ng umuwi"

"Baliw ka ba nasa taft pa lng tayo. Fairview ka pa. Bukas pa tayo makakarating ng Commonwealth"

"Nakakabanas"

Nagring yung phone niya.

"Ahmm. Ano kasi. Di pa ko nakakauwi.... Stranded ako sa Taft. Siguro 10 or 11 ganun pa ko makakauwi. Oo na. Sige na babye."

"Si Greg?"

"Yeah"

"Parang walang kagana gana yung reaksyon mo kapag si Greg ahh. LQ?"

"Hindi. Ayoko lang ng masyado niyang pinapractice yung Authority niya sa akin. Parang laging siya nasusunod ganun"

"Eh lalaki yun eh. Dapat magpasakop ka talaga"

"Hindi ganun. May karapatan din naman kaming maging tama, paminsan minsan"

"Ano ba daw kinagagalit?"

"Bakit daw kasi nagpagabi pa ako ng uwi pwede naman daw na hindi ko na tapusin yung event. Sana daw nauna na ako."

"Kung ako naman din boyfriend mo eh magagalit din ako kung ganitong oras eh di ka pa umuuwi. Dagdag mo pang malakas yung ulan"

"Si Papa nga di nagalit na late na ko makakauwi. Sya pa?"

"Pumasok ka sa relasyon dapat alam mo nang mangyayari yan. Siguro possesive siya sayo kaya ganyan."

"Ganun na nga"

"Ilang taon na kayo?"

"3"

"3 years? Grabe naman. Tagal niyo nang naglolokohan"

"Baliw. Magkaklase kami nung 4th year Highschool eh dun naging kami"

"Going to forever na ba?"

"Ewan. Open naman ako sa possibility ng break-up. Bata pa kami. Syempre gusto ko sana siya na. Pero may mga forces na di natin kontrolado"

"Haha. Forces talaga"

"Wag kang tumawa. Ikaw ilang taon na kayo ng girlfriend mo?"

"Kahit wala akong girlfriend?"

"Mukha mo"

"Haha. Seriously wala nga"

Tumingin siya sa akin. Hinawakan niya pisngi ko saka tiningnan kaliwa't-kanan. Ang lamig ng kamay niya na parang akala mo kagagaling lang ng defense.

Baka dahil lang sa aircon.

"Sigurado ka? Wag mo kong niloloko"

"Mukha ba kong may girlfriend?"

"Oo"

"Haha. Wala nga"

"Nakita ko kanina sa cellphone mo nagtxt si Yna"

"Hahaha. Napatawa mo ko"

"Ano bang tinatawa taws mo diyan. Nakita ko nga"

"Yung 8888 yun pinangalanan ko lang na Yna. May free facebook at viber daw ako sabi"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon