CHAPTER 47 - THE MURDERER

648 29 4
                                    

NICA'S POV

Naglalakad na ko ngayon sa eskinita malapit sa school. Alam ko dito yung lugar kung saan may mga nawawala daw na babae.

Sus. Di naman yata totoo yun.

Pero Nica binabalita? Wag ngang shunga.

Natatakot kasi ako.

Alas nuebe na rin kasi ng gabi. Aish. Bakit kasi walang tricycle dito eh.

Marami akong posteng nadadaanan. Salitan yung ilaw. Yung isa wala, yung pangalawa bukas ang ilaw, yung pangatlo patay ulit hanggang sa dulo na.

"Kkkkyyyyyaaaaaahhhh------!!"

Nagtayuan yung balahibo nang tumigil yung pagtili ng yun ng isang babae. Jusko naman. Wag ngayon di pa ako nakakauwi eh!

Malamig ngayon yung simoy ng hangin. Malakas ang pagkakaragas ng hangin sa bawat dahon ng mga puno kaya nag gagawa ito ng ingay.

Seriously. Nanginginig na ko.

Di ko alam gagawin.

Ako na ba yung susunod na victim? Nako. Di naman ako Maputi. Di naman masarap ang mga paa ko.

Napatigil ako sa paglakad ng makarinig ako ng hakbang papalapit dito. Napatingin ako sa gawing iyon at may postura ng isang tao.

Nagsimula na Kong Pag pawisan at kabahan. Takte naman. Wag ngayon. Meron ako! Baka kapag Sumigaw ako pumugsit ang lahat!!

Malakas ang yabag ng paa. Bumagal ang lahat. Hindi sa nagiging romantic. Nagiging sa horror way. Katakot.

Mamatay na ba ko dito?

Humakbang yung paa ko ng paatras. Rinig ko yung pagsagi ng bakal na tubo sa sahig ng kalsada habang papalapit dito.

Kinakabahan ako at di ko alam ang gagawi. Pucha naman kasi! Bakit walang tao sa lugar na to!

Tatalikod na sana ako ng magsalita siya.

"Sandali."

Pamilyar yung boses niya. Narinig ko na yan dati ah.

Siya? Siya ba yung pumapatay dito sa school? Bakit? Malaki ang halaga niya sa school Bakit niya gagawin yun?

Anong dahilan mo?

"Nica! Nica! Ikaw ba yan?! Ayos ka lang?!"

Kumunot ang noo ko nang biglang narinig ko yung boses nila. Bakit sila nandito?

Humarap ako at tama nga. Sila ito. Naka uniform pa sila at parang stress na stress.

Nasan na yung tao na yun?

Tumingin ako sa paligid at wala na nga siya. Silang tatlo na yung nandito. Napatingin ako Kay James na nakatingin sakin ng seryoso.

Kinakabahan na ko sa kaniya nitong mga nakaraan. Ang weird ng tingin niya sakin. Di ko malaman.

"Ayos ka lang?"

"May masakit ba sayo?"

"Nica Bakit di ka nagsasalita?"

Tiningnan ko sila isa isa saglit at nilampasan na sila. Ramdam Kong nakasunod sila. Naka park yung kotse nila medyo malayo samin kaya maglalakad pa kami.

"Kumain na kayo?" Malamig na tanong ko.

Di ko pa sila kayang harapin. Masakit pa rin na buong buhay mo pala Ay isang laro lang sa kanila.

"Hindi pa. Hinihintay ka kasi namin. San ka ba nanggaling?" Rinig kong medyo may inis sa boses ni Inigo kaya napataas ang kilay ko.

"Pake niyo ba?" Walang ganang tugon ko.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon