Chapter 2 Chismis

13.3K 200 37
                                    

Chapter 2 Chismis

Sinalubong ako ng nakakasilaw na techni-colored lights at nagsisigawang fans pag-akyat ko ng stage….. Joke! Hindi naman talaga ako yung hinihintay nila. Yung Parking 5 band, particularly si DJ Padilla… Ang prinsipe….nag kahambugan….na muntik na kong sagasaan kanina.

Hindi ko alam na ganito kasikat ang mokong na toh. Ano ba naman kasi ang alam ko,  mag-iisang linggo pa pa lang ako sa Pilipinas at inatupag  ko kagad ang paghahanap ng trabaho para makapag-aral ako at makatulong ako sa lola ko. Kaya nga eto ko ngayon, rumaket sa gig at sa di inaasahan, kundi ba naman ako nuknukan ng kamalasan, magpperform pa ko ngayon para sa lalo pang ikasisikat ng taong muntik nang maging mitsa ng buhay ko kanina. Ibang level na toh!

“Hoy! Wag kang tulala jan start ng concert. Galingan mo ha. Bawal magkamali dito.” Binulungan ako ni Yabang, este ni Daniel Padilla na kasunod kong umakyat sa stage. Pumwesto na ang mga kasama nya para magsimulang tumugtog.

Waaaa! Ang daming tao! Kung hindi lang malaki ang bayad dito aatrasan ko na talaga tska kaibigan ko naman kasi nagrequest. No turning back Julia, here I go. “Good afternoon!”

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Daniel!!! Daniel!!! Parking 5!!!” Naghalo-halo na sa tenga ko ang mga tilian, sipol, mga pangalan ng members ng Parking 5 at pinakamatunog si Daniel. Lakas talaga ng hatak ni mokong.

“This song is dedicated to our beloved Parking 5!” Duh! Nakakatawa naman ako. Beloved daw! Eh ngayon ko lang nakilala yung banda na toh. Anyways, ride on na lang trabaho toh.

Nagsimulang tumugtog ang drums kasabay ng palakpakan ng mga tao. Wish ko lang madinig ko pa yung sounds nila eh mukhang mas malakas pa mga tilian ng mga toh. Ang hirap pa naman ng gagawin ko, para kong haharanahin yung mga sikat na kumag na toh.

Teka, hindi lang pala ako at Parking 5 ang magpeperform. Sunud-sunod nang naglabasan ang iba pang artista. Nakita ko na sila.. yung isa… nakita ko sila sa tv pag nanonood ng teleserye yung lola ko. Nako naman lalo akong kinakabahan nyan! Sasayaw sila habang kakanta ako at tutugtog ang Parking 5!

Siguro kung kayo nasa katayuan ko masasabi nyong mswerte ako. Makakalapit ako sa idol nyo. Pero infairness mahirap kaya tong trabaho ko! Magpapanggan na din akong fan kahit ngayon ko  lang nakilala toh? Hay naku ewan ko na lang.. sige, eto na simula na ng kanta!

“Oh yea…. C’mon!...” Inumpisahan ko sa pagpunta sa gitna at pag-aaya sa crowd. Sure naman ako alam nila tong song, Miley Cyrus? Sikat naman yun kahit samen diba?

“You get the limo out front, hottest styles, every shoe, every color..” Nakita kong sa projector screen nagfflash ang mga pictures ng parking 5 sa mga pictorials at pagshshopping nila. Ayus ha. Bawat galaw yata kita sa camera tong mga toh.

“Yeah when you're famous it can be kinda fun, it’s really you but no one ever discovers..” Sumunod na ipinakita yung pictures nila sa school na parang normal boys lang.

“In some ways you’re just like all your friends..But on stage you’re a star…” At ito na ang pictures ni Daniel angas. At syempre tilian na naman ang mga fans! Pero ang sarap sa pakiramdam ha, feeling ko tuloy ako ang bida dito kasi ako kumakanta..sila mga back-up ko lang hehehe!

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon