"Ash. Emilia Valdez, Emi in short. Teka di ka familiar dito ah? New student?" At bumitaw na kami.

Tumango ito. "Ah oo, parehas kami ng kaibigan ko. Galing kaming States at dito na rin kami mag-aaral."

Nginitian ko na lang siya at pagkatapos nun umpo na siya sa tabi ko at nakipagkwentuhan.





N E I L

Pagkaalis ni Emi. Agad naman bumalik sa tino si Alex at tinulak si Aubrey pero mahina lang.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit nitong tanong kay Aubrey.

Napakunot naman ang noo ni Aubrey. "Di mo ba ako namiss, Bee?"

Bee ang tawagan nila. Corny.

"Bee? Oh shut up, Aubrey! Ba't mo ko tinatawag ng ganun? Mukha ba akong bubuyog?" Tarantado 'tong si Alex! Natawa ako dun!

"Didn't you remember our endearment?" Lumapit pa ito kay Alex at hinawakan sa braso.

Tinanggal naman ni Alex iyon. Grabeee. Parang nanonood lang kami ng pelikula eh. Parang sila lang yung tao.

"Endearment? The hell Aubrey?! Matagal na tayong wala! Diba ikaw din yung nagtapos ng meron sa atin? So please, wag na wag kang lalapit sa akin." At iniwan si Aubrey sa gitna ng dance floor.

Napansin ata ni Aubrey na madaming nakatingin sa kanila kaya sinamaan niya ito ng tingin. "What the hell are you looking at?! The show is over so please get your eyes off me?!"

Grabeee. Nagbago na siya from the sweet girl into a bitch. Tsk.

Umiwas na ng tingin yung ibang tao at tinuloy ang pagkekwentuhan nila.

Pagkatapos nun hinanap na namin si Alex kung saan pumunta. Nagikot-ikot kami pero wala.

Teka. Oo nga pala may naaalala ako. Alam ko na kung saan siya pupunta.

"Guys, alam ko na kung nasaan siya." Napatingin naman silang lahat sa akin.

Sinundan na lang nila ako at pumunta kami sa likod ng gym. Oo tama, sa likod ng gym siya lagi naglalabas ng sama ng loob.

Nang makarating kami dun nakita namin siyang nakaupo dun habang nakayuko.

Tumingin naman ako sa mga babae. Boys talk muna. "Ah girls, hanapin niyo na lang si Emi kami na ang bahala kay Alex."

Tumango naman sila. "Sige, kayo na bahala kay Alex." Sabi ni Andrea.

Tumango din kami tsaka sila umalis. Nilapitan naaman namin agad si Alex.





E M I L I A

Nagulat na lang ako ng biglang may nagpatugtog. Pero hindi ko alam yung kanta. Okay na pala yung speakers? Tsaka ang lakas pala ng patugtog sa gym! Abot hanggang dito eh.

Biglang tumayo yung katabi ko at nilahad ang kanyang kamay sa harapan ko. Tiningnan ko lang yon.

Ano 'to? Nanghihingi ng pera? "Sorry wala akong pera."

Natawa naman ito. "Baliw! Ibig sabihin neto kung pwede ka ba maisayaw, sabagay at may tugtog naman na."

Ahh. Akala ko naman pero sayaw sa kanya? Sige na nga, siya rin naman yung nakasama ko eh.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon