CHAPTER 34 - UMAMIN? TUMIGIL? TOTOHANIN?

723 31 2
                                    


NICA'S POV

"Kaya pala.. Eh sino ba kasi yung nagkalat ng picture niyo na yun?" Tanong ni Leah.

Yeah. Tama kayo. Kinuwento ko na sa kaniya lahat ng nangyari dito. Mula sa may nagkalat ng issue hanggang sa mabugbog ako dahil sa kagaguhan ni Inigo.

Na ayun. Poker face lang habang nakamasid sa paligid namin.

Nasa cafeteria na kami at eto kumakain. Ang daming nakatingin samin! Parang mga famous ba.

Eh kasi naman kasama ko lang naman sa table yung apat, idagdag mo pa yung Transferee na bago na kanina pa ako nginingitian. Idagdag na rin natin yung baboy na nagsasalita.

"Yun nga. Hanggang ngayon di pa namin alam. Kung sino man yun, patay yun samin." Madiing bulong ni Brent. Di pwedeng may makarinig nun.

Malaman nila na nagpapanggap lang kami. Baka di lang masira ang pangalan ko. Wow naman parang may pangalan na pinapangalagaan eh noh.

Ang iniisip ko baka masira Si Inigo. Malaman ng magulang niya. Di nga yata ni alam na yaya ako ng mga anak ng mga magulang nung tatlo.

Tsh. Iniisip ko pa ba na masira Si Inigo?

Eh kanina lang di ko alam kung anong klaseng utot ang nasinghot niya at nasabi niya yun sa harap ng mga kaklase namin. May Pag kindat pang nano-knowings ang koya niyo.

Di ko pa nga nakakausop yung bwisit na to eh.

"Nagpapanggap lang pala kayo." Nagulat ako ng may nagsalitang baboy sa tabi ko. Fvck! Si Jenine lang pala.

"Oo. Narinig mo naman di ba? Kaya ikaw shut up lang hane? Baka ipatuhog na kita jan." Narinig Kong Natawa Si Lawrence tsaka Si Brent.

Magka vibes.

Shacks. Dumadami na yung Circle of Friends ko.

Pero di kailangan maniwala agad agad. Di ko pa alam kung sino ang kalaban sa kakampi.

May Pag ganun?

"Dude ikaw? Kamusta ka na?"

"Ok lang noh. Sure akong namiss mo talaga ako. Pero wag kang mag alala lagi kang nasa puso at loob ng boxer ko. Hahaha!" eh? Lawrence?!

"Ew!" Leah.

"So gross!" Ay Si Baboy may Pag English.

"So gay! Hahaha." Si Brent.

Si James naman na pa face palm na lang dahil sa recitation ng group namin. Yeah. By group tawag dun.

"Basketball na lang tayo minsan." Nasabi na lang ni James.

Busy kasi sila sa pagkian.

Magaganda nga ang genes mga PG naman.

"Let's talk." Napunta lahat ng atensyon sa seryosong Si Inigo.

"Sino?" Tanong ko. At inikot ang paningin sa kanila... Na sabay sabay tumingin sakin.

"Ako? Eh? Okay." Sabay tayo.

Sumunod na lang din sakin Si Inigo sa paglabas ng cafeteria. Kapag ganto ka serious toh marami tong nasasabing hurtful words eh.

Aish. Wag naman sana ngayon. Meron ako. lol

Dinala ako ng paa ko sa garden na medyo may kaliitan.

At lahat ng alala nag balik.

*FLASHBACK*

"Ano ba kasing Pag uusapan at may paprivate private ka pang nalalaman!" Reklamo ko.

"Wag ka ngang madaldal." Inirapan niya pa ko.

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon