Chap. 30

713 28 0
                                    

Gandang Wala Kayo


NICA'S POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang faculty kasi pinapatawag ako. Kasama ko Si Jenine. Kaklase Kong matabang feeling close sakin. Ewan ko ba jan.

Ayoko rin naman magtiwala lalo na sa mga estudyante rito. Baka mamaya matripan na naman nila ako.

Pero nag insist naman siya na sasamahan daw ako.

"Girl di mo yata kasama yung tatlong fafa moh?" Tanong niya habang punong puno yung bibig niya ng pagkain. At may hawak pa siyang pagkain. May naka ipit pa nga sa kili kili niyang tinapay na putok amoy putok na tuloy.

Ano kaya magiging lasa nun?

"Fafa sinasabi mo? Ewan may pinuntahan yata baka di pa makakapasok ngayon."

Pag gising ko kanina wala silang apat nag jogging daw at mukhang di muna sila makakapasok ng school.

Baka sasamahan lang Si Leah.

"Balita ko bumalik na Si Leah ah?" Napalingon ako sa kaniya.

"Di ka naman chismosa sa lagay na yan ah?"

"Ako? Chismosa? Di noh! Sabahin na natin under ako ng research team ng school natin." Nakangisi niyang sabi.

"Hoy taba. Kabahan ka nga. Wala tayong research team dito! Ang sabihin mo reyna ka ng chismis dito sa school!"

"Hoy ugly duckling tigil tigilan mo ako ah? Pero alam mo may trivia ako sayo."

"Trivia? Baka chismis."

"Makinig ka muna kasi! Alam mo bang yang Leah na yan, yan yung pinagkakaguluhan ng tatlong lalaki na yun dati nung elementary!" Bulong niya sa tenga ko kaya naaamoy ko yung hininga nyang amoy baboy.

"Pinagkakaguluhan? Nila Inigo, Brent at James? Baka artista nung maliit pa." Kontento kong sagot.

Di rin naman malayo na mag artista sila bang gaganda ba naman ng genes eh.

"May gusto yung tatlo sa kanila. Isa yan sa rason kung bakit nagpakalayo layo yung babae. Nanakit daw ang ulo. Paano tatlong gwapong lalaki nainlove sayo? San ka pa? Dito ka na!" Sabay halakhak ng baboy. Ako natahimik ako.

Gusto ng tatlo? Kahit Si James?

Napayuko ako.

Di naman Malabo yun. Maganda, mabait, kalog, at masayahin. Sino ba namang di maiinlove jan?

"Nako. Paano na kaya ngayon ang maid na Si Cinderella kung may bumabalik para balikan ang kaniyang tatlong prinsepe."

"Tigilan mo ko biik. Baka makatay kita." Tsaka na ko naunang maglakad.

"Okay! Mamaya na lang lunch break! Pupuntahan kita sa room mo!" Sigaw ng baboy.

Pero natamaan ako sa in-oink nung baboy kanina.

Paano ako?

Di naman nila ko iiwan eh. Sabi nila yun. Walang iwanan.

Napangiti ako ng mabalik sakin ang alaala naming apat. Think positive lang! Alam kong ako pa rin. Walang titibag, bente singko ikaw lang sapat na.

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko.

"Okay ka lang?" Napatingkn ako kung sino yung nasa unahan.

"Z-Zac?"

"The one and only. Hehehe." Sabay kindat niya.

Shemay. Bakit parang mas gumwapo siya sa paningin ko? Naka brush up ang buhok kaya kitang kita yung maaliwalas niyang mukha.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon