Chapter 15 First Date

10K 161 57
                                    

Chapter 15 First Date

“Kaya lang naman ako Masaya kanina kasi akala ko sayo galing yung flowers, pero ngayon na alam kong hindi pala, worthless na yun.” Alam kong sinusubukan ni Julia na alisin yung pagkabadtrip ko sa nagpadala ng bulaklak sa kanya…sa 1st monthsary pa namin talaga ginawa!

“Iba yung saya mo kaninang magkausap tayo sa phone. Aminim mo na lang gusto mo talaga yang natanggap mo.” Hindi ko alam kung magtatampo ba k okay Julia or maiinis ako sa sarili.

“Haist… wag na kasi mabadtrip yung boyfriend kong pogi… sige ka… lalo kang gumagwapo pag bad boy mode ka eh..” Lumapit sakin si Julia at minasahe yung mgkabilang gilid ng noo ko. Lagi nya yung ginagawa pag pagod ako…. Ok, joke lang yun, hindi nya ginagawa talaga, matinding pakiusapan pa para pumayag sya hehehe.

“Wag mo kong daanin sa ganyan.. the thing is, naiinis talaga ko kasi ako dapat ang magpapasaya ng araw mo. Naunahan ako!” Inamin ko na. nakakainis kasi!

“Sabi ko naman kaya lang ako Masaya kasi akala ko galing sayo.” Paliwanag nanaman nya. Simula sa school hanggang sa pag-uwi dito sa bahay pinapaliwanag nya yun.

“Okay sige na… nasaktan lang kasi ako sa nangyari.”Ayoko din naman pahirapan yung mahal ko nang kakaexplain…tska baka mapikon na sakin toh mag-away pa kami sa 1st monthsary namin.

“Ha? Nasaktan?” tanong nya… sa tono nya kulang nalang sabihin nya ang-OA-mo-naman-bulaklak-lang-nasaktan?

“Eh kasi ngayon lang nagyari sakin toh. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito… hindi ko pala kaya na makikita kong may ibang kayang magpapangiti sayo nang ganun.” Hinawakan ko sya sa kamay para mahinto muna yung massage nya kasi mejo nakakaantok pag ginagawa nya yun.

“Julia, gusto ko ako lang yung makakapagpangiti sayo ng ganun… gusto ko ako lang makakapagpasaya sayo… para hindi mo ko ipagpalit sa iba.” Seryoso, kahit alam kong gwapo ko, at madaming babaeng may gusto sakin, pagdating kay Julia nawawala yung confidence ko. Pakiramdam ko pwede syang maagaw sakin. At yun ang kinakatakot ko.

“Uy, excuse me ha, ako pa gagawa non? Baka nga ikaw jan….ang gaganda ng mga nakakasama mo sa trabaho…. Ako pa pagdududahan mo..hmf!” Inalis nya yung kamay nya at nagpout na parang bata.

“Ako, sigurado na ko sayo. Kahit sino pa iharap nila sakin, kahit nakahubad pa, hindi ko papatulan.” Uy, seryoso yun ah walang halong biro, si Julia lang talaga gusto ko.

“Baliw! Ayan ka nanaman..at gusto mo talaga nakahubad pa ihaharap sayo? Ewan!” Binatukan pa ko ni Julia. Hmm at least mejo nalighten na ang mood namin parehas.

“Ayan oh, para lumamig yung ulo mo magjuice ka muna.” Inabutan nya ko ng orange juice. Di kaya ito nagsasawa puro orange juice na lang araw araw. Si mama naman wala yatang alam bilin kundi orange..maganda daw sa resistensya. Hay nako parang baby naman ako masyado.

“Pangatawanan mo yang sinasabi mo na yan pagkatapos nang movie mo sa Warner Brothers ha. Sigurado international na fans mo at maraming magagandang foreigner.” Sabi nya sabay inom na din ng juice.

“Nako! Oo nga pala noh… Pero ikaw lang naman ang mahal ko, siguro crush magkakaroon pero hanggang dun lang. You’re my one and only.” Tatango tango ko pang sabi sabay turo sa kanya with matching kindat.

“Ang corny lang!” Sabi nya pero kinikilig naman sya. Kunwari pang umiinom ng juice na lang para di ko mahalata na di nya mapigil yung pagngiti nya. Hehe

“Seryoso.. hindi ko papansinin kahit iharap pa nila sakin yung prinsesa ng Germany-” Magsasalita pa sana ko nang biglang naibuga ni Julia yung iniinom nyang juice. Buti na lang hindi sya sakin nakaharap ngayon.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon