Chapter 17: Town II

84 7 3
                                    

"Kailangan talaga natin ng Underground Quarters dito sa Town Hall hanggat wala pang castle na nagagawa rito sa bansa natin. Buti na lang talaga andiyan kayo Troll, malaking tulong talaga yung mga Goblin sa bansa na 'to." 

"Napakaliit na bagay lang niyan. Dahil sa inyo ng hari, wala nang panganib na nagbabadya sa amin. Mabilis na rin na nakapagpapalakas yung mga Goblin at nageevolve sa pagiging Hobgoblin at Ogre. Wala na kasing nanghuhunt sa kanila dahil sa flag ng bansa na ito na nilagay sa labas ng kweba namin. Malaking utang na loob namin yan sa inyo. Binigyan niyo pa kami ng pagkakataon na pumantay ang halaga ng buhay sa mga tao. Kung wala kayo malamang sunod sunod na pagsugod ng mga adventurers ang nararanasan namin dun sa kweba, at ang worst case scenario pa niyan, baka naubos na kami. May kakayanan ako lumaban pero hindi yun sapat kung marami naman ang susugod. Pero ngayon, malalakas na rin yung mga Goblin dahil sa nagkaroon na sila ng oras para magtrain. Kaya salamat sa inyo." 

"Umpisa pa lang yan. Marami pa kaming plano ni Ace, pero kailangan pa natin yung iba naming mga kaklase para magawa yung mga plano niyang iyon. Sana mabilis kumalat sa mga tao yung pangalan ng mga hari ng iba't-ibang bansa para maidentify na nila kung saang bansa sila dapat pumunta, pero malamang sa malamang hindi rin ikalat ng ibang hari yung pangalan ng mga sikat na tao mula sa ibang mga bansa."

"Bakit sa tingin mo ganon ang mangyayari?" tanong ni Krister.

"Kasi kung sila mismo magkakalat ng mga pangalan ng ibang mga sikat na tao sa ibang lugar, yung mga tao rin na nakakakilala sa mga sikat na yun, pupunta sa ibang lugar. Mababawasan ng lakas pangtao yung mga bansang aalisan ng mga players, magiging vulnerable sila sa mga atake ng mga bansang walang pake sa buhay ng mga NPC. Dahil unang una, hindi naman kasing lalakas ng mga NPC yung mga players, kaya kung sino mas maraming players na bansa, mas malakas. Kaya naman hindi si Ace ang umattend ng Round table ng mga hari, pag kumalat at nalaman ng mga kaklase natin ang pangalan niya, malamang sa malamang hindi sila pumunta sa bansa niya at baka manatili na lang sa bansa nila. Kung pangalan ko naman ang maririnig nila at hindi sa pagmamayabang, malamang sa malamang pumunta agad sila rito. Hindi rin kasi malaki tiwala ng mga kaklase natin kay Ace, at alam niya yun. Diba Krister?" 

"Ay oo nga pala." wika ni Krister.

"Bakit wala silang tiwala sa hari? Sa mga nakikita ko, magaling naman siya mamuno ah." tanong ni Troll.

"Sagutin mo siya Krister." sagot ko.

"Sa paaralan kasi namin Troll, si Ace, hindi yan pumapasok. Sa loob ng isang linggo, dalawa o tatlong beses lang yan pumapasok, kaya hindi maganda tingin sa kaniya ng iba naming mga kaklase kung kakayahan lang yung paguusapan. Pero kung pakikipagkaibigan lang, maraming kaibigan pa rin yan kahit wala silang tiwala sa kakayahan niya, marunong talaga kasi yan makisama." paliwanag ni Krister.

"Sir! May mga adventurers na hindi nakaregister sa guild natin na gustong pumasok sa loob ng kaharian. Naghihintay sila sa gate, sinabi namin na hintayin po muna ang desisyon niyo. Maaari po ba ninyong tignan po muna ang mga nasa labas? Wala rin po kasi sila sa magandang kondisyon kaya kahit na sinabi niyong huwag magpapapasok ng kahit sinong hindi nakaregister sa guild, nagbakasakali po kaming mga guard na baka payagan niyo pa rin po dahil sa kalagayan nila. Ipagpaumanhin niyo po ang aming pangingialam." sabi ng isang guard na biglang dumating.

"Samahan niyo ko Troll at Krister. Ihanda mo kami ng mga kabayo sa labas. Lalabas na rin kami, saglit lang."

"Salamat po sa pagiintindi sa katwiran namin." 

The Living GameWhere stories live. Discover now