Chapter 53 - Devour by grief

Magsimula sa umpisa
                                    

 

Jerson Ken's PoV

 

"Aish! Bakit ka ba sumama?" Napa-kamot ako ng ulo. Hindi ko sya mapigilan. Iniwan na nga namin, sumunod pa.

"I want to see Ezekiel. That's all. Wala naman akong ibang gagawin." Mabilis akong naglalakad sa corridor ng ospital para wala gaanong makapansin sa akin. Kasunod ko si Fiona na palinga-linga habang naglalakad.

Nasa likod din namin si Valkyrie pero halos dalawang metro ang pagitan namin. Roswells and Yaji are everywhere. Ang hirap magtago ng magtago. Darn!

"Here" Iniabot ko ang mga gamot sa babaeng nurse na nasa nurse station. Alam na nya ang gagawin dun bago pa man kami pumunta dito ni Valkyrie.

Sinulyapan ko si Fiona na hindi mapakali. "Hahanapin ko lang si--"

 

"Hindi pwede." matigas na wika ko.

"I want to know if he's alright." Giit nya. Aish! Ayoko talaga sa mga babaeng makukulit. Pero parang kapatid ko na din tong si Fiona. Kaya I have no choice. She pouted, trying to convince me eh? "Sige, sige. Bilisan mo lang"

 

Sinundan ko sya ng tingin hanggang makasakay sya ng elevator. Wala namang may alam na kasali sya sa Swansea, so she'll be safe I guess?

"Todasin na lang kaya natin si Arcadia." Valkyrie whispered. Tss. Maging ang ibang myembro ng Swanseas ay yan ang gustong gawain. "Sumunod na lang tayo sa plano ni Violet" I replied.

"Tss. Bahala ka." He walks away. Hindi ko alam kung saan ang punta nya, kaya umiling na lang ako at lumapit sa kalapit na vendo machine. Dito na lang muna siguro ako habang nag-aantay kay Fiona.

I can't resist to buy a drink. A cup of coffee will be perfect for me to relax-- "Shit!" Halos mabitawan ko ang hawak kong kape sa pagkagulat. "M-miss Aemie" Bakit ba bigla-bigla na lang syang sumusulpot na parang multo? She's standing in front of me at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Darn! Kung may sakit siguro ko sa puso inatake na ko.

"Sinong binibisita mo dito?" Kumunot ang noo ko nung magsalita sya. Namamalik-mata ba ako? Si Miss Aemie ba tala ang kaharap ko o kamukha nya lang?

"Uhh--I-ikaw sana" Palusot ko.Dang! Why did I stutter?

Tinalikuran nya ako at naglakad palayo. She's acting weird. The first time I met her, hindi naman sya ganto. I followed her. Hindi ko maialis ang tingin sa kanya habang naglalakad.

“Bakit mo ako tinitignan?” Hindi man lang nya ako nililingon habang sinasabi nya yan, dire-diretsong naglalakad. I never know na ganito pala sya? I mean, the Aemie I met on the park was a cheerful one. Siguro dahil lang sa nangyari sa mommy nya but she seem—“Kaibigan ka ni Ezekiel diba?” Natigilan ako sa pag-iisip nung magtanong ulit sya.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon