Chapter 3 Tigre at Agila

12.3K 173 36
                                    

Chapter 3 Tigre at Agila

Problema talaga parking space pag late pumasok sa school. Yun ang mahirap sa part ng pagiging artista. Full sched ako pero gusto ni Mama regular school pa din. Sabagay may point sya, kahit papano mararanasan ko maging normal school boy at mainam din kasi hindi lang sakin nakafocus yung teacher kumpara sa private tutorials. Pero nakakainis kasi puyat na puyat ka sa show pero kailngan mo gumising nang maaga, at pilitin ang utak na dumugo hanggang sa maabsorb nya yung pinag-aaralan.

Buti kahit papano hindi ako nsstampede ng mga fans sa school kahit mga kinikilig sila pagdumadaan ako dahil madami din namang artista na nag-aaral dito. Kung tutuusin ako nga ang bago sa school na toh. Kakatransfer ko lang last month at bukod sa members ng parking 5, yung mga nakatrabaho ko pa lang talaga ang masasabi kong kakilala ko dito. Si Kathryn nandito din at sya yung pinakaclose ko sa babae. Pag kasi may nakikipagkaibigan sakin parang hindi naman kaibigan ang gusto at yung iba naman na anak ng mga mayayaman talaga binubully yung iba pag lumalapit sakin, gusto yata solohin ako. Pero dahil magkalove team naman kami ni Kathryn, mas mainam talaga na lagi kami magkasama..kahit alam ko naman kung sino talaga type nya at alam nya din kung sino type ko.. or I should say, MGA TYPE ko kasi madami si. Kaya yung mga taga-hanga ko sa school hanggang sa pagpapacute lang din sila kaya ayos na yung ganon. At least natutulungan ko pa tropa ko kapag may type silang girl ako ang pinafront hehehe.

“Ay ang prinsipe naglalakad nanaman sa ulap. Di ka na nga nakapasok ng first subject mukhang malalate ka pa sa second. Bakit ba ngayun ka lang?” Nakakagulat talaga tong c Kath. Di ko alam pero ang galling ng vibes nya. Parang alam nya lagi kung nasaang sulok ako ng school.. Sabagay, lagi naman kasi sa parking space ang una kong punta. At alam nya sunod non sa CR ng mga lalake para magpapogi lalo. Sunod sa locker ko muna, tska pa lang sa classroom. Kabisado na nya yun. Best buds kami eh.

“Alam mo namang napuyat ako diba. Tumawag ako kay Mam sabi ko di ako papasok sa unang klase.” Inaantok pa rin yung boses ko. Bakit nga ba ang sarap matulog? Yun na yata ang favorite moment ko! Pagtulog. Bagay na lagi ko namang ipinagkakait sa sarili ko.

“Weh? Parang kami hindi napuyat. Pare-parehas kaya tayong nasa event kagabi. Tinapos naming yun noh!” Sabi ni Kath na sinasabayan na pati yung bagal ng paglalakad ko. Pwedeng lawyer si Kath, galing mangatwiran. Pero mas magaling ako.

“Kasi kayo sumayaw lang ng konti tapos na. Ako magdamag ako nasa stage. Nagpalit pa kami bass at drum tinugtog ko syempre nakakapagod yun lalo na drum.” Oh di ba nice excuse.

“Ewan ko sayo. Alam mo na ba chismis ngayon? Nabasa ko kanina sa dyaryo.” Tanong nya. Bilib din ako sa babae na toh. Busy na sa taping, kailangan pa magschool, nakukuha pa magbasa ng news. Di nga din nya nakakalimutan iupdate lahat ng barkada nya sa Cabanatuan. Grabeh talaga parang superwoman tong si Kath.

“As expected.” Naman! May bago pa ba. Alam ko front page ang goodluck kiss.

“Kathryn Bernanrdo, sweet kay Daniel Padilla sa backstage before the concert. May namamagitan na nga ba  sa dalawa off-screen?” Para mas effective, sinabi ko with action pa na parang may hawak akong dyaryo at ngbabasa.

“Ah mali ka jan! Hindi tayo ang nasa frontpage.” Hmmm nakakagulat naman. Dati nga magkatabi lang anino naming frontpage na.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon