CHAPTER 57 - CAN'T QUIT

662 29 5
                                    


INIGO'S POV

Halos one week na ang nakakalipas simula nang mawala si Nica. Kasunod din ng pagkawala ng lubos naming pinaniniwalaan na si Zac at Lawrence. Malakas talaga ang pakiramdam na siya yun.

But its not right to blame a person habang wala pang malakas na evidence na makakapagpatunay na siya nga ang may gawa nun. Pwedeng nagkataon lang pero siya lang ang primary suspect namin.

Nakatitig lang ako sa papel na toh at halos kabisado ko na nga yung mga sinabi ng sulat na nasa papel.

"North, Sun flower.."

Basa ko sa nasa ibabang parte.

Malakas ang kutob ko na pwedeng clue yun kung saan ang taguan ng Zac na yun. Kasi magkakilala sila at alam naman siguro nila kung saan sila pumupunta magkakaibigan di ba?

Pwedeng alam nilang tatlo yun.

Pero North? Sun Flower?

"Dude, nakakunot na naman yang noo mo ah." Tabi sakin ni Brent sabay lapag ng can ng beer.

Nandito kami ngayon sa sala. Kasalukuyang hapon na at antahimik ng mansion na ito.

Wala si James. Inaasikaso ang pagbabalik ng mga magulang niya dito sa pilipinas. Yun siguro yung dahilan kung bakit minsan tahimik at malalim ang iniisip ng taong yun.

Kilala namin siyang Kuya, Masayahin at madaldal. Pero kapag may problema o malalim na iniisip tatahimik yan, naka upo sa tabi at walang imik.

Siguro yun nga yung dahilan. Sana yung nga lang.

"Iniisip ko pa rin kung saan pwedeng nagtatago yung Zac na yun."

"Lahat tayo yan ang iniisip. Pagpasensyahan mo na kung yung iba di makakasama may mga inaasikaso pa sila para sa requirements nila para sa pag graduate. Ilan araw na rin kasing silang absent mga hahabol pa daw."

Napapikit ako.

Fvck. Graduating nga pala kami. Paano ang pag aaral ni Nica? Baka malungkot yun kapag di siya naka akyat ng stage! Maimagine ko pa lang nasasaktan ako.

Pangarap niya yun eh.

"Wag kang mag alala sating apat nila Nica, ako na nag asikaso ng mga paper works tska requirements. Nakausap ko na rin yung mga prof tsaka principal. Inexplain ko sa kanila ang lahat pero niremind ko rin sila na hanggat maaari satin satin na lang muna yun." Napahinga ako ng maluwag.

Maasahan talaga to si Brent kahit pasaway minsan.

"Thanks dude, di ko na alam ang gagawin kung wala ka. Busy pa si James at paano kung wala ka sa tabi ko ngayon? Tangna, masisiraan na ata ako." Napangiwi naman siya.

"Yyyiieee. Nako nako ah. Bromance ba ito bro? Maraming magagalit kapag naging tayo noh!

Pero minsan pinangarap ko ring mahawakan yang abs mo. Pahawak nga pare." Taas baba pang kilay sabi niya. Nangangasar nga ang gago.

Binato ko yung lata.

"Umayos ka nga. Stress na nga Gross pa yang dinadagdag mo!" Tinawanan lang ako ng gago. Napangiti rin ako kahit papaano.

Alam kong ginagawa niya yun para gumaan ng konte ang loob ko. Kaya kahit mga gago yang kaibigan ko marami rami na rin kaming pinagsamahan. Wala talagang iwanan.

Nagtawanan lang kami hanggang sa nag seryoso na siya at binalik na yung issue sa pagkawala ni Nica at nila Zac at Lawrence.

"Ano nang plano mo?" Yun na nga problema ko eh.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon