CHAPTER 9_TRAINING_ [EDITING]

89 4 0
                                    

-----

Chapter 9: TRAINING

Whoa! Ang galing ni pauleen! May mga lumalabas na enemy tester mula ulit sa pader. Bigla biglaan lang. Surprise attack. Tapos sa kada tira ng enemy sa kanya. Natatapos niya ang pagtira ng enemy gamit lang ang maliit na weapon. Ginagamit niya lang ang malaking weapon sa tao mismo. Ang pagtitira kasi ng enemy ay maliit lang ang bala. Kaya napapa'wow' ako dahil nga kasi maliit na ang bala. Natatapos niya pa ito sa maliit na weapon. Nakakahati din kasi ito ng bagay, hindi lang daw sa tao. Cool.

Malapit na maglunch at si pauleen pa lang ang natratraining ni kenneth. Kanina pa nga kami nakaupo sa sofa. Nakailang posisyon na ko sa sofa. Kaya si mienna na iirita na sa 'kin. Iniisip ko kung ano mangyayari sa survival game namen. Never pa kasi ako nakakasali sa ganito. Last year naman ay wala namang ganito. First time lang daw nagkaroon ng ganitong game dito sa school. Nagiging creepy na nga ang skwelahan eh. Ang ayos- ayos noon pero may masamang panibagong dumating sa school. Tss!

Dumating ang lunch time. Pumunta na kami sa canteen except si kenneth dahil magpapahinga daw muna siya sa mahiwagang sofa. Sa sobrang pagod ni pauleen. Nakakawalang gana daw kumain. Sobrang uhaw na uhaw daw siya.

"Pau. Kamusta naman? Ok ba?" Tanong ni mienna. Mukha nga nag enjoy siya eh.

"Yah. Ang sarap magtraining. Actually. Gustong-gusto kong makaranas ng ganito eh. Malupit ang bad side ko noon pero hindi ko lang ginagamit kahit sobra-sobra na yung tao. Kinokontrol ko na lang sarili ko. Kaya lagi akong seryoso simula noon. Except pag dating sa inyo. May kaunting kakulitan ako. Haha!"

Ngayon ko lang toh nalaman. Seryoso. Ngayon lang. Parehas pala kami ni pau. Almost. Siya nakokontrol niya. Ako hindi. Seryoso siya sa iba. Sa amin, hindi. Makulit ako kahit sino pa yang ka-close ko. Pero si mienna. Walang pinagbago.

"So, hindi ka pa nakakagamit ng kahit anong weapon?" Tanong ko.

"No" Now i know! Akala ko kilalang kilala ko na sila. Dati ko pa kasi silang bestfriends pero meron talagang hindi pwedeng sabihin. Depende na lang sa tao kung gusto mag kwento.

Nung nasa training na ulit kami. Nakita namin na nakatulog si kenneth. Sabi niya magpapahinga lang siya? Pero natulog? Pano na ang training? Narinig ko na tumatawa etong dalawa. Ako naman ay nakatulala kay kenneth.

"Pano na? Kuhanin mo kaya yung remote sa bulsa ni kenneth. Dali." Loko tong si mienna eh. Umiling si pauleen pati na din ako.

"Please?" Ugh mienna. Ikaw na lang kaya kumuha noh? Ayaw namin. Ikaw gusto. Kaya ikaw na lang kasi.

"No. Mienna. Loko ka din eh noh? Pano pag nagising yan?" --pauleen.

"Fine. Wag na nga." Tapos nag crossarms pa. Bumalik na lang kami sa dorm. Bahala na kung magising si kenneth. Sana maisip niya na nakatulog siya kaya wala kami sa training room. Lumipas ang ilang oras at wala pa rin si kenneth dito sa dorm. Tulog pa rin ata eh noh? Hindi pa rin kami pinununtahan dito. Or baka naman gising na tapos dumeresto na lang sa dorm niya? Balak ko muna lumakad-lakad sa hallway. Wala namang masyadong tao dahil may mga classes pa sila. Pumunta ako sa tambayan ko. Meron naman kasi field dito. Malawak. Pero mas gusto ko talaga sa tambayan ko. Habang ako'y nan doon nakita ko sila hally sa malayuan. Nakita ko na naman yang mga newbies na yan. Ano na naman kaya balak nila? Oh, right. May training din pala sila. So parehas lang pala kami ng schedule. Bigla-bigla lang sila tumakbo. Papunta sa woods. Anong meron sa woods?

Kaya nga ko pumunta dito eh para magisa muna. Tapos magiisip na naman ako tungkol sa mga lokong yun? Isasave ko muna sa utak tong nangyari ngayon. Ang wierd ko din noh? Tss!

Nung malapit na mag gabi. Bumalik na ko sa dorm. Wala naman nangyaring kakaiba ngayong araw na toh except tungkol sa nangyari kanina sa newbies. Nung natapos na kami kumain, magkwentuhan at mangasar sa isa't-isa. Nakarinig kami ng katok sa pinto habang inaayos namin ang pinagkainan namin. Tatakbo na sana si mienna. Pero pinigilan ko ulit siya. Nung binuksan ko ito. Nakita ko si kenneth. Kala ko naman kung sino or anong bagay nan dito. Ugh.

"Shai! Training ulit bukas ah!" Masiglang sabi ni kenneth. Mukha nga nagcharge tong lalakeng toh. Tinitigan ko lang siya sa mata.

"Sorry... alam ko naman nakita niyo kong nakatulog. Basta bukas ulit.. maaga ha! Bye!" Hanggang sa tumakbo na siya pabalik.

Ugh. Pumasok na ko sa dorm hanggang sa humiga na ko at nakatulog kagad.

"Shaira! Gumising ka naman oh! Malalate tayo sa training!" Sigaw ni pauleen sa tainga ko. Damn it!

Bigla-bigla ako bumangon papunta sa cr. Narinig ko na tumawa tong si pauleen.

"Nauna na si mienna. Buti inintay at ginising pa kita. Kundi lagot ka sa coach natin!" Sabay tumawa.

Leche. Coach talaga? Pwede bang kenneth na lang? Tss!

Nung lumalakad na kami papunta sa training. Nakita ko na tinatraning ni kenneth si mienna. Nakita ko na nakaready na ang sofa kaya tumakbo ako doon saka humiga.

"Shai naman eh! Umayos ka nga! Hindi mo toh sofa! Umupo ka!" Inis na sigaw ni pauleen. Umayos na lang ako ng pwesto. Hindi na kami pinansin pa nila kenneth. Seryosong-seryoso tong dalawa oh! Kinakabahan ako sa training ko. Baka hindi ko siya maintindihan kagad!

Nakita ko si pauleen. Na papa'wow' din. Mukhang madali lang weapon niya ah. Magaan lang din ata. Nung si kenneth ay nasa harap namin. Doon niya lang kami napansin na nandito na kami.

"Girls! Buti naman si shaira. Gising kagad!" Tapos tumawa. Leche talaga!

"Gusto niyo bang idescribe ko tong weapon ni mienna?" Umo-o kami. Napaka expert niya talaga sa weapons ah.

"Etong weapon ni mienna. Ay Gangwep. Isa lang itong ordinaryong barel. As-in barel lang. Walang lason or kahit ano. Yung isa naman ay archer. Alam niyo naman kung saan ginagamit itong acher diba?" Gangwep and archer. Dati ko pa gustong makaranas ng acher kaso pinagbabawalan ako ng mga magulang ko. Tss!

"So... manood na lang muna kayo. Pagkatapos nitoh ay isusunod ko tong si shaira. Mag ready ka na shaira. Papahirapan kita sa training mo. Haha! Just kidding!" Hanggang sa bumalik na sila sa training ni mienna. Ang leche talaga eh! Subukan mo lang pahirapan ako baka mapatay kita gamit ang kahit anong weapon ang nandito.

-----

GREEN VAR UNIVERSITY (ON-GOING) Where stories live. Discover now