"Lagot ka Master! HAHAHA!" Ang aga aga lakas makatawa, squater lang ang peg? Over kung makatawa eh kala mo naman may nakakatawa sa nangyari...

Lumapit sa min ang Master pa choo choo nila "Say sorry to her master" said boy one.

"Ang t*nga kasi, hindi iniilag ang bola" my eyes rounded in shock.

I'm shookt people!

Malalaglag na ata eye balls ko sa laki ng pagka bilog eh... Pero pinagsabihan ako ng t*nga? Grabe to ah!!

"Aba! Sorry kung di ko nailag yung bola ah? Kung may mata lang sana yung likod ng ulo ko edi sana di ako natamaan... But sad to say, wala eh. Dahil mas t*nga ka, ikaw na nga naka tama ng bola sa ulo ikaw pa may ganang mag sabi ng t*nga ako!"

Wala siyang reaksyong bumalik sa ginagawa niya kanina. Aba! Kung di lang maliit na bagay yung ginawa mo, kanina ka pa naghihingalo dyan! Tse!

Lumapit ako kay Ate Joy na busy mag selfie and grabbed her wrist and walked away. Kaladkarin dw eh kaya kinaladkad ko na....

I took a last glance at them. Nakatingin pa rin yung tatlo sa kin, eh yung master pa choo choo nila di man lang ako tinapunan ng tingin.

Tsk!










Nandito na kami sa bahay at nakahanda na agad ang mga pagkain dito sa table kaya kumain nalang kami.

"What happened out there?" tanong ni Ate Joy habang nakatingin sa kin.

"Ayaw kong magkwento" sabi ko nang di sya tinitignan.

"Tamad mo talaga mag kwento, isang malaking himala kung nagkwento ka tsk"

Inis nyang inalis sa kin ang paningin niya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Oh yeah!! I forgot to tell you this"

"What?" bored kong tanong. Naiinis kasi ako dun sa mga lalakeng yun! Di ko tuloy na e-enjoy pagkain ko. Tsk!

"I think Karl will come back" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at gulat akong tinignan siya.

"W-what?"

"What?" Inosente niyang tanong pabalik sa kin.

"When will Karl come back? How did you know?"

Nanlaki bigla ang mga mata niya at napatakip sa kaniyang bibig.

"OMYGHAD!"

Tinakpan ko bigla ang mga tenga ko, ang lakas makasigaw. Daig pa ang tawa nung lalake kanina eh.

"How did you know?"

"Kakasabi niyo lang po kanina" I rolled my eyes.

"Eh?! Shocks!!" May binulong siya sa sarili niya. Baliw na ata ang lola. Makakalimutin eh kaya lola HAHAHA.

Nag ring ang cellphone niya kaya mas mabilis pa sa langgam niya itong sinagot.

"Hello... Oh yeah!... Sige sige... Oo nga... Di ko nakalimutan promise... Anong lola ka diyan?... Oh yeah! Aalis na ako sige baboosh~..."

"Where are you going?" Tinanong ko kaagad pagka baba ng call.

"To my friends house, it's her birthday" bigla siyang tumayo at umakyat pataas.

"Uy! Tinatakasan mo lang yung tanong ko sa'yo eh!" sigaw ko sa kanya.

Di na siya sumagot sa kin at pagkababa niya ay dali dali syang lumabas ng bahay.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now