NICA'S POV
"Can we talk?" Napalingon ako sa tumabi sakin. Si Inigo.
Nagsi tulugan na ang iba mga napagod sa kakaswimming at kakalaro.
Nasa tabi ako ng dagat. Hapon na. Naghahalo na ang orange at dilaw na kulay ng langit.
Pwe. Masyadong malalim.
"We're talking." Nasabi ko na lang. Sinandal ko yung likod ko sa bato na malaki na nasa likuran namin.
"No. I mean. Pag usapan natin yung.. Yung.. Yung ano.. Yung sa kiss.." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot at talagang pagsisi.
Napangiti ako.
"Wala yun. Okay lang noh."
"Ha?" Halata sa mukha niya ang gulat. Naka kunot din ang noo niya.
Ngitian ko siya.
"Okay lang yun. Ano ka ba. Hahaha."
Nagpapanggap lang kasi tayo.
"Yeah. I know pero feel ko kailangan Kong mag explain.. Feeling ko kailangan kitang paliwanagan."
Kita sa mukha niya ang frustration.
Totoo kaya yan? Totoo kayang para sakin yang mga kinikilos niya?
"Alam mo. In the first place nagpapanggap lang naman tayo eh. Kung iniisip mo yung kinikilos ko sa stage nung Q&A, unang una related ang tanong. Pangalawa, kailangan Kong magalit, syempre alam ng tao na tayo. Mag katipan tayo eh. Ano gusto mo? Ipakita na wala Kong pake? Baka magtaka sila kapag ganun."
Mahabang katahimikan ang namagitan matapos Kong sabihin yun. Damang dama at puro simoy ng hangin lang ang naririnig namin.
"Alam mo yung nararamdaman ko sayo." Matigas na sabi niya.
Oo nga, alam ko. Ang tanong, totoo ba?
"Ano bang pinupunto mo?" Medyo nainis na rin ako.
Naguguluhan na nga ko eh. Di ko alam kung paano ko kokontrolin yung emosyon ko.
"Gusto ko lang malaman mo na nagbago na ko. Hindi na ko yung Inigo dati. Talagang makulit lang Si Margaret."
"Nakulit ka? Nagpahalik ka? Yan yung proof na kahit ano mang mangyri, Si Inigo Grean Ay Si Inigo Grean. Hindi ka na magbabago."
Totoo naman. Oo, sa tono niya ramdam ko ang sinseredad sa boses niya. Pero di muna puso pagaganahin ko.
Isip muna.
Isip muna para makontrol ko pa. Para di ako masaktan ng tuluyan.
"Isipin mo kung anong gusto mong isipin. Pero di nun mababago ang gusto Kong mangyari. Gusto kita at kahit anong mangyari akin ka lang. Sakin ka lang." Tumayo na ang gago at iniwan ako.
Bumigat bigla yung dibdib ko. Di ko alam ang gagawin ko. Parang akong kino kontrol..
Pero wala kong magagawa. Kapag di ako umayon, magkakagulo. Kaya ito muna pansamantala.
Hanggang kaya pa. Kaya ko pa.
Di ko alam kung paano Pero nagsimula nang uminit ang Mata ko. Nasasaktan ako. Ang gulo.
"Kung kaya niya, kaya mo rin."
Napatigil ako Pag iyak at halos Natawa ako kasi gayang gaya niya yung tono nung sa commercial ng Mcdo.
"Pakyu ka, Zac."
"Pinapatawa ka lang eh. Alam Kong napakalmado ng scenery kaya wag mong basagin sa Pag ungol mo. Hahaha."
"Ungol ka jan. Baka gusto mo masipa."
Tumabi siya sakin at umakbay.
KAMU SEDANG MEMBACA
STATUS: In a RelationSHRIMP
Humor[Highest Rank: #15 in Humor] How do you define HIPON? Tapon ulo, katawan only. Yung least sa pinaka pansinin sa school kasi nakakasura ang pagmumukha niya at parang kukumbulsyunin ako sa itsura niya? Madaldal. Masungit. Mataray. Palangiti. In shor...
