Reunion

35 8 0
                                    

It's been 8 years. I hardly even recognized their faces. Kilala ko pa sila pero parang lahat talaga nagmature.

Nung 4th year High school kami. Mga mukhang uhugin pa lahat samantalang ngayon akala mo lahat mga milyonaryo na.

But not just their looks, lifestyles and fashion statements changed, their attitudes as well.

Yung iba astang mayaman na talaga. Kahit may sarili na akong Engineering Firm hindi naman nagbago yung ugali ko. I keep my feet on the ground.

Habang nag kakasiyahan ang lahat sa isang mahabang table dun sa private resort. Lumabas muna ako oara magpahangin dun sa sea side.

Naka sweater na ako pero sobrang lamig pa rin. Ang sarap sigurong tumira sa tabi ng dagat.

Nagulat ako na malapit sa mismong naabutan ng alon eh may nakaupong babae.

Nakatingin lang siya dun sa dagat.

Nilapitan ko siya.

"Miss"

Di siya lumingon.

Lumapit pa ako hanggang sa likod niya.

"Ano bang akala mo sa akin Drei? Past time lang ba ako?"

She's crying. Okay classmate ko 'to. Trixie Aragon.

"Bahala ka. Masaya ka diyan di'ba. Sige na. We're over"

Tumayo siya saka tinapon yung cellphone niya....sa dagat.

Nagulat ako ng tumalikod siya at nagulat din siya.

"Hoy anong ginagawa no dito?"

"Ahh. Ano kasi..ahmm"

"May narinig ka ba?"

"Ahh wala wala. Kakarating ko lang"

"Mabuti....."

Saka siya uli umiyak.

Yumakap siya sa akin bigla. Kaya napatingin ako sa paligid kung may tao ba.

"Hoy Cyrano...bakit..ganyan kayong mga lalaki"

"Ha?"

"Bakit..g-ganyan kayo"

"Ano kasi. Wag mo naman lahatin. Di naman lahat ng lalaki kagaya niya"

Bumitaw siya bigla saka tumingin sa akin. Di na siya umiiyak.

"Sabi ko na nga ba narinig mo"

"Hindi ko sinasadya sorry"

"Okay lang. At least narinig mo pa'no ako magpakatanga di'ba. Tumatawa ka siguro kapag nakakakita ka ng mga kampon ni eba na nasasaktan"

"Hey Grabe ka ah. Di ako ganyan"

Di ko matandaan...at wala talaga akong natatandaan na close kami neto nung high school.

Muse namin to noon. Yung Escort ng klase namin andun sa cottage. Pero may anak na yun, nakabuntis ng dalawang babae.

Naglakad na siya pabalik ng cottage. Kay sinundan ko siya.

Peri binagalan ko lang para di naman mahalata na magkasunod kami. Naglakad lakad muna ako bago ako bumalik.

Pagbalik ko nagkakantahan sila.

"Sangay ng Lungsooodd Quezon"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon