Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?

7.9K 154 53
                                    

Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?

Nasa harap ako ng entrance papunta sa hallway ng palasyo kasama si Albie habang inihahanda ang mga sarili namin sa interview.

Kagabi, napagplanuhan na namin ni Albie ang  lahat. Iaannounce namin ang engagement at mamadaliin ang kasal bago pa lumaki yung tyan ko. Then magppretend kami na aalis for honeymoon at pagbalik tska ko iaannounce na buntis ako. Pagkapanganak ko magddivorce na din kami at abswelto na ko sa problema ko. Duwag ba ko sa naisip ko? Sa tingin ko hindi… gagawin ko lang ito hindi para sakin kundi para sa kahihiyan na pwedeng harapin ng bansang umaasa sakin. Baka hindi rin kayanin ni Lola kung malalaman nya kung ano talaga ang nangyari.

Kagabi tinawagan ko si Sam at sinabi ko na ayoko nang magpakasal sa kanya dahil si Albie talaga ang mahal ko. Alam ko na hindi siya naniniwala pero advantage ko dahil nasa ibang bansa siya ngayon at bago pa siya makabalik dito naiannounce na namin sa media ang kasalan.

Si DJ….bahala sya sa buhay niya! Kung ayaw nyang panagutan yung baby namin hindi ko sya pipilitin pero wag nya din akong pipilitin na ipakita sa kanya yung magiging anak namin! Bukas na bukas din aalis na sila at sa tingin ko yun na din siguro ang huli naming pagkikita dahil ayoko nang masaktan ng paulit ulit dahil sa iisang lalaki lang.

“Good morning Princess Mara..” dumagsa ang reporters sa harap ng palasyo at lalong nakakasilaw ang mga flash ng camera nila. Kahit ang mga guard nahihirapan na pigilan sila. Isang malaki at nakakagulat nga naman ang balita at hinding hindi palalampasin ang balitang ito saan mang sulok ng mundo.

“Stay strong.” Bulong ni Albie at umakbay sakin. Napatingin ako sa kanya…parang mas kinakabahan pa siya eh..parang may gumugulo sa isip niya…pero hindi ko na lang papansinin dahil alam ko naman na nagppretend lang kami talaga.

“Is it true you’re not going to marry Lord Samuel anymore? What happened? When did you break up? How long have you been dating Earl Albie? Why did you announce the news just now? What do you think will be the impact on Germany? Does this mean Albie will  be prince instead of Samuel?” tuloy-tuloy na tanong ng mga tao. Kahit kanina kabisado ko ang sasabihin ko, bigla akong kinabahan…hindi pa rin yata talaga ko marunong magsinungaling? Nalito ako bigla at bago pa ko makasagot, nakita ko si Sam na tumatakbo papalapit samin,….galit. And what more? Sa likod ko, papalapit ding tumatakbo..si DJ!

“Oh snap they’re here..” pasimpleng bulong k okay ALbie sabay senyas sa dalawa ko pang prince charming. Ang haba ng hair ko ngayon…ayan tuloy nasasakal ako sa sobrang haba >.<

“What is this all about?!” galit na tanong ni Sam sabay taas ang dyaryo.

“Bakit nandito ka?! Kala ko bukas pa balik mo?” tanong ko naman. Kya nga minadali ko announcement para di na siya umabot.

“I immediately booked a flight para umabot ako at pigilan yang plano mo. ANong drama toh Mara? Gusto mo kong ipahiya sa lahat?! Everyone knows I’m your fiancé!” namumula na sa galit si Sam at masama na rin ang tingin nito kay Albie.

“As I’ve said last night, si Albie nga ang mahal ko…at hindi mo ko mapipilit…hindi mo rin kami mapipigilan dahil eligible naman si Albie para sakin…he’s also a royal blood…he could be king!” kahit hindi masyadong maintindihan ng ibang reporters, sinulat pa rin at nirecord ang sinabi ko. Ang iba naman na nakakaintindi ng Filipino ipinaliwanag sa mga kasamahan nilaa ng sinabi ko.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon