Heroes of Arram

34 3 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2017 by JFA Angeles
All rights reserved. This book or any portion thereof
may not be reproduced or used in any manner whatsoever
without the express written permission of the publisher
except for the use of brief quotations in a book review.

For permission requests, write to the author thru jfaangeles2013@gmail.com.










Special thanks to april_avery and purpleyhan for the inspiration and also to my sister wonwoonology for introducing me to these writers and inspiring me write my own story. Please enjoy reading. Don't forget to comment, share and vote for
Heroes of Arram.
Thank you!












PROLOGUE

Nagising ako sa pagyugyog sa'kin ni Mama. Tinignan ko ang orasan sa bedside table ko —alas dos ng madaling araw. Oras na ng pag-alis namin ni Mama.

Bago kami tuluyang umalis, nagpunta ako sa kwarto ni kuya. I hope di ko s'ya magising. Nilagay ko sa bedside table n'ya ang kaparehas ng kwintas ko na may locket na may picture naming dalawa. Binili ko ito kahapon para iregalo kay kuya. Naupo ako sa gilid ng kama n'ya at pinagmasdan ko s'yang matulog habang nakatalikod s'ya sa'kin.

"Paalam kuya. Promise, mag-aaral akong mabuti sa bago kong school. I love you big brother. 'Wag kang magbabago. Paalam," bulong ko sa kanya at sa huling pagkakataon hinalikan ko ang ulo n'ya.

Nakita kong napapitlag s'ya. Humarap s'ya sa'kin at umupo. Hinila n'ya ko palapit sa kanya. Ginulo n'ya ang buhok ko at niyakap. "Ang drama naman ng kapatid ko," halata sa boses n'ya na pinipigilan n'ya lang ang pag-iyak. "Mag-iingat ka don ha. Mag-aral kang mabuti. Pag nagkita ulit tayo ipakita mo sa'kin special abilities mo ha?"

"Yes kuya. Promise, magtre-training ako ng maigi," nagbitaw na kami ng yakap at ngayon ay magka harap nang nag-uusap. "Ikaw din kuya. Mag-ingat ka. Galingan mo din sa training mo. Mamimiss kita ng sobra. Pati mga pang-bubully mo sa'kin."

Nagpakawala s'ya ng mahinang tawa, "O s'ya. Halika na. Ihahatid ko na kayo ni Mama sa istasyon ng tren."

Nakarating kami sa istasyon ng tren ilang minuto bago ang departure time na nakalagay sa ticket namin. Ito ang unang byahe papunta sa Arram —kung saan kami titira ni Mama. Doon ko din ipagpapatuloy ang high school ko.

"Dalian mo Akira at baka maiwanan tayo," pagaatubili sa'kin ni Mama. Nasa tapat na kami ng pinto ng tren nang humarap s'ya kay kuya at niyakap, "Kio, mag-iingat kayo ng Papa mo. Pakisabi sa kanya, maraming salamat. Salamat sa lahat. Hindi pa 'to ang huli nating pagkikita." Hinalikan ni Mama si kuya sa noo.

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ni Mama. Muli kong niyakap si kuya at nagpa-alam na.

Ngayon pa lamang ako makakasakay ng tren. Ngayon pa lamang ako makakalabas ng Jorgia.

Makipot at madilim ang hallway ng tren. Mayroong mga dilaw na ilaw na di gaano ang liwanag, sapat na para makita mo ang iyong daraanan. May mga parang maliliit na kwarto. Tinawag ako ni Mama at binuksan n'ya ang isa sa mga pinto. Magkaharap ang upuan sa loob. Tinignan ko ang nakatatak sa taas ng pinto, 505, ito din ang nakatatak sa ticket namin. Pumasok ako sa loob at naupo malapit sa bintana. Umupo si Mama sa kabilang upuan matapos ayusin ang mga bagahe namin.

Narinig ko ang pagpito ng tren at ang pagbuga ng usok nito. Unti unti kong nararamdaman ang pag-usad namin.

Nakatingin lamang ako sa bintana. Pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Pa ulit ulit lang ang nakikita ko —puro puno.

Unti unting bumabagsak ang mga mata ko. Pumikit na 'ko ng tuluyan. Mahaba pa naman ang biyahe namin. Matutulog muna 'ko.

Paalam kuya. Paalam Papa. Paalam bayan ng Jorgia.

Heroes of ArramDove le storie prendono vita. Scoprilo ora