She'd worried, damn it! Nag-alala siya sa kalagayan ng taong nanakit sa kaniya! This in insanity at its finest!

"He stab himself." Sagot ng lalaking tumawag kay Pierce na Kuya. "Masaya ka na ba na sinaktan niya ang sarili niya?" The man's cold gaze held hers, "if you just let him explain, this wouldn't have happened. This is all your fault—"

"Its no one's fault." Kaagad na sabad ni Beckett saka tipid siya nitong nginitian, "Sexes didn't mean that—"

"I mean it." Ani Sexes.

"—Hindi mo kasalanan ang nangyari." Pagpapatuloy ni Beckett sa pagsasalita, "saka pasensiya na pala at tinawagan kita, nag-panic lang ako, pangalan mo kasi ang binabanggit ni Muller bago siya nawalan ng malay—"

"Where is he?" She asked, worried.

Hinawi ni Beckett ang kurtina na nasa kanan niya at tumambad sa kaniya si Pierce na nakahiga sa Hospital bed. Wala itong malay at nagkalat ang dugo sa pantalon nito.

Hindi makapaniwalang umawang ang labi niya habang nakatitig sa sugat nitong naka bendahe na pero tagus na rin ng dugo ang ibabaw niyon.

"Oh God..." Mahina niyang sambit habang dahan-dahang naglalakad palapit sa binata. "Anong ginawa mo..." Mahina niyang tanung sa binatang walang malay. "Anong ginawa mo..."

"Sinaksak niya ang sarili niya." Sagot ng kapatid ni Pierce na nasa likod niya. "Dahil mababaliw na daw siya kakaisip sayo at kakaisip ng paraan para kausapin mo siya." Pagak itong tumawa. "I told him to just find someone to fuck. And he gave a double punch on the stomach, saying your worth it and no one deserves you, that's how worth it you are."

Tumulo ang luha niya sa kaniyang pisngi. "He hurt me so bad. Hindi ko siya kayang kausapin."

"You hurt him too." Anang kapatid ni Pierce na ngayon ay nasa tabi na ng hospital bed. "Iniwan mo siya e. If you want to get even with him for hurting you, you're on the right track. Losing you, you leaving him, is the most painful thing that you can do to him. Kaya kung wala kang balak na kausapin siya at pakinggan, umalis ka nalang. He will eventually forget you, I'll make sure of that."

Nanunubig ang matang tumingin siya sa kapatid ni Pierce. "Ilang beses ko siyang tinanung, ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon na magsabi sakin, pero hindi niya ginawa. Ngayon alam ko na ang sekretong tinatago niya, wala ba akong karapatang masaktan, ha? Kung titingnan mo ako ngayon, alam kong isang matatag at walang pusong babae ang makikita mo, pero hindi mo alam ang laman ng kalooban ko. So before you judge me for not letting your brother explain, keep in mind that I also have a heart that is hurting so bad it suffocates me and it made me cry again and again. You don't know anything, kaya huwag mo akong sisihin, kasi sa aming dalawa ng kapatid mo, siya ang mas may kasalanan."

Namulsa si Sexes saka inilang hakbang ang pagitan nila. "If you really believe that its my brother's fault and he needs to be punished, listen to him and let him explain. At kapag narinig mo na ang explanation niya at galit ka pa rin sa kaniya, then be my guest and leave." Pagkasabi mo'n ay nilampasan siya ni Sexes saka lumabas ito at isinara ang kurtina.

Naiwan siyang mag-isa sa loob habang nakatitig sa maputlang mukha ng binata. He has dark circled around his eyes, a week old whiskers, messy hair and he stink of liquor.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nang imulat niya iyon, napatingin siya sa sugat nito sa may hita.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili..." Mahina niyang sambit saka umupo sa stool na katabi ng kama saka tinitigan ang mukha ng binata.

Staring at Pierce like this...she missed him. Nami-miss na niya ang paglalambing nito, ang pagiging maalalahanin at ang pagiging maalaga sa kaniya. Looking back, Pierce was really an amazing boyfriend...a one of a kind man...a dream man. Except for the fact that he's married to someone else.

Napabuntong-hininga siya saka pilit na pinipigilan ang luhang malaglag sa pisngi niya. Tinatapik-tapik niya ang dibdib para pakalmahin ang sarili niya pero hindi yon gumana. Sa huli, natagpuan niya ang sarili na hawak ang kamay ng binata habang walang imik na lumuluha.

Mariin siyang napapikit habang namamalisbis ang luha sa mga mata niya. "Bakit kasi hindi mo sinabi sakin?" Mahina siyang napahikbi, "baka inintindi pa kita kung sinabi mo ng maaga. Bakit kailangan mo pang hintayin na sumampal sakin ang katotohanang ang lalaking mahal na mahal ko ay kasal sa iba? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Alam mo ba kung gaano kasakit marinig na angkinin ka ng ibang babae sa harapan ko mismo at wala akong magawa? Alam mo ba ang pakiramdam na mawalan ng karapatan sayo? I was so proud to call my self your girlfriend, but now, it just pains me every time I remember. Kaya hindi kita kayang kausapin, kaya hindi ko kayang tanggapin kung ano man ang ipapaliwanag mo, kasi ang sakit-sakit ng ginawa mo sakin.

"Mahal na mahal kita, Pierce, pero ginawa mo akong tanga." Palakas ng pakas ang hikbi niya. "Ginago mo ako. Ginawa mo akong kabit. Pinaniwala mo ako sa mga matatamis mong pangako at kasinungalingan. Being lied to was painful enough but being lied to by someone you love is hellish. So kung nasaktan kita ng iwan kita, mas triple pa ang sakit na pinaramdam mo sakin. Dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahalin ka kung masasaktan lang naman ako ng ganito—"

"M-mahal din k-kita...s-sobra."

Hilam ng luha ang mga mata na tumingin sa mukha ng binata. Bahagyang umawang ang labi niya ng makitang gising na ito at titig na titig sa kaniya.

"M-mahal din kita." Mahina ang boses nitong sabi pero dinig na dinig niya 'yon, "m-ahal na mahal...k-kaya takot na t-takot akong mawala k-ka kasi a-alam kong hindi ko kakayanin kung i-iiwan mo ako."

Umagos ang masaganang luha sa mga mata niya. Humihikbing binuka niya ang bibig para sagutin ang binata pero bigla nalang umikot ang paningin niya at ang huli niyang namalayan ay ang pagbagsak ng katawan niya sa malamig na sahig ng Hospital. 

A/N: Maraming gang sa mundo, hindi man sila kasing nakakatakot tulad ng mga gang sa pelikula, isa pa rin sila sa mga mapanganib na gang sa mundo. May #PaasaGang #FuckAndRunGang #ManlolokoGang #BabaeroGang at ang pinaka-delikado ay ang #BubuntisinKaLangGang. Iwasan niyo ang mga ito dahil nakakasila sira ng kinabukasan. Kung puwede, kilalanin niyo muna, siguraduhin at siyasatin ang pagkatao niya bago bumigay. Pero kahit pa yata na-interrogate na ang myembro ng mga gang na 'yan, maloloko at maloloko ka pa rin. Kaya mga inosente, maging mapagmatyag at maging matang lawin. 

By the way, Calyx will be out in Bookstore's soon. Cover below. No price yet though. #Abangan

 #Abangan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerWhere stories live. Discover now