CHAPTER 38_ANGELI_

10 2 2
                                    

-----

Chapter 38: ANGELI

Dumating ang araw ng paghahanda sa ating nalalapit na laro. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Lalo naman ako pinagpawisan nang sinabi ni pauleen na kinakabahan din siya.

"I gotta feeling that tonight's gonna be a good night..." ganito naman si mienna pag kinakabahan siya. Kinakanta niya lang kung ano naman biglang kanta ang na isip niya.

Nasa dorm lang kami at mga nakatulala lang sa isang bagay. Ako naman ay nakahiga at nakatulala sa kisame.

Pansin ko rin kanina na hindi na kami nagkikita o magkasalubong man lang sa hallway ni vincent. Ano na naman ba nangyayari? O baka may sakit lang siya? Pero ang tagal nun ah... day 26 na ngayon over 365 days.

Teka... ano raw??? Hahaha! Bigla lang nasagi sa isip ko.

Bumalik ulit ako sa pagiging bored girl. O sadyang walang magawa ngayong araw? Well, its preparing day 1! Kaya walang classes ngayon. Siguro kung hindi ako nag dorm ay nasa classroom lang ako buong araw? Noh?

"Hey! I go get some drink. Gusto niyo ba?" Tanong ko na lang bigla dahil parang nauuhaw na rin naman ako.

"Mang lilibre ka?... Ok!" Masayang sabi ni mienna.

Napangiti na lang ako sa kanila saka lumakad papunta sa canteen. Medyo marami-raming tao dahil pwede rin naman ito maging tambayan ng mga estudyante.

Nakita ko naman si angeli na nasa dulo ng canteen nakaupo. Nung nandito na ang direction ng tingin niya ay kumaway ako. Napatulala lang siya sa'kin ng ilang minuto at bumaling na lang ulit sa kanyang kasama. Nagtatawanan sila at nakikita ko rin na tumitingin-tingin siya sa'kin dito habang nakapila ako sa bibilhan ko.

Galit ba siya? May nangyari bang gossip chuchuness? Anong nangyari? Ba't ganito ang angeli na nakikita ko ngayon?

Nang natapos na ko bilhin ng inumin ay tumingin ako saglit kay angeli pero sige pa rin sila sa kakatawa at kwentuhan. Bumalik na lang ako sa dorm ko at binigay sa kanila ang mga inumin na gusto nila.

"O? Ano naman nangyari sayo? Ba't parang bigla naman lumalim ang mata mo? At ang katawan mo? May problema ba?" Kuno't-noo tanong ni pauleen.

"Crush problems--Ouch! Sakit mambatok ah!" Kahit kailan talaga ay si mienna ang kaibigan kong laging masaya.

Ngumiti na lang ako at humiga ulit. Still thinking sa asta ni angeli kanina sa'kin sa canteen. Expecting ko na lalapit siya sa'kin pero... it did not!

"Shai, anyare ba sayo?" Umupo na siya sa kama ko at ako naman ay lalong hindi siya pinansin.

"Wala, okay lang ako. Inaantok lang" sabay tumawa ng onti.

Ganito ang gawain ko para hindi na sila magtanong pa o kulitin ako. Yung tipong tatawa ka na lang.

Dahan-dahan siya umalis sa kama ko siguro dala sa pagaalala sa'kin.

Nang may kumatok sa aming pinto ay hindi man lang ako bumangon para tignan kung sino iyon.

"O! Angeli! Napadaan ka?" Nang narinig ko ang pangalan na yun ay napabangon na lang ako at tumingin siya bigla sa akin. Ngiting tumingin pabalik ulit siya kay pauleen. Nakasimangot siya sa akin at bigla na lang siya ngumiti pabalik kay pauleen.

"Kakamustahin ko lang kayo. Kumusta na nga ba kayo?" Tumingin naman si pauleen sa amin ni mienna.

"Ganun pa rin. Medyo kinakabahan dahil nalalapit na ang palaro"

Nakita ko na lang na kumuno't-noo bigla si angeli at nakasimangot. Nang mag sasalita na ulit siya ay ngumiti na ulit siya.

Weird...

"Sige! Goodluck sa inyong laro! Paalala lang, maging alerto kayo lagi. Hindi niyo alam kung ano ang susunod na mangyayari sa pagitan ng laro o pagkatapos ng laro" ngiting niyang sabi.

Nacreecreepyhan na rin ako sa ngiti at sa pagsisimangot na lang siya bigla at babalik na naman sa pagngingiti.

"Sus! Lagi naman may surprise sa laro eh. Hahaha!" Natawa na lang din si angeli pero kita sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Ah! Sige! Kita na lang tayo sa laro! Mahal na mahal ko kayo at magiingat kayo kung ano man dumating sa buhay niyo na masama. Bye!" Bago pa man magsalita si pauleen ay tumakbo na palayo si angeli.

Sa reaksiyon niya yun ay malamang may pinoproblema siyang malaki.

-----

GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING) Where stories live. Discover now