Chap. 10

1K 38 4
                                    

News


NICA'S POV

A week passed at ganun ang trato ko sa tatlong ugok na pinagsisilbihan ko sa bahay. Kahit Si Brent pa yan di ko rin siya pinapansin.

Ewan ko ba. Kailangan ko ng peace of mind dahil sa nangyari. Taray di ba? Ang showbiz ng datingan?

Pero totoo, kailangan kong malinawan. Lalo na yung inaakto ng Boy Labo na yun.

Sa buong linggo din na nagdaan siya yung nakabantay sakin. Shield kumbaga. Nakakailang nga yung mga studyanteng napapatingin Pag magkasama kaming dalawa.

Pero wala namang malisya daw dun. Magkaibigan kami. At natutuwa ako ng sobra dahil dun.

Kaso napapansin ko na... Di naman sa assuming. Alam mo yung lalaking thoughtful, caring, tsaka masaya kapag magkasama kayo? Ganun siya lagi sakin. Malayo pa nga lang Pag nakita niya ko.

Bang laki ba naman ng ngiti. Yung tipong magsusuntukan pa yung kumpanya ng ibat ibang brand ng toothpaste makuha lang siyang endorser nito?

Kaya minsan nahahawa na lang ako sa kaniya dahil sa pag ngiti niya.

At ngayon na yung araw na yun.

Saturday.

Ang bilis di ba? Wala naman kasing espesyal na nangyari saming apat dito sa bahay. Bigwasan ko pa yang tatlo na yan.

"Nagjogging yung dalawa sa labas." Bungad ni Brent pagpasok ko ng kusina. Nasa lamesa siya at may nginangata habang nagbabasa ng dyaryo.

"Wala Kong pake. Magjogging pa sila sa buong pilipinas wala Kong pake." Dumiretso ako ng ref para uminom ng tubig. Nauhaw ako bigla.

"Haaangtaray naman dis girl. Pati ba naman ako di mo rin kakausapin? Wala naman akong ginawa ah?" Nag pout pa ang loko. Cute nga Pero sarap sikuhin ng nguso para matigil. Naaalibadbaran ako eh.

"Psh! Eh ano naman sayo? Kayo ang may Ari ng bahay na ito at katulong ako. Dapat nandun lang ang agwat natin. Walang hanap, usap, deal." May hand gestures pa yan para may design. Umupo na rin ako sa upuan malapit sa kaniya.

"Ano ka online shopper? Tsaka ganyan ba ang katulong?" Sabay turo niya sa Plato ko.

Napatigil ako ng subo ng black forest cake. Nilipag ko na yung kutsara at hinarap siya. Tinawanan ako ng mokong.

"Ganyan ba karami at kasosyal ang Pag Kain ng katulong kesa sa amo? Ako nga dyaryo lang at tsaa sapat na."

"Ang jejemon." Sabay irap. Tinawanan pa ko ng loko.

"Seriously? Veronica? Wala kang pansinin kahit ni isa sa amin? O kahit ako na lang?" Natameme ako ng halos frustrated niyang sinabi yun at napakamot pa sa ulo.

"Kasi ako? Seriously Veronica, na miss kita."

Ano yun?

Natulala ako sa harapan niya. Nakatingin lang siya sakin. Parang may gusto siyang sabihin na ayaw niya namang sabihin. Ano kaya yun?

"Speechless? Magsalita ka naman jan! Baka mamaya ihambalos mo sakin tong bigla yung lamesa eh. Amazona ka pa naman." Medyo napaatras pa siya ng konte.

"Di ko ito ihahambalos sayo hanggang di mo nililinaw yung sinabi mo kanina." Deretso Kong sabi na di pinapahalata ang kaba ko. Kasi nag iba bigla yung ihip ng hangin.

Yung tipong nangamoy panghe bigla? Umihi ka ba? Charot.

"Totoo yun, namiss kita." Ayan na naman. Dumadagungdong yung dibdib ko!!

STATUS: In a RelationSHRIMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon