Chap. 16

1K 41 7
                                    

Jugjugan


NICA'S POV

Dahil wala akong alam sa basketball eh ayon bagot na bagot ako sa pagkakaupo ko malapit sa ring.

Monday na Monday, umay na umay.

Kakatapos lang ng klase namin kanina. Actually hapon na nga. Mag aalas tres na ng hapon.

Nagpapractice daw sila ng basketball para sa inter high na gaganapin matapos ang exam this month.

At syempre di mawawala ang mga kontrabida sa istorya.

"Hoy panget!" Malanding sabi ni Margaret wag niya Kong artihan jan baka mahambalos ko sa mukha niya tong ring na toh.

Eh sa dahil beautiful ako sabi ng Lola ko, di ko nga pinansin. Mabulok ka jan!

"Ay iba. Ganda gandahan ganun?" Sarcastikong sabi ng korning lider lideran ng cheerleading. At syempre di mawawala ang mga alipores.

Wtf? Akala ko sa mga palabas ko lang mapapanood ang mga gantong eksena. Pucha ang baduy pala sa personal.

"Piling naman.."

"Mukha nga siyang asong ulul eh.."

"Plus the fact na galisin ang face niya!! It so kadiri!!"

Ay Ewan. Sawang sawa na ko sa mga ganyan. Di pa ba kayo nasanay?! Bahala kayo. Mamatay kayo sa alindog ko. Pak.

"Tama kayo jan. Di na siya nahiya noh? Sumasama sa 3Kings? Akala mo kagandahan. Akala mo naman mayaman. Eh putok sa buho ka nga lang eh."

Kahit Anong pilit ko wala. Natamaan ako. Naapektuhan ako ng konte dun. Totoo naman. Di ko nga alam kung saan ako galing. Baka sa mga magsisiliparang sperm cell at egg cell jan sa hangin. Love is in the air nga daw di ba? Okay. Korni.

"Okay. Mukhang wala na tayong mapapala sa panget na yan. Just remind this thing potato, I-N-I-G-O G-R-E-A-N is mine! Just only mine!" Pasigaw na bulong niya sa tenga ko.

Pake ko ba. Di ko pa rin sila pinansin at Nakatingin lang ako sa sapatos kong tig wampipti sa palengke.

"Let's go girls!" Tsaka na sila lumayo sakin habang pagewang gewang ang mga pwetan ng mga walang hiya.

Napabuntong hininga na lang ako..

"Ginugulo ka pa rin ba nila?" Agad akong nanigas sa timbre ng boses na yun.

Shacks! Wrong timing naman toh Si Boy Labo eh! Di ko pa alam irereact ko!!

Naramdaman ko na lang na may tumabi sakin. May hawak siyang mga papel na nakapatong sa lap niya.

Masipag..

"Oo ginugulo pa rin nila ako!" Nagulat ako ng liitan niya ang boses niya at hinarap niya sa mukha niya yung kamay niya na parang puppet.

"Hahaha.. Siraulo." Natawa na lang ako ng bahagya sabay baling ulit sa harapan.

Nagpapractice pa rin sila, kaso napapasama ang tingin sakin nung tatlong kumag kapag nakikita nila kaming magkasama nitong Pres na toh.

"Atleast napatawa pa rin kita.. Uhm.. Are you mad at me?" Seryosong sabi niya. Napalingon ako sa kaniya. Nakatitig lang sakin.. Parang pinapasok niya ang sistema ko sa paraan ng pagtitig niya, nanlalambot ng tuhod ko.

"Huh?" Yun lang lumabas sa bibig ko habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"I want to know if you are mad at me after what happen that night.." Malamlam ang boses niya. Ang maingay na court Ay biglang tumahimik. Parang nakikipagramdaman kami sa isat isa.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon