CHAPTER 74 - CHANCE?

491 16 2
                                    

NICA'S POV

"Enjoy the party." Sabi ng lalaking maskulado na naka mask din.

Lahat naka-mask. Di mo makikilala yung mga nakakasalubong mo. Lahat Napalingon lingon sa paligid tila hinahanap ang kakilala.

Eh paano nila malalaman yun? Lahat naka tago sa misteryosong mask.

Lahat ng emosyon ko sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pansamantala ko munang isinantabi. Dahil party to, gusto ko muna magsaya. Gusto ko muna makalimot pansamantala.

Lahat na sa loob na at naghahanap na ng kaniya kaniyang table. Malawak ang campus namin kaya magmumukhang stadium yun sa sobrang laki.

Lumingon lingon ako sa paligid. Medyo nag tip-toe ako. Sinusubukang makakilala ng mga naglalakad. Imposible.

"Mine!" Nagulat ako sa lalaki at biglang tumakbo palapit sa table na nasa harap ko.

Ang OA naman.

"Edi iyo na yan. Saksak mo sa baga mo." Hinawakan ko yung palda ko at inangat ng bahagya Bago pumihit patalikod para sana maghanap ng iba pang uupuan.

"Usong mag share. Dalawa upuan dito. Idiot." Sa tono ng boses ng lalaking to, mukhang maarte at yayamanin. Pake ko?

"Alam ko. Ayoko lang makatabi ang isang walang modong katulad mo."

"Walang modo? Eh pinapaupo ka na nga ang Arte Arte mo. May pa gloves gloves ka pa Kala mo bahay sayo." Abat.. Lintik to ah.

"Eh inano ka ng gloves ko? Inggit ka? Bakit di ka bumili?" Hinarap ko na siya at nag cross arm na lang. Tinarayan ko nga, binubwisit ako Neto eh.

"May pera ako noh. Bakit black yang dress mo?"

"Bakit puti ang ilaw? Bakit pula ang red carpet? Bakit dilaw yang ngipin mo? Di mo nasagot di ba?"

"Psh. Nagtanong lang, tanong din ang sagot. Ano na ba nangyayari sa pilipinas ngayon?" Sa tono niya parang cancer ang Turing niya sakin para sa lipunan. Kapal naman ng etits niya!!

"Gumulo, Simula ng pinanganak ka."

"Ha? Nag liwanag nga ang mundo Pag nakikita nila ako eh."

"Tigilan mo ko. Dumidilim paningin ko sayo. Baka di kita matancha." Inirapan ko na lang siya at humarap na---

"Aah. Miss? Upo na kayo. Kayo na lang iniintay." Magalang na sabi ng babae sakin. Naka mask din siya kaya di ko nakilala.

Bigla akong Napatingin sa harapan at hiniling na sana kainin na lang ako ng sementong may red carpet jusko. Nakakahiya. Kanina pa pala ako nakatingin at halos nakatingin sakin lahat.

"Ah-hhh.. He he. Si-sige.. So-Sorry.." Yumuko ng bahagya.

"Jan na lang po kayo umupo, ma'am. Para magstart na yung program." Napatingin ako sa paligid.

Kahit nakamask. Kita ang mga kilay na bantaas lamapas pa sa mga mask nila jusko.

Padabog na lang akong umupo.

"Okay na ma'am." Humarap yung babae sa stage at nag thumbs up na sa mga tanong nasa gilid ng stage.

"Minsan talaga ang Pag iinarte lakas makapang gulo. Bwisit." Kahit di niya sabihin. Alam Kong ako yung tinutukoy niya.

"Tigilan mo ko watawat ah. Wala ko sa mood."

Kahit nagsasalita na yung emcee. Wala Kong maintindihan dahil sa panggugulo ng bwisit na to.

"Excuse me? Ako? Watawat?!"

"Ay Hindi! Ayun oh! Ayun yung disco ball na kulay silver!" Sarcastic Kong sabi. Binubwisit ako ng lalaking to eh.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon